Kabanata 3

306 10 0
                                    

Kabanata 03

What a Charm.

Erin Lo's POV

"Hindi ka maniniwala Isha!!" Sigaw ni Trish nang magkasama-sama na kami nila Isha sa room.

"Uyy! Uy!! Grabe!! Kanina muntik muntikan na! Sayang talaga!" Ramdam ko ang pang hihinayang ni Trish dahil hindi natuloy yung pagkanta nang Lima na yun kanina.

"Oo. Nakita ko!" Sabay tawa ni Isha. "Crush nyo ba yun?"

"Hoy! Hindi ah! Baka si Zechiea!" Sigaw ko.

"Oo! Crush ko yun lalo na si Brixs! Yaaah!!! Pero, Anong Zecheia ka dyan?! Ano sapak?!"

Natawa naman si Isha sa kanya tapos ako sinamaan ko sya nang tingin. Ekspresyon nya talaga palagi yon. 'Ano sapak?!'

"Pero seryoso, Bat ganun ka gwapo yung WAO." Kumalumbaba sya tapos humarap sa'min ni Isha. "Kilala mo ba yun? Hindi taga dito yun e. Mga transferees." Seryoso na si Trish.

"Ah, Sinong hindi makakakilala sa WAO? Sikat yun sa Montenegro's Island at Saavedra's Island. Kumakanta sila doon. Alam mo naman diba! Pag dating sa kanila lahat live. Kaya yun. Mabilis lang yung pag sikat nila. Minsan binabayaran sila para kumanta."

"Talaga? Ano pa." Lalong lumapit ang mukha ni Trish.

"Tapos ang pagkaka alam ko, Hindi naman lahat gusto nila nang-"

"Goodmorning Class! Sorry na late ako saglit."

"Isha, Ano?"

"Wait lang nga."

"Nagkaroon kasi nang problema kanina. Nagkakagulo yung mga students."

"Ishaaa!!"

"Ms. Trisha? Any problem?"

"Meron po."

Lumapit nang konti si Ma'am Dela Cruz. Yea. Hindi ko alam kung bakit sya yung Adviser namin. Baka sub lang?

"Ano 'yon?"

Nag pout sya. "Hindi po kasi natuloy yung pag kanta nang WAO kanina." Tapos kunware nagpupunas sya nang mata kase kunware umiiyak din sya.

Nagtawanan naman lahat yung mga kaklase namin. Lahat nang atensyon ngayon ay nakay Trish.

"Sa limang 'yon po ba? Wala kaming magiging kaklase kahit isa?"

"Wala po bang matalino sa kanila Ma'am?"

"Ma'am! Grade 10 yun diba!"

"Last Section daw po yung isa?"

"Ma'am, Si Chase po ba? Kaklase namin?"

Ang daming pinaulan na tanong kay Ma'am. Halos umiling na lang sya kasi hindi niya yata alam ang isasagot.

"May Mga changes pa kasi sa sched. Ang dami pang nag e enroll. So.. may tendency na may madagdag pa sa inyo.. pero wala nang mababawas." Natahimik na silang lahat sa sagot ni Ma'am Dela Cruz.

Natapos ang 'Class Hours' nilang sinasabi sa pagpapakilala. Every subject tumatayo kami sa harap para sabihin ang name namin sa mga guro.

"4 years na tayong magkakaibigan. Maliban sayo Chai, kase kaklase na kita since birth." Sabay tawa nang mahina ni Trish habang nag su-swing. "Tapos hindi pa pala tayo gumagala sa Megadrillente. Grade 7 pa yun pero ngayon Grade 10 na tayo. Baka naman." Pagpaparinig nya... sa'ken. Just like what i've said. Strict ang parents ko, hahayaan ba nila akong gumala nang hindi sila kasama? Syempre hindi!

"Hay nako. Oo nga naman Chai! Sandali lang naman tayo. Huwag mo na lang pa-alam sa kanila na nag gala gala tayo." Dagdag ni Isha.

"Tsaka! Huy! Grade 10 na tayo noh! Baka kung saan na'ko pag aralin."

"Ako rin."

