Chapter 6: RESULT
"AAL izz well. Aal izz well. Aal izz well. Aal izz well. Aal izz well. Aal izz well."
"Kanina ka pa r'yan!" Sinamaan ako ng tingin ni Coco habang tinatapik ko ang dibdib ko at paulit-ulit na china-chant ang linyang hindi ko alam kung kanino galing.
"I'm trying to tell myself that everything will be fine," pinagpatuloy ko ang ginawa ko. "Aal izz well. Aal izz well. Aal izz well."
Saglit siyang nag-isip. "Let me see, hmmm? You messed with Triangle. You called Trench cute and even pinched his cheek. You accepted the challenge. Hala! Aal izz well. Aal izz well. Aal iz well." Nagsimula na rin siyang gumaya na tila ba sinasabing kailangang-kailangan ko nga iyon.
Maging ang lima pang kasama namin ay naki-aal izz well na rin. I just told them about what happened and none of them was impressed. Yes, I messed up. I know. Eh, sa mas may alam ako sa latang iyon kaysa sa advanced inventions na nasa harap namin kanina!
"Pero, Sunny," untag ni Drix sa akin. "Hindi ba kapatid mo 'yong isang alumni kanina?"
Napahinga ako nang malalim. "Yeah."
"Hindi ka man lang ba niya tinulungan? He can leak info about those—" Hindi na natuloy ni Margo ang sasabihin nang sinamaan ko siya ng tingin. Well, una sa lahat, Jean-Claude isn't the type who bends the rule. Secondly, we're just siblings by blood and he's not the kind who saves anyone at all cost just because we're siblings.
"Pero Sunny," singit naman ni Coco. "Your brother is one of the greatest graduates of this Academy."
"Your point?" nakataas-kilay kong tanong.
"Hindi ka biniyayaan ng talino?" he asked and he received glares from the others.
Napalabi lang ako. That's the main issue at home. Jean-Claude is the good son and I am the black sheep. Jean-Claude is good at everything, the best actually, and I am the kind who surely mess things up.
"I will surely flunk in this activity! Hindi naman kasi dapat ako sasali—argh!" Napasabunot ako sa sariling buhok.
"Let's just pray they will merit your spirit in joining," wika ni Drix. Siya naman ang sinamaan ko ng tingin sa pagkakataong ito.
"Argh, kasalanan iyon ni Trench! Sandali, hindi kaya iyon ang ganti niya sa akin?" I asked with wide eye.
"I guess!" they said in chorus.
Ibinaba ko ang ulo ko sa mesa at tumunganga. Isa-isa ko silang tiningnan at gaya ko ay nababahala rin sila. Pero naisip ko rin namang maganda ang ginawa ko.
Pero—okay, hindi naman talaga lahat alam ang purpose ng butas na iyon sa can tab pero shit naman, bakit iyon pa ang pinili ko? Ako na yata ang may pinaka-lame na ideya sa mundo! Pwede namang ulitin ko lang ang sinabi ng iba habang pinapaliwanag ang mga bagay na naroon. Gagayahin ko lang at iibahin ang mga salita. Or at least, I'll try to sound convincing that I am knowledgeable enough kaysa sa mga nauna sa akin. But, wala na! Pinahiya ko na ang sarili ko!
BINABASA MO ANG
RUN FOR YOUR LIFE
Science FictionIn the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power remain unscathed, a girl called Sunny wants nothing more than to break the vicious system. But how...