Chapter 29: I'M HAPPY TO BE WITH THEM
BUMAGSAK ang katawan ko sa lupa nang tuluyan nang matapos ang limang kilometrong itinakbo ko. My body fell with the fully loaded rucksack kaya mas lalong naging masakit ang pagbagsak ko. Madilim na ang paligid and thank goodness, I made it.
Lesson learned this day? Huwag sumagot-sagot. After the military officer gave his punishment to me and Gon ay hindi ako gumalaw at sa halip ay nakipagsukatan lamang ng tingin sa kanya. Gon started his push-ups while telling me to do it too pero sadyang matigas talaga ang ulo ko. What happened is that the officer got mad at dinagdagan pa ang punishment ko. That explains why I am the only one who's running around the academy at this hour.
"Makakalas yata ang bawat bahagi ng katawan ko," wika ko at pinilit na iangat ang kamay ko ngunit hindi ko magawa. It's either I'm too tired to try harder or too lazy to do so.
"Makakalakad ka pa ba?" tanong ni Iris. "Hindi ka namin kayang buhatin. The boys are preparing the dinner kaya kami ang sumundo sa 'yo."
"Sa tingin ko ay hindi ko na kayang gumalaw pa," sagot ko at muling tumihaya sa lupa.
"You need to stand up, Sunny!" wika ni Margo.
I closed my eyes and catch my breathe. "Give me an hour."
"No. Ngayon na."
I made a face. "Thirty minutes."
"No."
Oh, please! "Fifteen!"
"Sunny!" tila nagbabantang wika ni Margo. "Kailangan mong kumain. Hindi ka pwedeng mahiga rito sa labas. Kung gusto mong magpahinga, tumayo ka at magpahinga sa dorm."
For the first time, the cold ground felt so comfortable. "Ten minutes."
"Sunny, malamig, oh. Sige ka, mamamaga iyang balat mo."
Hindi ko sila pinansin at mas ipinikit lamang ang mata. Putomaya, parang ang sarap matulog na agad. Ito ang unang pagkakataon na sobra akong napagod. Ikaw ba naman ang ipa-push-up nang sandamakmak, may side rolls, front rolls, at ilang kilometrong takbo pa?!
God, if I have a death note, I will write that officer's name on the note first! Puto, kung alam ko lang na ganito pala ang ginagawa sa regular class, eh di sana, nanatili na lamang ako sa prep class!
Pero joke lang. Syempre, this is better than learning a little or even nothing at the prep class. Kanina ay naintindihan ko ang kahalagahan ng training na ito matapos kong sagot-sagutin si Officer Nil Armstrong.
"I don't get this! Anong kinalaman ng pinagagawa mo sa amin sa mga dapat naming matutunan?" tanong ko sa kanya. Tiningnan ko lang nang masama si Gon na nagsisimula nang magbilang kung nakailang push-up na siya.
"Another 10 push-ups!" sigaw sa akin ni Armstrong.
"Ipaliwanag mo muna!"
God, ayaw ko sa lahat ay ang sinisigaw-sigawan ako dahil lamang gusto niya akong utusan. Kaya nga noong may Reserve Training noong nag-aaral pa ako sa 3rd Ward ay ako ang naging platoon leader dahil gusto kong ako ang sumigaw, hindi ang sinisigawan.
Bigla na lamang niyang hinablot ang suot kong ID.
"Gallego, I don't know if you are really dumb or what. For your information, this kind of training includes physical and psychological intensive process that are helpful in any situation!"
Napalunok ako at hindi agad nagsalita. Naging cue niya yata iyon upang mas lalo pa akong sigawan.
"Everyone must be physically and psychologically ready for everything! What if in the next five minutes, a war will begin? What can you do?"
BINABASA MO ANG
RUN FOR YOUR LIFE
Science FictionIn the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power remain unscathed, a girl called Sunny wants nothing more than to break the vicious system. But how...