CHAPTER 27: RANKING

73.7K 4.2K 1.6K
                                    

Chapter 27: RANKING

"GOOD morning!" masigla kong bati sa mga pumasok sa common na banyo.

Unang pumasok si Coco at kasunod naman niya si Drix. Bahagyang nakapikit pa sila habang tangan-tangan ang kanilang mga tuwalya.

Napahikab pa si Coco at kinusot ang mga mata. "Bro, antok na antok pa talaga ako, 'langya, nakikita ko si Sunny na nakatuwalya lang."

Maging si Drix ay kinusot din ang mga mata. "Ako rin, bro, maligo na nga lang tayo." Nilagpasan nila ako at tinungo ang mga shower na natatabingan ng shower curtain. Muling bumukas ang pinto at pumasok naman si Margo na may dalang toothbrush.

"Good morning!" bati ko.

Tumango lamang si Margo at tinungo ang lababo na may malaking salamin. Nagsimula siyang magsipilyo at nang magmumog siya ay napatingin siya sa akin sa salamin at napasigaw.

"Sunny?!"

"Yup, good morning!" bati ko ulit at ngumisi.

The shower curtains opened at sumilip roon sina Drix at Coco.

"Bro?"

"Yes, Bro?"

"Nakaligo ka na?"

"Oo, bro, nabasa na ako."

"Tang'na bro, si Sunny nga!" bulalas ni Coco.

Ngumiti ako sa kanila at saka lang sila tila natauhan ngayong nabuhusan na sila ng tubig.

"Anong ginagawa mo rito?" hindi makapaniwalang tanong ni Margo.

"I study here."

"Ano?!" sabay nilang bulalas.

Nakakagulat ba? Yeah, kahit ako ay hindi makapaniwala na muli akong makakatapak dito sa academy. This time, I promised myself that I won't fail again. I cannot afford to waste this opportunity. Not anymore.

"Maligo na kayo dahil kailangan na nating pumasok," wika ko sa kanila at lumabas na ng common bathroom, leaving them in awe.

***

I know my classmates are probably disappointed right now. Matapos ko kasing maligo at sabihin sa kanila na kailangan naming pumasok ay nakatulog ako at nang magising ay wala na sila. Uh, sometimes I really hate myself.

Agad akong nagbihis ng uniporme at hindi na nag-abalang kumain pa. Hindi pa naman ako totally late pero malamang, nakakalat na naman ang mga regular class student ngayon at mangyari ay may nakahanda na namang welcome party.

Pag-alis ko ng dorm ay agad akong nagtungo sa classroom namin ngunit gaya ng na-predict ko na, students from regular class would bother me first. Nagbulungan sila sa daan—meh, bulong pa ginagawa nila, eh rinig na rinig ko naman. Duh.

"Hindi ba si Sunny Gallego 'yan ng prep class?"

Yeah, no other.

"Bakit siya bumalik?"

Pake mo?

"God, how kapal after siya matalo ni Brenda, here she is!"

Che, mas makapal mukha mo sa pagko-conyo mo!

"Prepare to fire!"

Teka, fire? Fire what? Huminto ako at tiningnan sila nang masama at bigla na lamang tumilapon sa akin ang isang itim na malaking bola. Puto, ito na yata ang sinasabi nilang prepare to fire! The ball was light but it was covered with charcoal kaya daig ko pa ang mag-uuling sa hitsura ko. Siomai! Hindi pa rin sila nagbabago!

I felt the imaginary fire lit up around me. Nanlilisik ang mga matang pinulot ko ang charcoal ball at hinanap ang kung sino man ang nagpaputok sa kanyon. Nang makita nila ang hitsura ko ay nagmamadali silang tumakbo ngunit tumama na sa kanila ang bola. Oh well, we're even. Kinuha ko ang bola at tiningnan ang iba pa at nagsigawan na sila habang tumatakbo.

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon