Chapter 57: COWARDICEAT ITS FINEST
It took me few seconds to recover. Agad akong tumakbo upang mahabol si Trench na papasok pa lamang sa pinto.
"Mariano!" I grabbed his arm and made him face me. "You're bunny!" It was a statement. Sigurado na ako na si Bunny . . . pero bakit siya?
"It took you a while to recognize me," sagot niya. "I mean what I said. Leave those secrets, Gallego, at huwag mo nang alamin pa."
I smirked. I was disappointed at him kaya ang respetong naipon ko para kay Bunny ay nawala lahat. "Alam mo ba kung bakit hindi kita pinaghinalaan na ikaw si Bunny? Kasi akala ko matapang ka, pero wala ka palang bayag."
His dark eyes pierced through. "That's why I said I wish to be brave like you but Gallego, some things are better left that way para na rin sa kaayusan ng nakararami."
"Puto! Ayan na naman 'yan! Palagi mo na lang sinasabi na para sa nakararami! That you're for the greater good, pero puto! Paano mo nasasabing para sa nakararami ang ginagawa ng pesteng Project: RUM na iyan?! You can do something about it pero hinahayaan mo!" Tumawa ako nang pagak. "Ah, oo nga pala. Kayo nga pala ang namamahala sa Capital kaya hindi mo na kailangang mabahala pa."
"Hahayaan kitang isipin kung ano man ang gusto mong isipin," he replied as he sighed. "I'll leave everything that way." His expression dropped to something blank again. And I hate it! Ayaw kong galit na galit na ako tapos siya, parang wala lang!
"You always let us see your cool and mysterious facade pero ngayon alam ko na. You're a coward," pang-iinsulto ko. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang taong duwag. Kung ayaw niya sa ganitong sistema, he can take actions to change it! But he chose not to! "I know this is not all of it. Marami ka pang dapat ilabas and I know I'll be disgusted knowing those."
"Then, I won't reveal the real me," sagot niya. "The less you reveal, the more people can wonder."
Inilahad ko ang palad sa harapan niya. "Wala na akong pakialam kung ano pa ang mga bagay na tinatago mo tungkol sa 'yo. Give me Brenda's memory chip."
Bumaba ang tingin niya sa nakalahad kong kamay at bumalik iyon sa mukha ko. "No."
"That's not yours!" Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko.
"And let me remind you na hindi rin iyon sa 'yo," sagot niya. "Ano pa ba ang kailangan mo roon? Moran already stepped down. The dog meat research is under observation. Alam na ng Capital ang nangyari sa Foster kaya sa tingin ko ay hindi mo na iyon kailangan."
Dahan-dahan kong ibinaba ang nakalahad kong palad. Tama si Trench. Ano pa ba ang kailangan ko roon? Lahat ng katiwalian ni Moran sa Foster dati ay nabunyag na. Napalitan na rin siya sa pwesto . . . pero . . .
"Akin na ang memory chip!" I hissed again. Bumalik sa alaala ko ang kaawa-awang hitsura ni Tatsulok nang sinabi niya sa akin ang tungkol kay Android IX.
"That little thing holds a lot of secret kaya mas mabuting hindi mo na iyon malaman," sagot niya na ikinakulo ng dugo. Puto, bakit ba gusto niyang manatiling sekreto na lamang ang kung ano mang sekretong sinasabi niya?!
"Sa tingin mo ba, may mga pagbabago sa Capital kung tinago mo ang mga iyon? Puto, Mariano, for once don't be selfish. Think of the majority!" Nakakainis ang mga taong puro pansariling kapakanan ang iniisip. Paano naman ang bawat ward? Paano ang mga tao?
"I'm not being selfish, Gallego."
Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. The disgust that I felt was mixed with anger and irritation. "Ano ang tawag mo sa ginagawa mo?" Inilahad ko ulit ang palad ko. "Give me the memory chip."
BINABASA MO ANG
RUN FOR YOUR LIFE
Science FictionIn the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power remain unscathed, a girl called Sunny wants nothing more than to break the vicious system. But how...