CHAPTER 18: CHALLENGED

79.8K 3.7K 1K
                                    

Chapter 18: CHALLENGED

PAULIT-ULIT na nag-doodle ako sa papel ko. I'm completely aware of Gon's presence by my side. Sa halip kasi na sa harap siya tumingin ay nakalagay ang mukha niya sa palad niya at nakaharap sa akin. From my peripheral view, I saw him smirking at me for unknown reasons.

Umalis na si Miss Venna sa harap at nagsitayuan naman ang mga kaklase ko.

"Babalik muna ako ng dorm," anunsyo ni Drix.

"Sama ako!" wika ni Coco.

"Me too. May naiwan yata ako, halika, Margo, sama ka na rin!" wika naman ni Iris. She eyed the couple na agad din namang tumayo at sumama sa kanila.

"Ako rin!" Tumayo ako ngunit bigla rin namang napaupo nang hinawakan ni Gon ang kamay ko. Puto! Puto! Puto! It's the end of me!

The others ran outside leaving me behind with Gon.

Mariin na napapikit ako bago huminga nang malalim at hinarap siya. "Ano ba?"

"What did you say about the system?" tanong niya.

"Wala."

"And polygons." He smirked.

"Pwede ba, kunyari wala kang narinig? Don't talk to me or don't stand at my sight. Nabubwisit ako kapag nakikita 'yang pagmumukha mong katulad na katulad ng kapatid mong natetanu na yata ang utak."

To my surprise, he laughed hard. "Anong ginawa sa 'yo ng kapatid ko?"

"Wala!" Tumayo ako at niligpit ang mga gamit ko bago tinungo ang pinto.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

Hindi ko siya sinagot ngunit naramdaman ko na lamang siyang naglalakad sa likuran ko. Nakapamulsa pa siya at nakangising aso.

I stopped and looked at him. "Sinusundan mo ba ako?"

He nodded his head at naramdaman ko ang pagkulo ng dugo ko. God, he's so like his twin brother! Very annoying! Nagulat na lamang ako nang hinawakan niya ang braso ko at iginiya ako papunta sa canteen.

"Teka, ano ba?" I tried to break free but I failed.

"Kain tayo."

"Ayaw ko. Break din ng regular class ngayon," nakangiwing wika ko.

"And here I thought you hate the system or is it just all talk?"

Nakipagtitigan ako sa kanya at pilit siyang binabasa. I tried figuring out whatever he has on his sleeves but I only found innocent thoughts and him wanting to eat.

"What's the catch, Pentagon Bermudo?"

Sa pangalawang pagkakataon ay natawa siya. Suman, hindi naman siguro niya ito ginagawa dahil may gusto siya sa akin or what pero—

"You look like you're thinking I'm having a freaking crush on you," wika niya. What the?!

"Yuck ha, hindi iyan ang iniisip ko!" Puto naman eh!

He suppressed his smile but failed. He snapped his fingers in front of me. "Don't worry, you're not my type. I just found someone who hates the system as much as I hate it. Sabihin na nating parehas tayo. For now, I am your ally and so you are to me. And allies should trust each other."

"I trust no one."

He let out a pirate smile. "Very well then, you passed as my ally. You shouldn't trust anyone. Let's go?"

Huminga ako nang malalim bago tumango sa kanya at tinahak ang daan patungo sa canteen. He opened the canteen door for me at mas lalo pang nagulat ang mga estudyante. A prep class student at canteen in this hour is a rare, shocking sight ngunit mas nakakagulat ang presensya ni Gon Grande Bermudo.

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon