CHAPTER 42: SECRETS ARE BEST KEPT HIDDEN

76.5K 3.8K 1.2K
                                    

Chapter 42: SECRETS ARE BEST KEPT HIDDEN

THE NEXT weeks were something that I imagined. Unti-unti nang nakakabangon ang 3rd Ward mula sa matinding depression. Hindi naman agad-agad pero laman ng balita ang pagbalik ng mga investor at pagbubukas ulit ng mga bangko sa 3rd Ward.

Somehow, I felt victorious of everything. It was an achievement. Ang ginawa ko lamang ay tinakot si Moran and he actually did as I told him. Halos hindi pa rin ako makapaniwala na bumaba siya sa kanyang pwesto. I guess he only prevented things to worsen before it happens.

Hindi rin mawala sa isipan ko ang ginawa ni Jean-Claude. I figured out he was at the door at narinig niya ang pinag-usapan namin. That moment was something I will cherish. Napakabilis lamang ng pangyayaring iyon. It was like a dream. A dream that only lasted for seconds dahil pagkatapos niyang ginawa iyon ay hindi na naman niya ako pinapansin.

Not that I expect him to be friendly with me like texting or calling me every day o kaya naman ay kumustahin ako. Noong nakaraan ay nakita ko siyang kausap si Miss Venna at nakita rin niya ako pero nilagpasan niya lamang ako ng tingin. Weird, pero sanay na ako na ganoon si Jean-Claude.

Sa ngayon ay abala ang bawat estudyante para sa paparating na second quarter assessment. New set of exams, new face-off challenges, and new Royal lists. Tahimik ang buong klase at lahat sila ay subsob sa kanya-kanyang mesa at nag-aaral.

I looked around looking for anything interesting but found nothing. Nasulyapan ko si Gon na natutulog sa mesa niya. Bahagya kong sinipa ang kanyang mesa kaya naalog ang ulo niya. Naiinis na binuksan niya ang isang mata at tiningnan ako.

"What is it, Kitten?"

I looked around and lowered my voice. "Wala bang guro ngayon? Bakit hindi na lang tayo pinauwi?"

"They said there's an urgent meeting. Mag-aral ka na lamang dahil malapit na ang 2nd quarter assessment," sagot niya at muling pumikit.

Muli kong sinipa ang mesa niya kaya muli niyang binuksan ang isang mata. "What?" tila iritadong tanong niya.

"I don't want to study," wika ko sa kanya at sumimangot. Ay puto, ang walang hiya, ginantihan lang ako ng simangot din!

"Then don't. Just leave me peacefully, Kitten, I'm really sleepy."

I frowned. "What did you do all night, Pentagon?"

"I studied," he replied, with his eyes still closed. Study raw, maniwala naman ako!

"Really? What did you study about?"

"I'm sleepy, Kitten," inaantok na sagot niya.

Mukhang wala naman akong mapapala kapag kakausapin ko lamang ang inaantok. I don't want to study either kaya tahimik na tumayo na lamang ako at lumabas ng classroom.

Napatigil ako sa pinto nang makasalubong ko si Trench. Naalala kong pinaasa niya lang ako na tutulong siya. He even told me that he's just a Grande at hindi magician. Huh, Grande is the top name in the Capital at walang panama ang magician sa katulad niyang Grande.

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon