CHAPTER 62: PHOTOGRAPHS

75K 3.2K 1.2K
                                    

Chapter 62: PHOTOGRAPHS

"KITTEN, sa tingin mo, saan nila tayo dadalhin?" tanong ni Gon habang lulan kami ng sasakyan at nakaposas pa.

"This way is opposite to where the Capital Jail route. Sa tingin mo, saan pa maaring dalhin ang mga tulad natin?" I asked back.

"Ihuhulog sa bangin?" napapraning na wika ni Coco.

"Sa barber shop, kakalbuhin ka raw," iritadong sagot ni Gon at bumaling sa akin. "Kitten, sa tingin mo," he moved his face near my ears, "kaya mo bang sikuhin yang nasa tabi ni Coco?"

"Pentagon, what are you planning?" He showed me his uncuffed hands. Ah oo nga pala, kami lang pala ni Coco ang pinosasan.

"Ganito na lang, sakalin mo ang driver," he whispered again.

"What? No!"

"Ngayon na, Kitten!"

Bigla na lamang nagkagulo nang siniko ni Gon ang pulis na nasa tabi niya. Nataranta si Coco at hinampas din ang nasa tabi niya. I don't know what to do kaya gamit ang nakaposas na kamay ay sinakal ko sa pagitan ng posas ang driver.

"Sorry, kuyang police!"

"Itigil mo ang sasakyan sa tabi!" sigaw ni Gon.

Nang ayaw ng driver ay diniinan ko ang pagkakasakal sa kanya kaya napilitan itong tumigil. Binuksan ni Pentagon ang pinto at sinipa palabas ang pulis na nasa tabi niya at walang malay dahil sa ginawa niya.

Hinigit niya ang susi sa mga posas at tinulungan kaming makawala. Kinuha niya ang baril ng isa at sinapak ang driver kaya nawalan ito ng malay.

Lumabas kami ng sasakyan at tumakbo palayo. Malalim na ang gabi kaya walang makakakita sa amin ngayon. We ran like our life depends on it. Dumaan kami sa mga abandonadong gusali at doon nagtago.

"Teka," hinihingal na wika ni Coco. "Pahinga muna tayo."

I sat on the side thinking what my life has become. Eventually, sa mata ng iba ay isa akong kriminal at tumakas pa kami ngayon. Paano naging ganito ang buhay ko? 'Di ba, gusto ko lang namang mag-aral upang maging opisyal? Upang maipaglaban ang karapatan naming mahihirap at mga babae? Why did it turn out to be like this?

"Pentagon, bakit naging ganito?"

"'Wag kang umiyak, Kitten. 'Wag kang mag-alala, hindi tayo habambuhay na magtatago. Makukulong din tayo," sagot niya.

I glared at him in annoyance. "Hindi ka nakatutuwa, alam mo ba?"

He laughed at kapagkuway ginulo ang buhok ko. "Ikaw naman, masyado kang highblood. Let's just take this opportunity to do something bago tayo mahuli. Just in case you forgot," he paused and pointed at his nape. "We have this little enemy here."

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon