Chapter 61: BUSTED
"AAMIN, hindi. Aamin, hindi. Aamin, hindi. Aamin, hindi." The green peas rolled back to my rice kaya napahinga ako nang malalim at muling umulit. "Aamin, hindi. Aamin, hindi."
I keep chanting it in my mind at nang matapos iyon sa hindi ay sunod kong sinubukan ang bawat butil ng kanin na nasa plato ko.
"Kitten?"
Napatingin ako kay Gon nang nilagyan niya ng green peas ang plato ko. He grinned like crazy at bahagyang ibinaba ang kanyang mukha.
"Ano'ng ginagawa mo? He loves me-he loves me not na tungkol kay twin bro ba yang ginagawa mo?"
I dropped my spoon at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Tatsulok na nakaupo sa harap ko mismo. It's dinner time at gaya ng nakasanayan ay sabay-sabay kaming maghapunan.
"No, it's not," mariing tanggi ko at nag-focus na lamang sa pagkain. I was battling with myself whether I should turn myself in lalo na't ako naman ang puno't dulo ng lahat kahit na sabihing si Gon at AndE ang nag-execute. I will assume the risks pero paano kung papatayin ako ng Capital dahil sa ginawa ko?
The thought brings shiver down my spine. Ipinilig ko ang ulo ko at tiningnan nang masama si Trench na nakatingin din pala sa akin. He didn't look away. Diretso lamang ang tingin niya and I cannot tell what is it about.
"I think this is a good opportunity to talk about this tutal nandito naman tayo," biglang wika ni Tatsulok. "Trench, how do we get rid of the P2 that penetrated Sunny's body? Nakuha na ang bala pero sigurado akong may mga parasite na kumalat na sa katawan niya."
I was stunned for some points. Una ay binuksan ni Tatsulok ang usapang ito. Pangalawa, he opened it with Megan, Coco, and Gon na walang kaalam-alam. Third, he called me Sunny.
Natigil ang tangkang pagsubo ni Trench at nag-angat ng tingin. "I'm afraid I don't know anything," kaswal niyang sagot.
Nakiramdam ako ngunit mukha namang walang civil war sa pagitan nilang dalawa ni Tatsulok.
"Are you gonna be like that? Sasagot-sagot na chill lang na tila ba hindi delikado ang P2 sa katawan ko?" Okay, this is me getting angry . . . again.
"Ano'ng gusto mong sabihin ko? Na pwede ka lang uminom ng kung ano mang deworming tablet at okay na?" he replied coldly.
"Trench has a point. I haven't heard of it and when I made a research, hindi pa iyon lumala—"
"Puto, sinong tanga ang gagawa ng parasite na walang cure o prevention?" Naiinis na hinampas ko ang mesa at napatayo. I have an answer to it—Theodore Mariano. Pero hindi ako naniniwalang wala itong gamot o kung ano man.
"Uh, excuse me? Care to tell us what is this about?" singit ni Pentagon. "Kitten?"
"Bakit hindi mo itanong sa magaling mong pinsan?" Padabog na naupo ulit ako at naghalukipkip.
BINABASA MO ANG
RUN FOR YOUR LIFE
Science FictionIn the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power remain unscathed, a girl called Sunny wants nothing more than to break the vicious system. But how...