Chapter 3: ADVISED
I LOST. And for sure I cannot have my admission letter back. Bakit kailangan pang makabangga ko ang lalaking iyon? Ngayon ay pinagsisihan ko tuloy ang pakikipagmatigasan sa pagbigay ng upuan sa kanya. I should have gladly give him the seat kung alam kong ganito ang mangyayari!
Tila nawalan ako ng gana sa buhay. Is this the end of my journey in achieving my goal? Sa inis ko ay tinadyakan ko ang nadaanan kong bato. Argh! Nakakainis! If I cannot be admitted for this year's school year, maybe I will try my luck next year.
Tinungo ko ang gate at nagpasya na lamang na bumalik ng 3rd Ward. I started thinking about my possible activities habang naghihintay ng susunod na aptitude exam para makapasok sa academy. Nang papalabas na ako ng gate ay isang boses ang pumigil sa akin.
"Stop."
Learning my lesson from Triangle, I follow the command of whoever it is. Huminto ako sa paglalakad at nilingon ang pinanggalingan ng boses. Hindi ko maiwasang mapataas ang kilay but I immediately lowered it to avoid trouble. Nakatayo sa likuran ko ang isang lalaki—he's properly dressed into his academy uniform. His face was serious, 'yong tipong hindi mo gugustuhing biruin. He doesn't look rogue unlike Triangle but something in his face tells me that I wouldn't want to mess with him.
Itinaas niya ang kamay na may hawak na sobre and to my surprise, it was my admission letter! Paanong—
"Para s-sa akin?"
No expression in his face. "I believe that's yours in the first place."
"K-kinuha mo kay Triangle—"
"No. Siya mismo ang nagpapabigay," wika niya at sumulyap sa relo niya. Kapagkuwa'y humakbang siya palapit sa akin at iniabot ang sobre. "Time is precious so you'd better keep moving."
"Thank—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lamang niya akong tinalikuran at nakapamulsang umalis.
For a second ay nainis ako sa inasal niya. But still, I'm thankful that he gave this to me kahit na inutusan lamang siya ni Bermudo. Wait, is he one of his minions? Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at agad na tinungo ang dormitory na nakasaad sa admission letter.
Ilang minuto rin ang nilakad ko bago ko narating ang dorm. It was so huge but it looks old. Dalawang beses ko pang kinumpirma kung iyon nga ang dorm na hinahanap ko. Kumatok ako sa malaking pinto bago iyon binuksan. Sinalubong ako ng kadiliman, gayunpaman ay pumasok pa rin ako.
Ilang hakbang lamang ay natanaw ko na ang isang payat na babaeng nakaupo sa pang-isahang sofa. Pinigilan ko ang sarili kong mapasigaw dahil sa takot! This woman could pass as a living corpse!
"Magandang araw po." Bahagya akong yumuko habang binabati siya.
Hindi man lamang ito ngumiti at sa halip ay inilahad ang palad sa harapan ko.
Bahagya akong naguluhan kung ano ang nais niya kaya bumunot ako ng barya sa bulsa ko at inilagay iyon sa kamay niya. The old woman scowled to me and threw back the coin to me. Halos mapamura ako nang tumama ang barya sa noo ko. Pusangina.
"Admission."
"Ah!" Nagmamadaling kinuha ko ang admission na iniabot sa akin ng lalaki kanina.
Pinasadahan niya iyon ng tingin bago ibinalik sa akin. "Maliit ang nakuha mong marka, kaya nandito ka sa dormitoryong ito. Nasa preparatory class ka rin—"
"Po?" Prep class? Anong ibig niyang sabihin? Tumahimik ako nang sinamaan niya ako ng tingin. I looked at her apologetically and waited for her to continue speaking.
BINABASA MO ANG
RUN FOR YOUR LIFE
Science FictionIn the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power remain unscathed, a girl called Sunny wants nothing more than to break the vicious system. But how...