Chapter 14: A PROBLEM
WALANG pumasok sa utak ko habang nagdi-discuss si Miss Venna ng tungkol sa history ng drones, how it was developed, and what are its parts and compositions. Ngayon ay mas lalo lamang akong naiinis sa sarili ko. Bakit ba kasi iniisip ko kanina si Tatsulok? Ano ngayon ang isasagot ko sa oral quiz na pag-a-identify sa mga parte ng unmanned aerial vehicle.
"Gallego."
Kinalabit ako ni Coco at tinuro ang table ni Ma'am na nasa 'di kalayuan. She sat beside the table where the drone parts are scattered.
"Sunny, ikaw na."
Tumayo ako at huminga namg malalim. Wala talaga akong maisasagot. Mabigat ang mga hakbang na tumayo ako sa harapan niya.
"Start."
"Ma'am . . ."
Nag-angat siya ng tingin sa akin at itinaas ang isang kilay. I sighed heavily at nag-ipon ng lakas ng loob.
"I . . . I . . . I can't do this. Sorry po pero hindi ako nakikinig kanina," nakayukong wika ko. Better be honest than humiliate myself again.
Seryoso lamang ang maganda niyang mukha habang nakatingin. "Napansin ko rin, Miss Gallego." Napayuko lamang ako. "Go outside."
"Po?" nanlaki ang mga mata ko. Kahit ang mga kaklase ko ay nagulat sa narinig.
"Go outside and squat."
"What? You're punishing me with that childish punishment?!" Hindi ko maiwasang magtaas ng boses.
"Mister Masin, place two books on her arms. Hardbound books."
"What the hell? Are you serious?!" nandidilat na tanong ko.
"Make it four."
"What's wrong with you?" bulalas ko kay Ma'am Ruiz. Bakit ba mainit ang dugo niya sa akin?!
"Sunny!" saway ni Suri.
"Giving me childish punishments and all!" Nakakainis lang! Ayaw ba niya sa akin?
"Sunny!" tawag rin ni Margo.
Tsk, ayan na naman sila sa katatawag sa pangalan ko. Huminga ako nang malalim at hinarap ulit si Miss Venna.
"Fine!" I said in a loud voice at tiningnan si Coco. "Coco, dalhin mo ang mga libro!"
Padabog na lumabas ako ng classroom at tumayo sa labas. Bagot na bagot ang mukha ko at sobrang naiinis ako. Huminga na lamang ako nang malalim at iniayos ang kamay. Coco piled the hardbound books on my arms. Puto 'tong kalbong 'to! Pinili pa talaga ang pinakamakapal!
I stood up and accepted the punishment. Nagpatuloy naman sila sa klase. Napapabuntonghininga na lamang ako habang nakikinig. Mas mabuti pang nandito ako sa labas dahil nakikinig pa ako. Bakit ba kasi kung saan-saan at kung kani-kanino tumatakbo ang isipan ko? I should have learned to fly drones by now! Pero wala, pinalagpas ko ang pagkakataong iyon!
The punishment isn't easy. I stood there in direct sunlight for an hour and a half. Nangangalay ang mga kamay ko dahil sa sobrang bigat ng mga libro. Kapag nahuhulog iyon ay lumalabas si Coco upang pulutin at ibalik sa ayos ang mga libro.
Students from regular class and junior class saw me and I became their laughing stock for a second. Kaagad namang nawawala ang tawanan nila dahil marahil nakita nilang si Miss Venna ang nagparusa akin. They looked scared and they even ran away as they stared at me. Weird.
Lunch time ay hapong-hapo na ako. Ngawit na ngawit ang mga braso ko at pakiramdam ko ay anumang oras ay bibigay na ang mga kamay ko. Siguro ay dahil na rin sa pride ko, pinilit kong kayaning tumayo ng isa't kalahating oras.
BINABASA MO ANG
RUN FOR YOUR LIFE
Science FictionIn the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power remain unscathed, a girl called Sunny wants nothing more than to break the vicious system. But how...