Kabanata 14
May pa slow mo.
Erin Lo's POV
As usual. Umiiyak ako sa swing. Class hours namin pero nandito ako. Nag ngangawa. Eto na ba yung dahilan kung bakit ayaw nang magulang ko ang mag ka Boyfriend ako?
Langya! Crush palang 'to ah! Shems...
Ang sakit sakit talaga. Hindi ako OA na tao pero yung kay Bry pa mang gagaling yung mga salita na 'yon. Iba e. Iba yung impact sa'ken.
Isa pa 'tong si Bea. Hindi ako makapaniwalang may nakapasok na kagaya nya sa buhay ko. Hindi lang sa buhay ko pati sa bahay at kwarto! Arghhh!!! Nakakainis!
Nakakaines!
"Sabi sayo.. Ayokong may umiiyak."
Sa isip ko lang ba 'yon o naririnig ko talaga si Chase?
"Hindi ko mapigilan e!! Ang sakit."
Ang sakit. Sobrang sakit maniwala sa kasinungalingan. Lalong lalo na 'tong si Bea. Ang laki talaga nang inis ko sa kanya.
Naniwala ako sa ka plastikan nya. Lodi ko na talaga sya!
"Tsk. Sino ba yang iniiyakan mo? Hindi pa naman sya patay. Wag kang excited."
Umupo sya sa isang swing sa tabi ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako nang hiya. Myghad.. Erin Lo! Tumahan kana dyan. Nakatingin si Chase sayo!
"Ba" humikbi ako. "Ba-bakit ka nakatingin dyan? Dun ka. Pwesto ko 'to." Ayoko nang may nakakakitang umiiyak ako. Feeling ko ang weak weak ko.
"Share tayo." Mahina yung boses nya. Share? Hahahah.
"Share nang problema." Pagtatama ko. "Sana pwedeng i divide nang idivide para mag negative na yung problema ko." Pati sa pag iyak. Pati sa problema may math parin. Mas nakakaiyak.
"Mag pa tutor din kaya ako sayo."
"Bakit ka nandito? Cutting ka rin?" Tumayo na ako at akma nang maglalakad.
"May Audition sa BOTB ngayon. Nood ka muna sa'min para kunware hindi ka cutting."
"BOTB? Battle of the Bands? Pa'no yung MMG?"
"Audition palang naman e." Ayan na naman yung mukha nyang anghel. Hay. Nakaka akit naman.
Lumingon ako sa kanya. Magandang idea!! Hulog talaga nang langit 'tong si Chase.
"Sige. Saan yun?" Ako pa mismo ang humila sa kanya.
Hila hila ko sya papunta sa - Saan ba 'ko pupunta.
"Chai. Dito yun tapos aakyat pa tayo nang 4th floor." Tinuro nya yung kabilang building. Elem. Building 'yon.
"Ah, ok."
Tsaka ko lang din napagtanto na hila hila ko parin sya. Binitawan ko agad 'yon kasi nakatingin sya sa kamay ko.
Nakakahiya! Chansing ka Erin Lo! Gusto mo maka score kay Chase! Yaaaahhhh!!!!
"Bagal mo kasi mag lakad e." Palusot ko.
Hindi ko alam kung lulusot ba yung pagpapalusot ko. Buti hindi niya pinansin. Mukhang walang ka alam-alam. Ang inosente talaga nya. Anghel na Anghel ang datingan. Angel Starter Pack!
Kaunti lang yung mga tao. Madaming bakanteng upuan. May ticket pala?
"May ticket? Hala. Wala ako nun." Bulong ko kay Chase. As in wala talaga. Nagkaroon nang bentahan nung nakaraan pero hindi ko pinapansin kasi wala nga 'kong interes pumunta at baka ma fall pa'ko kay....Chase.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )
Teen FictionHighest Rank! #1 in Honors #32 in band Sasagutin ko ang tanong nating dalawa. Basahin mo ah. Bakit hindi naging tayo... Date Started: March 28, 2018 Date Finished: May 02, 2018