Kabanata 34

126 8 0
                                    

Kabanata 34

Maniwala ka lang.

Erin Lo's POV

Lumipas pa ang ilang mga araw. Nakakatanggap na 'ko nang mga bulaklak. Kahit malayo pa naman ang Valentines. . Baka kasi kasunod nang Oct. Is November, What do you think guys?

Meron pa! Pati sa locker ko may mga regalo din. Sticky notes din na naka sulat na 'Goodluck!' Na appreciate ko naman lahat 'yun. Hindi ko lang maiwasan na mapangiti sa tuwing araw araw akong makakatanggap na bulaklak na gawa sa construction paper. Alam nyo 'yung bulaklak na ganun tapos may letter sa tangkay nya pag tinanggal.

Mas na appreciate ko 'yung effort. 'Yung kahit simple basta hindi na kailangang gumastos. Hindi ko na nga gustong tanggapin tapos ibalik na lang sa kanila 'yun pero sabi nga nila Isha at Trish sayang naman 'yun kung ibabalik ko. Pa'no na lang daw kung 'yun yung way nang efforts sa kanila.

Ang ending. Uuwi akong madaming dala-dala. Kalat at umingay ang pangalan ko sa school. Hindi naman sa attention seeker or famewhore pero natutuwa ako. Pagkilala ka nila may posibilidad na iboto ka.

"Ibang level kana talaga." Bulong ni Isha.

Nasa restroom kami ngayon. Nag-aayos nang konti ganon. Re touch lang.

"Kailangan talagang makilala ang pangalan nya. Para makuha mo 'yung People's choice award. Excited na ako! Kunin mo lahat nang award. Wag kang magtira para hindi maka habol 'yang si Mikky o kaya Bea!"

"Kung kaya ko Trish." Ngumiti ako nang peke.

Umikot 'yung mata nya. "Sus! Ikaw pa ba? Hindi na 'ko magdadalawang isip na ikaw ang mananalo. Excited na 'kong ipasa sayo ang korona!"

Just like what i've said. Sya ang nanalo last year kaya ipapasa na nya ang korona. . Sa mananalo ngayong taon.

Nang matapos na kaming mag-ayos lumabas na kami sa Restroom. "Kakausapin ka daw ni ART." Hinawi ni Isha 'yung buhok nya.

"Bakit daw?" Si Trish ang nagtanong.

"Si Chai daw. Kakausapin ni ART. Hindi ikaw."

Umirap si Trish kay Isha. "Oo nga. Bakit nga daw?" Tanong ulit ni Trish.

"Kahit hindi naman tinatanong ni Chai?"

"Syempre itatanong nya 'yun. Diba Chai." Siniko nya ako sa tagiliran. "Ako na ang nagtanong para sa kanya. So bakit nga daw?"

"Hindi ko alam e. Private daw kaya ganon."

Umupo na 'ko sa tabi ni Chase. Naka sitting arrangement kasi e. So 'yun. Kung dati ayaw kong may sitting arrangement at katabi sya. Ngayon, kabaliktaran na.

"Chase." Akma kong tatanggalin 'yung kwintas para tanggalin pero pinigilan nya 'ko.

"Bakit? Ayaw mo ba? Hindi mo ba gusto 'yung. . Design." Kita 'yung lungkot sa mata niya. Naging mas maamong anghel tuloy sya ngayon.

"Hindi naman. Ang mahal kasi nito e. Sinearch ko kagabi, Hindi ko naman deserve 'yan."

"Sinong may sabing hindi mo deserve? Mahal kita kaya lahat nang mahal kaya kong ibigay sayo."

No. Sabihin na nating mayaman din ang pamilya namin pero never akong pinalaki nang parents ko na binibigay lahat nang gusto ko kahit mahal pa yan o mura. Ibibili nila ako kung kailangan lang.

"Chase. Hindi naman ako 'yung tipo nang tao na masaya sa material na bagay. Actually.." nilabas ko 'yung bulaklak na gawa sa papel. "I appreciate your efforts. Araw-araw akong nakaka receive nito tapos 'yung letters about me. Tungkol sa kung ano 'yung nagustuhan mo sa'kin."

Ang ganda na nga nang itsura pag pinagsama sama 'yung paper flowers e. Iba iba kasi 'yung kulay kaya naging colorful na.

Sumandal sya habang naka pikit sa upuan. "I pick the right one. Can't believe it." Bulong nya.

