Kabanata 38

127 4 0
                                    

Kabanata 38

Maling akala.

Erin Lo's POV

Malapit na rin lang ang Christmas Break. Hindi na ako tuluyang pumasok sa school. Gusto ko nang advance na break. Hindi ko na nga rin planong magpakita sa Christmas Party.

May iilan na bumibisita sa'kin pero dahil sinabi ko na kay Mama at Papa pati na rin kay kuya. Wag na muna nila akong kausapin. Sabihin nila na wala ako. Kahit sino pa 'yang bumisita sa'kin hindi ko hinaharap.

Nakakapagod din kasi talaga. Nakakapagod pala.

Kailangan ko lang ikalma 'yung sarili ko. Gan'to pala siguro kapag madaming nakakakilala sayo? Kapag sikat ka? Madali kana lang siraan.

"Hindi ka parin ba papasok? Malapit na Christmas Party nyo. Sayang din 'yun." Sinuklay suklay ni Mama 'yung buhok ko na parang inaamo pa 'ko.

"Ma, Pahinga muna ako. Para pag balik ko dun kaya ko nang harapin 'yung mga salita na maririnig ko. 'Yung mga salita na hindi naman totoo."

"Eto na nga ba 'yung sinasabi nang kuya mo. Tandaan mo, Wag ka nang malalapit sa mga lalaki. Friends man yan o hindi. Lalo pa ngayon na may pangalan kana school." Hinarap ni Mama 'yung mukha ko sa kanya. "Hindi issue ang iiwas sayo. Ikaw dapat ang umiwas sa issue. Ok?"

Lumipas pa ang ilang araw. Hindi pa naman ganon kasama ang mga transferees sa school. Hindi kumalat sa social media ang ganap na 'yon. Pati sa page nang school. Wala.

Feeling ko pa ang lonely ko. Wala si Trish, Isha at buti na lang si Ella napaka one call away. Busy daw sya pero uuwi daw sya dito para sa'kin at tulungan ko na lang daw sya sa mga gawain nya.

"Talaga? Mga impokrita pala talaga 'yang mga Transferees sa school natin. Mga pabida!"

"Sinabi mo pa!" Sigaw ko. "Hay nako." Napabuntong hininga na lang ako.

"Tapos?"

"Anong tapos? Gusto mo pang dagdagan 'yung ginawa nila sa'kin?!"

"Tanga! Tapos ano? Ano ginawa mo? Hindi ka gumanti? Wala lang teh? Ganon lang?"

"Ano gagawin ko? Sumigaw sa lahat nang tao na 'hindi totoo yan!' Mag explaine ako sa kanila eh hindi naman nila gustong malaman? Kung ano ang gusto nilang paniwalaan 'yun ang paniniwalaan nila. Wala silang pake sa'kin kaya kahit anong explanation ko pa kung ayaw maniwala edi nonesense lang! Tsaka magmumukha pa 'kong defensive noh!"

"Paano mo aayusin yan? Jusme! Pag masaya talaga 'yung isang tao may dadating na hindi maganda eh."

"Hayy nakoo."

"Puro buntong hininga kana lang dyan? May mapapala kaba? Linisin mo 'yung pangalan mo! Tutulungan kita."

Hindi ko alam kung bakit nandito ako ngayon sa tapat nang school. Aattend ako nang Christmas Party. Kasama ko si Ella. Since kilala naman si Ella dito kaya open sya anytime.

"Buti pumasok kana?" Yan agad binungad sa'kin ni Brixs. Lalapit pa sana si ART at Chase pero umatras ako.

"Oo. May kailangan lang akong gawin." Sagot ko.

Nakipag usap ako sa adviser ko kung may hahabulin ba ako pero wala naman daw. Lumabas ulit ako nang room pero wala na si Ella.

Naglakad lakad ako sa hallway. Hindi na naman maiwasan nang mga tao na tumingin at magbulungan. I don't care. Hanggang bulong lang ba kayo?!

"Nadulas si Bry nung isang araw. Nasabi nya na si Erin at Chase na pala."

"Ay seryoso?"

Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon