Chapter 47: TROPHY MOTHER'S TROPHY SON
NAPAKABILIS ng mga pangyayari. I don't know how I was able to agree with the PoD at sa terms na sinabi niya kapalit ng amnesty. I never thought such power existed at hindi ko rin alam kung ano man ang mga nakasaad sa handbook ng lecheng Academy na 'to. Well, thanks to Triangle Bermudo for messing my supposed-to-be most important day. Hindi sana ako masusurpresa nang ganito kung sakaling hindi siya nakialam at sana ay naka-attend ako noong Academy orientation.
The new schedule was sent via email at wala pa akong ni katiting na ideya kung sino man ang mga magiging kasama ko although I already have a wild guess. Of course, mawawala ba naman ang TTP Cousins? Sila yata ang front liner ng Academy at ng Capital. It still bothers me why Curie, the PoD, chose me to become part of the Project: RUM.
I know my capacities . . . I mean, hindi naman sa pangmamaliit sa sarili ko pero nakapagtataka talaga ang desisyong ito ng PoD. Everyone would think it is unfair dahil hindi naman ako ang isa sa mga outstanding na estudyante sa klase. Average lang. Average pero puto, malaki ba ang galit nila sa mga magulang ko kung kaya, sinalang nila ako sa proyektong ito?
I checked the schedule at hinanap iyon sa loob ng Academy. Hindi kami nakapag-usap ng iba dahil maaga kaming nagpahinga kagabi dahil sa pagod na dulot ng second quarter assessment at face-off. Kahit si Gon ay hindi ko nakausap—or even Triangle, na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita mula nang kinausap ako ng PoD.
Pero teka, bakit parang paliblib na bahagi na yata ng Academy itong bagong classroom namin? Malayo sa klase ng ibang estudyante. Scam ba 'to? Bakit mukhang abandonado yata ang gusaling ito?
The sign on the building says it's the building L1485 kahit na may mga halamang gumagapang doon. I figured out it's really the place dahil may narinig akong ingay mula sa loob. I pushed the dusty, old door open at nabungaran ko roon ang nakasimangot na si Megan.
What the? Anong ginagawa ng diyosang si Megan dito? When I say diyosa, I really mean it. She's too pretty at hindi bagay sa kanya na nandito siya sa abandonadong gusali.
"What are you doing here?" tila naiinis na tanong niya. Hindi ko alam kung saan siya naiinis, sa akin ba o sa alikabok na pilit niyang tinatanggal sa suot niyang damit. Burara kasi, kung saan-saan sumasandal. Tss!
Itinaas ko ang hawak na schedule at nakakunot ang noong hinablot niya iyon mula sa akin.
"Seriously? Kasali ka?"
"Excuse me lang, ha, minamaliit mo ba ang kakayahan ko?" naiinis na tanong ko. Aba, kay aga-aga, binubwisit ako?!
She pouted and returned the paper to me. Huminga siya nang malalim at inilibot ang paningin sa paligid. "Alam mo ba kung tungkol saan ito?"
Tumango ako. "I talked with the PoD yesterday tungkol sa nangyari sa face-off. I was granted with amnesty kapalit nito. I think we will be trained to become part of the Project: RUM."
Minasahe ni Megan ang kanyang noo. "I don't trust this. I don't trust the Capital," wika niya ngunit mukhang sarili niya ang kinakausap niya. Megan could be a bitch at times ngunit naisip ko ang sinabi niya sa akin dati sa Foster. Kahit mula siya sa 1st Ward at bahagi pa ng Royal ay hindi pala siya nakaligtas sa pangmamaliit ng kalalakihan. And I guess her intention is pure at hindi niya nais na magpaalipin na lamang sa bulok na sistema ng Capital.
"Akala ko ba, gusto mo ang P: RUM?" tanong ko.
Sinabi niya dati na mahalaga ang proyektong ito. She defended it before dahil iniisip ko dati na nagpapasipsip lamang sa Capital ang mga researcher ng P: RUM.
"Of course," sagot niya. "Becoming part of this huge long-term project is a great privilege pero don't you think it's too soon? Ang researchers ay dumaan sa apat na taong pag-aaral pero ngayon? They chose and accelerate students. I'm aware that they started the search for exceptional students pero nakapagtataka pa rin ang desisyon na ito. I heard there are 6 students in this bridge lessons and there's two of us. Sa tingin ko ay kasali ang Grande cousins and that makes us 5. The others could be Brenda or anyone from the Royal list."
BINABASA MO ANG
RUN FOR YOUR LIFE
Science FictionIn the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power remain unscathed, a girl called Sunny wants nothing more than to break the vicious system. But how...