Chapter 15: IT TASTES GOOD
"ANO'NG meron?" tanong ko sa kanila nang maabutan kong halos maglaway na sila habang nakatingin sa mga pagkaing nasa mesa. Meat! A lot of meat! At iba't ibang klase ng putahe!
Tumayo si Coco at pinaghila ako ng upuan. "Sunny, upo ka at kumain ka na."
Naupo ako at kinuha ang kutsara at tinidor ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga ulam at nagtaka ako kung bakit hindi pa sila kumakain gayong tila tumutulo na ang laway nila sa takam.
"Kumain na kayo. Kanino'ng birthday ba?" I asked.
"Kumain ka muna, Sunny," nakangiting wika ni Iris. She smiled at me at ini-offer ang beefsteak sa akin.
Nagtatakang ibinaba ko ang kubyertos. "Don't tell me, hindi kayo sigurado kung ligtas ba ang mga pagkain na ito kaya ako ang una ninyong pakakainin?" Inilibot ko ang paningin sa kanilang anim at sabay-sabay silang na umiling. That even makes it more suspicious. Humalukipkip ako at tiningnan sila nang masama. "Ayokong kumain hangga't hindi ninyo sinasabi sa akin kung bakit ako ang gusto ninyong unang tumikim!"
Siniko ni Drix si Coco at umiling naman ang huli. Siniko rin ni Margo si Iris ngunit gumanti lang ng siko si Iris sa kanya. Jeffrey and Suri looked down at walang ni isa man sa kanila ang sumagot.
"That's it, I'm not eating!" wika ko at tinangkang tumayo ngunit biglang hinawakan ni Coco ang siko ko.
"A-Ako na ang mauuna!"
Muli akong naupo at tiningnan siya habang pumupulot ng isang hiwa ng karne. He smiled at the others who glared at him before he took a bite. Napabuntonghininga ang lima at nang makitang wala namang masamang nangyari kay Coco ay nagsimula na rin akong kumain.
"Let's eat!" wika ko at sumigla silang lahat habang kumakain.
Napakasarap ng mga nakahanda. Sa mga nagdaang araw ay maliliit na mabutong bahagi ng karne ang natatanggap namin but it's different today.
Halos maubos na namin ang mga pagkain nang muli akong magtanong. "Kaninong kaarawan ba ngayon, bakit ang daming handa?"
Coco, who was biting on a big chicken leg, answered. "Pinadala 'to ni Triangle."
Natahimik silang lahat at napatigil. Masasama ang tinging ipinukol nila kay Coco samantalang nabitiwan naman ng huli ang kinakain. The bone dropped on his plate.
"Ano'ng sabi mo?"
Coco winced in pain and frowned at Drix, na para bang inapakan siya nito. Muli ay walang sumagot sa kanila.
"Ulitin mo ang sinabi mo Coco!" dumagundong ang boses ko sa sulok ng dining room.
"P-Pinadala ni Triangle ang mga pagkain," sagot niya, halatang natatakot sa akin.
Suddenly, my tummy turned. The aftertaste of the meat tasted like rust. Padabog na tumayo ako at kinuha ang natitirang roasted pork leg. Padabog na umalis ako ng kusina habang bitbit iyon.
BINABASA MO ANG
RUN FOR YOUR LIFE
Science FictionIn the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power remain unscathed, a girl called Sunny wants nothing more than to break the vicious system. But how...