Chapter 55: YOUALWAYS PUT ME FIRST
INSTEAD of facing humiliation because of my appearance right now, mas pinili ko na lamang na bumalik sa dorm. I'd rather accept Armstrong's punishment next time he sees me kaysa sa hayaan ang sarili kong pagtawanan.
I bit my lower lip, tasting the sweetness of the maple syrup. Puto, wala talaga silang konsepto ng 'sayang'! Hindi na nga halos makabili ng pancake ang iba tapos sila, sasayangin lang? At ang mga itlog! Hindi madaling magpalaki ng manok! Aalagaan mo sila at pakakainin nang tama para mangitlog tapos ipambabato lamang nila?
And damn, bumalik na ang dating Tatsulok. Iyong tila palaging bagot sa buhay, papansin, gustong mag-standout kung kaya't kung saan-saan naghihikaw, at Triangle na natetanu na yata ang utak!
I slipped myself out of my dirty uniform at nagbabad sa tub. I let the cold water slid down my body. This is what I wanted, right? Ang tumigil na si Tatsulok sa kahibangan niya. But why do I feel half borderline happy and half borderline sad about it?
Tama, awa nga lamang ang nararamdaman ko. Noong ipinagkanulo ko na nasa kanya si Brenda, I changed my mind because I felt pity for him. When he broke down and cried seeing the android and remembering his father, I also felt pity for him. When he wasn't able to continue crossing the road because of whatever frightening memories in his mind, I comforted him because I felt pity for him. Awa. Awa lamang ang nararamdaman ko. No more, no less.
Pagkatapos kong magbabad sa tubig ay pumunta ako sa hall kung saan kami nagkaklase. For sure ay buong araw sila sa klase ni Armstrong at solo ko rin ang bldg. L1485 ngayong araw.
Nag-ikot ako roon at muling hinalungkat ang safe ni Papa ngunit gaya ng unang nakita ko roon, wala na iyong ibang laman kundi ang research tungkol sa artificial womb na ngayon ay nasa akin. Nagtungo ako sa mga shelf at tiningnan ang mga maalikabok na files na naroon.
Class records, proposals, projects, at kung ano pa. Binuksan ko ang isang folder kung saan naka-print ang Capital Learning Center, the Academy's old name.
I gasped in amazement nang makitang written output iyon ng projects proposals. My hand froze when I saw a photo along with the files. Tiningnan ko nang maigi ang larawan. There were 11 people in the picture at nakikilala ko ng ilan sa kanila.
Malawak ang ngiti ni Papa habang nakaakbay sa isang lalaki. The guy was someone I also recognize which happens to be Trapezoid Bermudo na sa larawan ko lang din nakita. Katabi niya ang PoD na ngayon na si Curie at ang kambal nito na si Marie (seriously, I'm confused which is which because they're identical). Nakangiti rin sa camera ang babae—3rd woman, aside from the Grande twins. Sa tabi niya ang isang mukha na nagpakulo sa dugo ko—Elpidio Moran, a younger version. Ngayong napansin ko si Moran ay saka ko lamang naalala na ang babae pala ay ang asawa niya na nakita ko sa opisina ng PoD. There are 8 other guys in the picture pero hindi ko na sila namumukhaan.
Sunod kong tiningnan ay ang mga papel na naroon. CLC's royal list! Agad kong binasa ang mga pangalang naroon. Nangunguna sa listahan ang Grande twins who both ranked 1st. Hindi ko mapigilang maging proud nang makita ang pangalang Mozart Gallego sa pangalawang pwesto. Oh, Papa is not joking when he said he ranked 2nd.
Hindi ko alam ang tunay na kwento ni Papa. Whatever reason why he was exiled from the 1st Ward, kung bakit tinanggal ang pangalan niya sa patents niya, at kung bakit naninirahan na lamang siya bilang normal na mamamayan ng 3rd Ward, siya lang ang nakaaalam.
3rd on the list is the name Theodore Mariano—who I presume, Trench's dad. Hindi na nakakapagtaka kung bakit matalino si Trench. His parents ranked 1st and 3rd on the list! Pang-apat naman ang pangalang Trapezoid Bermudo and obviously, the twin's father.
BINABASA MO ANG
RUN FOR YOUR LIFE
Science-FictionIn the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power remain unscathed, a girl called Sunny wants nothing more than to break the vicious system. But how...