Chapter 31: MISSING
PAKIRAMDAM ko ay bumalik ang lahat ng sakit na naramdaman ko noong face-off. Iyon nga lang, mas tumindi pa sa pagkakataong ito. Tahimik na umiiyak lamang ako. Bumaba ako ng Foster at natagpuan ang mga kasamahan ko. Their lively faces immediately vanished when they saw my tears.
Walang nagsalita sa kanila at nagtanong kung ano ang nangyari. Tahimik pa rin kami hanggang sa makarating kami sa train station at maging sa dormitory.
When I stood in front of the gate ay nagtulakan pa sila kung sino ang magbubukas at sa huli ay si Coco ang tinulak nila. He opened the gate for me at pilit na ngumiti.
Iniangat niya ang suot na T-shirt at inilahad sa harap ko ang laylayan niyon. "Wala akong panyo pero may T-shirt ako. Pwede mong pahiran ang luha mo nito."
I forced a smile at him samantalang napangiwi naman siya nang tinulak siya ni Drix. "Kadiri ka, suminga ka kaya riyan kanina!"
Kahit lumuluha ay napangiti na rin ako hanggang sa inilahad ni Iris sa harapan ko ang isang panyo na may burda. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Bigay 'to sa akin ni Lola kanina. Sabi niya, hindi na raw maganda ang pakiramdam niya at sa tingin niya ay hindi na siya magtatagal lalo na at marami na ang namamatay sa Foster. Ginawa niya ito para sa akin but I don't mind if you use this to wipe your tears away. Cheer up, Sunny."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi pero hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko. Niyakap ko nang mahigpit si Iris at pinakawalan ang mga hikbi na kanina ko pa pilit na pinipigilan. Naramdaman kong hinaplos niya ang likod ko kaya mas lalo lamang akong napahiyaw sa pag-iyak.
Why can't all families be like her grandmother? Bakit kailangan ko pang magkaroon ng pamilyang tulad ni Jean-Claude?
Naramdaman kong may yumakap sa akin sa likod habang nakayakap ako kay Iris. It was Margo.
"I don't know what happened but I just want to hug you, Sunny."
The two others joined too and it became a tight group hug. Thanks to them, kahit pa paano ay bumuti ang nararamdaman ko. Sometimes, you only find comfort with people not related to you. Sometimes, comfort only comes from strangers, not from families. This is the truth. The sad truth.
Pagkatapos kong magdrama kanina ay nagkulong ako sa kwarto. I didn't spend the rest of the time crying, sa halip ay hawak ko ang notepad at cellphone ko.
It doesn't take a genius to analyze all of these. Common sense lang naman siguro ang kailangan pero bakit kailangan pang ipamukha sa akin ni Jean-Claude na bobo ako? Well, I'm not giving up on these matters. I have to prove them wrong.
I wrote down the trail of my observations. The rashes, the puppies, quarantine, Foster, everything! Isinulat ko ang mga pangalang Elpidio Moran at Brenda Moran. Alam kong hindi nagkataong magkatulad sila ng apelyido. Hindi rin nagkataong may nakita akong aso sa Foster na katulad sa research ni Brenda.
Isa pa ay ang pagtaas ng mortality rate ng mga matatanda sa Foster. It is the Capital's solution for the problem of overpopulation at kahirapan ng household. Sa simula ay akala ko maayos na ni-utilize ng Capital ang funds, seeing how well-equipped the Foster is, ngunit sa tingin ko ay may hindi magagandang nangyayari doon.
Another thing is the fact that the dead people are said to be returned to their families after cremation. Isa ito sa mga bagay na pinagtuunan ko ng pansin noong hinamon ko ng face-off si Jean-Claude. I was suspicious why the bodies are cremated immediately at hindi man lamang pinapakita sa kani-kanilang pamilya. Posible kayang ginagawa nila iyon dahil ayaw nilang makita ng kanilang pamilya ang kinahinatnan ng matatanda? Or ayaw nilang ipa-autopsy?
BINABASA MO ANG
RUN FOR YOUR LIFE
Science FictionIn the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power remain unscathed, a girl called Sunny wants nothing more than to break the vicious system. But how...