CHAPTER 53: WHO ARE YOU SUNNY

77.6K 3.8K 1.2K
                                    

Chapter 53: WHO ARE YOU SUNNY

BIGLANG bumukas ang tent at sumungaw roon ang nag-aalalang mukha ni Trench. Halata sa mukha niya na galing siya sa pagtulog. Maging si Megan na nasa tabi ko ay napabalikwas ng bangon.

"What happened?" tanong ni Trench at tuluyang pumasok sa tent.

Binuksan naman ni Megan ang rechargeable lamp na nasa gilid niya kaya lumiwanag sa loob.

Kinalma ko ang sarili ko habang hinahabol ang paghinga. Ikaw ba naman ang makakita ng mata sa lata—nakatingin pa nang diretso sa 'yo?! Kumuha ng bottled water si Megan at iniabot iyon sa akin. The water somehow calmed me.

"Ayos ka lang ba, Sunny?" tanong ni Megan. "Ano'ng problema?"

Mabibigat pa rin ang paghinga ko at tiningnan ang lata na nasa harapan ko. Trench moved towards the can at tiningnan iyon. Maging siya ay bahagyang nagulat.

"Where did you get this?" tanong niya. He showed the can to Megan na agad namang natutop ang bibig dahil sa gulat.

"Nagugutom ako kaya binuksan ko ang binigay ng babae sa akin kanina. She said it's their ration," sagot ko. Puto, ang swerte ko yata pagdating sa mga de lata. Nananadya ba ang pagkakataon?

"Ano?! Ration but there's a body part?!" gulat na tanong ni Megan. "What the heck is happening?"

Huminga nang malalim si Trench. "Let's not assume negatively for now. I will keep this for further study and evidence of our claims pagbalik natin sa Research Lab."

Tumayo siya at lumabas ng tent. Nakailang hakbang pa lamang siya ay huminto siya at bumalik. "Gallego, follow me."

Nagtataka man ay tumayo pa rin ako upang sumunod sa kanya. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at pumasok doon. Pumasok din ako at pag-upo ko ay nag-abot siya sa akin ng pagkain.

Tiningnan lang niya ako habang kumakain kaya naiilang ako. He sat right across me kahit napakaluwag naman ng loob ng kotse. Kahit nga magluksong-baka kami sa loob, pwede.

"What?!" I mouthed. Hello, it's rude to stare!

"I feel like you want to say something," wika ni Trench at sumandal. "Spill it, Gallego."

"I don't know what you're talking about," sagot ko sa kanya. Can't he just leave me to enjoy my food?

"I knew about your inquiry at the research lab tungkol sa daliri," wika niya.

Muntik ko nang maibuga ang kinakain ko. Puto, at all times, ngayon pa talaga niya pinaalala iyon! Ano na naman kaya ang makukuha ko next time pagkatapos ng daliri at mata? Dila? Tainga? Uh, thinking about it makes me lost my appetite.

Pero teka, paano niya nalaman?! Ibinaba ko ang pagkain at tiningnan siya ng diretso. "How did you know?"

"I was there."

"What?"

"Nasa research lab ako and you probably didn't see me. You're with Triangle."

"Tatanungin ulit kita, Mariano, are you a friend or a foe?" Kasi hindi ko siya mabasa. Tahimik lang siya at expressionless. Those kinds of people are dangerous.

"I'm for the greater good," sagot niya.

"What's that supposed to mean?"

He shrugged his shoulders na para bang sinasabing ayaw niyang sagutin ang tanong na iyon. Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain at dama ko pa rin ang presensya niya.

Biglang pumasok sa isipan ko ang tungkol kay Bunny. Wait, I remembered! Bunny was there when Megan and I was wasted! Nag-flash din sa isipan ko ang pagkarga ni Bunny sa akin at kinatok-katok ko ang maskara niya at tinanggal! And I successfully did!

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon