CHAPTER 13: WHAT'S THE CATCH?

84.2K 3.8K 1.2K
                                    

Chapter 13: WHAT'S THE CATCH?

"BAKIT kayo naka-mask?" nakataas ang kilay na tanong ko sa mga tao sa dorm. Kababalik ko lang galing sa quarantine after 48 hours of isolation with the TT Cousins.

"Prevention is better than cure," sagot ng kalbong si Coco. May tangan-tangan pa siyang sanitizer. What the hell?

"Alam n'yo, ang OA n'yo. Hindi contagious ang sakit nung lalaki sa regular class," wika ko at tila nakahinga sila nang maluwang. Tinanggal nila ang suot na mask at kinuyog ako ng yakap.

"Sunny, miss na miss ka na namin!" mangiyak-ngiyak na wika ni Margo.

"Ang tahimik namin dito dahil nag-aalala kami sa 'yo!" dagdag ni Iris.

"Hindi kompleto ang prep class 'pag wala ka," ani Suri.

"Welcome back, Sunny!" Drix said.

"Group hug ulit!" sigaw ni Coco at muli ay kinuyog nila ako ng yakap. What?! I don't like hugs that much!

"Pero nakagat ako ng tuta na siyang pinagmulan ng bacteria," wika ko. Natigilan silang lahat at muling tumakbo palayo sa akin. Sinuot nila ang kani-kanilang mask at halos ibuhos na ang dalang disinfectant sa sarili. Natawa na lang ako sa kanila. "I'm just kidding. Yes, nakagat ako pero I'm perfectly fine. The bacteria died in my body." Pinakita ko sa kanila ang kagat sa leeg ko.

Napalapit si Suri at sinipat ang leeg ko. "Is that . . . is that a hickey?!"

"It's really a hickey," kumpirma ni Jeffrey.

Hindi ko maiwasang mapangiwi. Naiinis ako kapag naaalala kung bakit meron akong ganito. Ano ba kasi ang pumasok sa isipan ni Triangle?!

"Saan ka nakakuha ng hickey, Sunny?" curious na tanong ni Drix.

"Hickey as in chikinini?" paninigurado ng kalbo. God, I hate that 'CH' word. Napakababoy pakinggan at masyadong imoral sa pandinig ko! Damn, Triangle!

"What's with Triangle?" tanong ni Margo.

"Eh?"

"You said something about Triangle. Teka, siya ba ang may gawa niyan? Oh my God!" Napatutop si Iris sa bibig niya na para bang kahit siya ay hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Grabe ka, Iris! Sa tingin mo, bakit naman gagawin iyon ni Triangle kay Sunny? 'Yang hitsura niyang iyan?" tanong ni Margo. Grabe talaga magsalita ang babaeng 'to kahit na nasa harapan lang niya ako!

"Sabagay, may point ka, Margo," Coco said. Puto! He's adding insult to the injury!

"Gusto n'yo bang makapunta rin sa quarantine?" wika ko sa kanila. Tiningnan nila ako nang masama at tila naintindihan naman nila ang mga tinging iyon. They both raised their arms in surrender.

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon