Chapter 51: SECRETS WE KEEP
"YOU'RE lying." Sa dinami-rami ng gusto kong sabihin kay Jean-Claude, iyon ang unang mga salitang nasabi ko. "You're lying, right?"
He shook his head. "You know I keep a lot of secrets but I'm not a liar. We used to be so close, right? Hindi ko alam kung naaalala mo pa since napakabata mo pa noon. You told me, hindi ako anak ni Mama and I don't know where you geot that idea. Then one d,ay nakita ko na lamang si Papa na inaayos ang mga pyesa ni Mama. Pakiramdam ko ay gumuho lahat sa buhay ko. It was too much for a young child to know those things. Parang kasinungalingan ang buong pagkatao ko.
"Then I remembered you. You were this positive kid na ilang beses lamang umiyak. You were organized. Bata ka pa lamang ay hindi ka na nagsasayang ng kahit isang butil kapag kumakain. Hindi ka umiiyak kapag inaaway tayo ng ibang mga bata. Napakabilis mong tumakbo. You weren't particularly outstanding at school but you provide the most careful and friendly idea. Then it all makes sense to me." Ngumiti nang mapait si Jean-Claude. "You could be a humanoid too but I was wrong."
"T-That's the reason for treating me badly?"
For a second, I doubted myself too. Tao ba talaga ako? And seconds later, I answered my own question. Of course, I am not a robot! No way.
Tumango ulit si Jean-Claude. "Napakahaba na ng nagdaang panahon na lumipas na dala ko ang akalang iyon. At sa tingin ko, ang tamang gawin para mabawi ko lahat ng pagkukulang ko sa 'yo bilang kapatid ay ang alisin ka sa sitwasyon na kinasasadlakan ko. Leave this academy right away, Sonia."
Naguguluhang napatingin ako sa kanya. "Bakit?"
"Just do as I say." Hinawakan niya ang braso ko ngunit agad akong napapiksi.
I took a step backward na ikinagulat niya. "Sinanay mo ako na lumaking tila walang kapatid, Jean-Claude, so don't expect me to accept orders from you," sagot ko sa kanya.
"The Capital is not what you think it is, Sonia. Napakaraming sekreto and heavy consequences await those who bear those secrets. Kaya mas mabuting wala kang malaman."
"May mga nalalaman na ako," sagot ko sa kanya. "And I highly condemn this system kaya hindi ako aalis dito hangga't wala akong nakikitang pagbabago sa Capital."
Ilang segundo akong tinitigan ni Jean-Claude bago siya huminga nang malalim. "You're hardheaded as ever. Then just take my advice."
Itinaas niya ang kamay at tumambad sa akin ang kanyang palapulsuhan. Tila may pulang ilaw sa loob ng kanyang balat!
"The moment they implant you with this thing, remove it within ten minutes immediately without them knowing. Ten minutes, Sonia, before it will be fully activated or else, wala ka nang kawala. Kapag lumagpas ka sa oras, huwag mo na lamang tangkain pang tanggalin."
***
Ipinikit ko ang mga mata ko ngunit sadyang napakaraming bagay ang tumatakbo sa isipan ko. Napansin ko ring panay ang pagbaling-baling ni Megan sa kanyang kama kaya sa tingin ko ay hindi rin siya makatulog. Bumangon ako, binuksan ang lampshade sa bedside ko at kasabay ko palang bumangon at nagbukas din ng ilaw si Megan.
BINABASA MO ANG
RUN FOR YOUR LIFE
Science FictionIn the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power remain unscathed, a girl called Sunny wants nothing more than to break the vicious system. But how...