"Wag mo nang ibalik 'yung kwintas. Mahal yan kasi mahal kita." Iniwas nya 'yung tingin sa'kin tapos namumula 'yung tenga nya. Now i know. Nahihiya ba sya?

"Chase, Namumula tenga mo. Okay kalang?" Lumapit ang mukha ko sa kanya pero tumalikod na sya.

Nang mag-umpisa na ang klase. Nag focus na 'ko sa pag-aaral. Focus lang! Kaya naman nang matapos ang klase ngayong araw tuwang tuwa ako.

Maayos naman ang lahat activities, Quizes tsaka kung ano pang mga pinagagawa.

Hindi minsan na lang kaming nagkakasabay nila Isha at Trisha. Bisy din sila sa acads since hindi naman sila excuse. Kami lang ni Chase dahil sa MMG.

Papasok na sana ako sa kotse dahil nandito na si Mang Kanor nang may tumawag sa'kin.

"Pauwi kana ba? Na sabi ba ni Isha na kakausapin sana kita? Ok lang ba?" Sunod-sunod na tanong ni ART. Nagpapalit palit 'yung tingin ni Mang Kanor sa'kin at kay ART.

"Magandang hapon po." Bati ni ART. Ngumiti lang si Mang Kanor.

"Mang kanor. Mag co commute na lang po ako pauwi."

"Sige po Madam. Ano pong sasabihin ko kay Ma'am at Sir?"

Mabilis akong lumapit kay Mang Kanor. "Kahit ano po wag nyo lang sabihin na may kasama akong lalaki."

Tumango sya. Kumaway naman si ART kay Mang Kanor para magpa alam.

"Ano sasabihin mo?"

"Usap tayo, Dyan." Tinuro nya 'yung isang café. "Dyan tayo."

Sinundan ko sya. Malapit lang naman kaya pwede nang lakarin. Nang maka upo na kami at maka order hindi ko na mapigilan magtanong ulit.

"Hindi naman sa excited akong malaman pero kailangan kong maka uwi nang maaga ngayon. Ano sasabihin mo ART?"

"Erin Chai Lo."

Ano problema nito? Kailangan full name talaga?

"Bakit? Kinakabahan ako sayo ART. Ano ba sasabihin mo?"

"Kayo na ba ni Chase?"

"Halata ba?" Hindi pa kami ni Chase. Pero mukha bang kami na? Diba muna friends lang?

"Kung kayo na. Sana hindi mo sya saktan like he encountered before. Alam kong playboy talaga sya noon pa kasi naghahanap nang kalinga 'yun kasi hindi ka nya magawang lapitan kahit noon pa. Sana huwag mong ipa feel sa kanya na ikaw 'yung karma nya sa mga kalokohan nya dati."

"Playboy?"

"Playboy sya noon. Binabaling nya sa iba 'yung feelings na mayroon sya sayo noon kaya ang ending naghihiwalay din kasi ikaw talaga ang gusto nya. Lakas nang tama mo sa kanya. Nagsisi sya nang sobra. Kasi kung gaano ka katino dati ganon parin hanggang ngayon. Kaya nahihiya 'yun dahil sayo."

"Bakit hindi pa sya umamin dati? Ganun rin naman 'yung mangyayare. Maghihintay din naman sya hanggang sa pwede na 'ko."

"Nahihiya nga sa kagaguhan nya hahaha. Kaya nga lang napilitang umamin 'yun dahil tinakot ko."

"Pa'nong takot?"

"Sabi ko aagawin ko kita pag hindi kapa umamin. Kaya 'yun! Napa amin din! Sa wakas!" Tuwang tuwa sya as in mukha syang kakasagot lang nang nililigawan nya.

"Huy ART! Pinagtitinginan tayo." Natatawang sabi ko.

"Kahit hindi pa kayo, ayos lang. Atleast alam namin na may pag-asa."

"Ah, Bat mo sinasabi sa'kin yan? I mean. Nilalaglag mo si Chase sa'kin ah!"  Biro ko.

"Hoy! Hoy! Hoy! Hindi ah."

"Eh bakit nga?"

"Para malaman mo kung gaano sya ka seryoso sayo. Para hindi ka maniwala ka'gad sa mga taong maninira sa inyo. Maniwala ka lang sa kanya. Totoo 'yung nararamdaman ni Chase. Maniwala ka lang."

Bakit Hindi Naging Tayo. ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon