CHAPTER 19: OBEDIENCE

80.9K 3.6K 1.2K
                                    

Chapter 19: OBEDIENCE

TINAKPAN ko ng unan ang ulo ko ngunit mapilit talaga ang kumakatok. God, it's past 10 in the evening at hanggang ngayon ay hindi pa humuhupa ang ulan simula kaninang umaga and then here's this someone who keeps knocking on my door. Hindi naman sa inaantok na ako or what. Gusto ko lang mahiga at mag-isip kung sa anong paraan ko ililibing ang sarili ko kung sakaling mamatay man ako one of these days.

Of course, I am Sunny Gallego kaya pagkatapos ng tapang-tapangan moment ko kanina kay Brenda Moran, tumakbo lang naman ako pabalik sa dorm at pinagsabihan ang sarili ko. Puto, sino ba kina Mama at Papa ang mayabang at mukhang manang-mana ako?

I almost screamed when someone jumped onto my bed. Napabalikwas ako ng bangon at binuksan ang lampshade at natagpuan si Gon na nakangising nakaupo sa kama ko. With his shoes on my bed! What the pork?!

"Tanggalin mo nga 'yang sapatos mo!" wika ko sa kanya at nagtatakang tiningnan ang pinto. The door is still closed so I supposed . . . Napatingin ako ako sa kisame at gaya ng inaasahan, nakabukas ang isang bahagi ng kisame.

"Ang aga mo namang matulog Sammy," wika niya at hindi man lamang gumalaw upang tanggalin ang suot na sapatos. "Anong nangyari sa 'yo?"

"Pentagon Grande Bermudo, tanggalin mo ang sapatos mo," I asked calmly.

He bit his lower lip. "Ni hindi ka man lang kumain ng hapunan so I ate your share."

I rolled my eyes. "Masyado kang masiba, alam mo ba?" Naiinis na iniabot ko ang mga paa niya at ako na lang mismo ang nagtanggal sa sapatos niya at itinapon iyon sa kung saang sulok ng kwarto.

"What a coincidence, my room is directly above yours," ngisi niya sa akin.

"Hindi ko tinatanong."

"Ano'ng iniisip mo?"

"Pakialam—wait, you said you will help me sa Face-Off right?" tanong ko sa kanya.

"I changed my mind." Tinangka niyang tumayo sa kama ngunit agad ko siyang hinila paupo.

"Yah! Sinira mo ang ceiling ko!" reklamo ko.

"It's just fair dahil sira naman ang sahig ko," sagot niya.

"You ate my share!" pangungwenta ko.

"Kaysa naman masayang."

"I'm supposed to eat it later tonight," sagot ko sa kanya.

"You know, the old woman makes sure no food to will be left over after 10 PM." Humalukipkip siya.

Naiinis na kinamot ko ang ulo at napasipa sa kama. "Gon naman, eh! Help me!"

Kinuha niya ang unan ko at isinandal iyon sa headboard. Humiga naman siya at inilagay ang mga kamay sa likod ng ulo. "I hate bossy people."

I blew some air out of irritation. "Help me, PLEASE."

Tumawa siya at umayos ng higa. Seriousl,y it's weird to see him in my room. Parang si Triangle ang kasama ko—only that Gon's a little less boastful and arrogant than him. Like mga 0.00000001% lang ang lamang ng kayabangan ni Tatsulok kay Gon.

"So, you found your prospect opponent?" he asked. I nodded. "Sino?"

"Brenda Moran."

Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba ako ni Gon or what. Unti-unti kasing napalis ang ngiti sa mukha niya at napalunok. "Brenda Moran?"

I nodded my head again. "Brenda Moran. Kayang-kaya mo naman siya, 'di ba?"

Umupo siya mula sa pagkakahiga. "Brenda Moran, huh? Kilala mo ba si Brenda Moran? At bakit siya ang napili mo?"

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon