Chapter 30: SLAUGHTER HOUSE?
BUONG araw ay nakatingin lang ako kay Megan. She sat there, ignoring me. Nakikipag-debate din kasi ako sa sarili ko kung lalapitan ko ba siya at magpasalamat sa ginawa niya kahapon.
"Psst."
Hindi ako lilingon, hindi ako aso! Hindi ako lilingon, hindi ako aso! Hindi ako lilingon, hindi ako aso!
"Pssst!"
"What?" inis na lingon ko kay Coco. Maka-psst 'to!
"Pupunta kami mamaya sa Foster. Sama ka?" Ngumisi siya sa akin. Tiningnan ko ang iba pa ngunit abala sila sa ginagawa nila. "Hindi sasama si Gon at ang mag-asawa. Tayo lang nina Drix, Iris, at Margo."
Napatingin ako sa bakanteng upuan na nasa tabi. Wala nga si Gon. Maging sina Triangle at Trench ay wala sa kani-kanilang upuan kahit class hours at tila wala lamang iyon sa guro na nasa harap. Nasaan kaya ang TTP Cousins?
"Sige, sasama ako," mahinang wika ko.
Coco smiled and nodded at bumalik na ang tingin niya sa papel niya. Sa huling pagkakataon ay tiningnan ko ang bakanteng upuan ng tatlo.
Hindi naman ako naniniwala na baka nagpahinga sila dahil sa labis na pagod sa training sa nagdaang dalawang araw. They can do it since they're elites but I doubt that's the reason. Well, siguro si Triangle at Trench ganoon pero hindi ako naniniwala na ganoon din ang rason kung bakit wala si Gon.
Nagsumite na ng test papers ang iba kaya ganoon na rin ang ginawa ko. Sumenyas ako kay Coco na mauuna muna ako sa dorm upang magbihis.
Tahimik na tinahak ko ang daan papunta sa District 9 Dormitory.
"Pssst."
Hindi ako lilingon, hindi ako aso! Hindi ako lilingon, hindi ako aso! Hindi ako lilingon, hindi ako aso!
"Psst!"
Hindi ako lilingon, hindi ako aso! Hindi ako lilingon, hindi ako aso! Hindi ako lilingon, hindi ako aso! Puto isang sipol pa tatamaan talaga 'tong mga 'to sa akin!
"Psst! Kitten!"
I stopped at tumingala sa puno kung saan naririnig ko ang pagsipol. "Anong ginagawa mo riyan?"
He motioned his hand to make me quiet at tinanong kung may tao pa sa paligid. I scanned my eyes in the place at nang sinabi kong walang tao ay tumalon siya pababa.
"Hayy, the coast is clear. Kanina ko pa iniiwasan yong bodyguards," wika niya at pinagpag ang tuhod.
Hinila niya ako patakbo sa dorm at panay pa rin ang pagmamatyag sa paligid.
BINABASA MO ANG
RUN FOR YOUR LIFE
Science FictionIn the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power remain unscathed, a girl called Sunny wants nothing more than to break the vicious system. But how...