"Saan ba kasi tayo pupunta? Dapat hindi tayo gagabihin ha! Para hindi mahalata nila Mama at Papa." Kinakabahan ako. Hindi ako pala gala. Bahay at School lang ako tapos School works ang kaharap.

Papasok na kami nang room nang makita ko si Bry. Ang gwapo gwapo nya. MAS lalong gumwapo. Ewan ko ha. Pero dahil siguro blooming sa sila na ni Bea. Sus! Kala mo naman eh.

Katabi lang pala namin sya nang room. Kausap nya si Bea at napatingin sila sa'min.

Ngumiti si Bea. Hindi natural yon. Kahit ba kapwa kami mayayaman hindi sya ngumingiti sa hindi nya kilala. Gusto nya sa ka vibes nya. Wala syang pake kung mayaman ka basta ba ka vibes mo sya natutuwa syang makilala ka.

Ganon.. yung pagkaka describe sa kanya. Tumingin tingin ako kay Trish at Isha. Kapwa sila nakangiti kay Bea. Okay. Hindi ako yung nginingitian kundi silang dalawa.

Sa isip-isip ko. Bakit nga naman ako ngingitian nyan? May napatunayan na ba ako? Ni hindi nga ako kilala sa school. Hindi gaya nang dalawang kasama ko.

"Bea, Let's go!" Pagka lapit ni Zyreen ay umirap sya sa'min. Sumunod naman si Bea sa kanya.

"Siguro.. minsan sama kayo sa'min ni Zy." Yun yung huling narinig ko bago umalis si Bea. Nauna na kasi ako. Para lang akong nakikisawsaw sa usapan nang mga hindi ko ka level.

"Sana matapos na yung pagpapakilala natin. Ang boriiiiing." Bulong ni Isha. Malamang sa malamang ay excited lang sya mag-uwian kasi gagala kami.

Maglalakad lang ba kami? Mahirap mag gala-gala dito sa Megadrillente pag walang sasakyan. Medyo malayo pa nang konti yung bayan kung saan nandun talaga nakatayo yung mga mansion at bahay na tinirhan namin.

"Class. May madadagdag sa'tin. Meron pa namang extra chairs diba?" Inilibot ni Ma'am Dela Cruz ang mata sa room. Meron pa namang extra. Actually madami-dami pa naman.

"So... Alam ko naman na hindi na bago sa inyo 'to. Pero.. syempre dapat magpakilala parin sila sa inyo nang maayos." Tapos biglang bumukas yung pinto. Bago pa man sila tuluyang nakapasok, Parang may anghel na dumaaan sa harapan namin.

Sobrang tahimik. Parang hindi kami maiingay. Tatlong lalaki lang naman ang nasa harap namin ngayon.

"Members sila nang We Are One." Pagpapakilala ni Ma'am.

"Hi ako si Brixs Hernandez." Ngumiti sya pero wala paring nagsasalita kahit isa.

"My name is Ace Raphael Tim Adriano. ART." Hawak sa batok nya. Nahihiya siguro. Pero nanatili paring tahimik kaming lahat.

"Chase Emmanuel Martin." Simpleng pagpapakilala nya. Muntik pa ngang hindi malagutan sa leeg nang ugat yung isa kong kaklase.

Mabilis kong tinakpan ang tenga ko dahil nagkakaingay sa room. Yung mga papel nag liliparan tapos yung mga upuan pinag babagsak nila sa lapag.

Inilibot ko yung tingin sa mga kaklase ko habang nakataas ang isang kilay ko. Hindi ko ine-expect na pati lalaki ay nakikisama sa ingay nila.

Siguro. Dahil gusto nilang maubos yung time ni Ma'am o kaya minsan lang magkaroon nang ganitong katuwaan.

"Class, Enough na. Pilot Section kayo diba. Remember?" Nahimas masan sila sa sinabi ni Ma'am at unti-unti nang natahimik ang room.

Hindi ko maiwasang hindi tignan at umiling dahil mukhang dinaanan nang bagyo ang classroom namin.

"What a Charm, pre."

Napatingin ako sa nagsalita. Ngumiti sya sa'ken? Tumingin ako kila Isha at Trish pero sa iba sila nakatingin.

Ngumiti ako pabalik.. kay ART.

Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon