CHAPTER 4: MEAN

84.7K 3.8K 502
                                    

Chapter 4: MEAN

I SIGHED in relief habang nagbibihis ng uniform para sa klase ko. It was such a relief na hindi mini-skirts ang uniform namin kundi slacks. Iniayos ko ang puting blouse. To complete my look, I wore my brightest smile. Naniniwala ako na magiging maganda ang araw ko kapag sinimulan ko ito ng isang ngiti.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa backpack ko habang tila isang timang na nakangiting hinanap ang classroom ng prep class. Oo, nakangiti pa rin ako kahit na iniwan ako ng mga pusanginang ka-dorm slash kaklase ko. Napakaaga nilang pumasok kanina. Naglalaway pa lang yata ako sa pagtulog ko ay nakaligo na sila.

Nadaanan ko ang ilang grupo ng mga estudyante at nang makita nila ako ay bigla silang nagbulong-bulungan. Weird. Bahala sila. Basta ako? I will smile all day para naman maging maganda ang araw—

Biglang tumama sa balikat ko ang isang itlog. Nabasag iyon at syempre, sinalo lahat ng puting-puti na uniform ko. My smile disappeared. Nilingon ko ang grupo ng estudyante na nasa likuran ko at hinanap kung sino sa kanila ang nambato. Inialis ko ang naiwang shell sa uniform ko at sinamaan sila ng tingin, isa-isa.

Then I projected my sweetest smile again. "'Wag kayong mag-aksaya ng itlog dahil magiging manok 'to balang araw. For sure, you want to eat poultry, right?"

Tumalikod ako sa kanila at siya namang pagtama ng kamatis sa noo ko. It was coming from another group of students in front of me now. Muling napalis ang ngiti ko. This is a really great start, wow. I gritted my teeth and my eyes formed into a thin line. I counted up to three before putting on my smile again. Pinahid ko ang nalantang kamatis sa noo ko.

"Tomatoes are good specially when stuffed in a fish's tummy. Inihaw na isda. Isa pa, tomatoes contain lycopene that's good for the skin," wika ko.

Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi nina Margo kagabi.

"Prep class is the unluckiest class. Tayo ang magiging subject for bullying ng mga estudyanteng mula sa ibang klase. Kaya pito lamang tayo rito ay dahil nagda-dropout na lamang ang ibang napupunta rito sa halip na maranasan ang pambu-bully ng ibang mga estudyante."

Wait, paano naman nila nalaman na sa prep class ako. Hindi naman siguro ako mukhang taga-prep class talaga?

Saka ko lamang napansin na may badge silang suot. A badge that was missing in our uniform. Kaya pala ang agang pumasok ng mga dormmate ko! To avoid this scene!

I clenched my jaw before sighing. "Hala! Ano 'yon?" Tinuro ko ang langit sa likuran ko at napadako naman ang tingin nila roon. Mga uto-uto! Kumaripas ako ng takbo at nilisan ang bahaging iyon ng academy.

Nang makita ko ang classroom ng prep class ay agad akong pumasok at puro mura ang lumabas sa bibig ko. Lahat na yata ng pangmumurang salita sa mundo ay nasabi ko na. The door made a loud thud dahil pabagsak na isinara ko iyon.

"Okay ka lang, Sunny?" tanong nila. Napansin na marahil nila ang remnants ng kamatis at itlog sa noo at uniform ko.

Nanggigigil na pinagsisipa ko ang nadaanan kong upuan. No need to worry if they fall out of place because they're already out of place. Pitong upuan lamang ang maayos na nakahanay sa gitna samantalang nagkalat naman ang spare chairs sa loob ng silid. Seriously, pati classroom namin mukhang bodega?

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon