Chapter 22: SECRETS
MINULAT ko ang mga mata at pinatay ang alarm ng cellphone. Halos alas tres na nang madaling araw nang makatulog ako dahil puto, hindi ako pinatulog ng fireworks at Happy Birthday Pancake ni Triangle! Bumangon ako at nag-inat. For sure ay nauna na sila sa classroom at ako na naman ang naiwan sa dorm. Agad akong naligo at nag-toothbrush. Pagbalik ko sa silid ay tumunog ang cellphone ko.
"Hello?" It was Pentagon's number that he saved on my phone few days ago.
"Kitten . . ." Tila nababahala ang boses nito. "Nasaan ka?"
"Nasa dorm, bakit?"
"Tulungan mo naman ako!" huminga siya nang malalim. "Help me please, I'm in a dire situation right now."
"Ano'ng problema mo?"
"Nasa canteen ako."
I mentally rolled my eyes. "Oh, tapos?"
"May extra slacks ka ba dyan? Napunit kasi suot kong slacks, shit naman!" His voice is dead serious na tila ba problemadong-problemado talaga siya.
"Seryoso ka ba?" pagdududa ko.
"Oo, shit talaga."
Pinigilan ko ang sariling matawa. "Nakalimutan mo na bang magkaiba ang sizes natin? Magsusuot ka ng pambabaeng slacks?" Hindi naman sa pinagdadamot ko ang slacks ko pero hello? Sure ba talaga siyang sa babae siya manghihiram ng slacks?
"Ano'ng gagawin ko ngayon? Napunit talaga!"
"I'll go to your room," sagot ko.
"It's locked. Everyone locked their rooms. Ikaw lang naman ang hindi nagla-lock, eh."
I sighed. "But I really can't lend you my slacks. Mas magmumukha kang katatawa-tawa."
"Shit naman oh, anong gagawin ko ngayon? Buong araw lang ako rito sa canteen?" I can hear his heavy breathing from the line.
"Can't you borrow from your twin or cousin? Ako pa talaga ang pineperwisyo mo?" Not that I don't want to help him or what. Pero kung hihingi siya ng tulong, sa kambal o sa pinsan na lang niya.
"Do you really think ikaw ang unang tinawagan ko? Man, last resort ka na lang." I can imagine his grumpy face when he said it.
"Pero seryoso, gusto mong magsuot ng slacks ko?"
Muli siyang huminga nang malalim. "Lend me shoes instead. Nasira rin sapatos ko. Shit napakamalas naman ng araw na ito!"
This time ay hindi ko na mapigilan ang pagtawa ko. I burst into laughter while he cussed few times. "Mas lalong hindi magkakasya ang sapatos ko sa 'yo!"
"Shit naman, eh!"
Gusto ko sanang sabihin sa kanya na tutal nasa canteen siya, he can just ask anyone to bring him pants and shoes since he's Pentagon Grande Bermudo and he can compel everyone to do so. Pero iyon na nga, he's Gon and he hates the system and there's no way he'll be using his name for personal advantage.
"Slippers!" bulalas ko. "You can use slippers instead. My slippers. And I'll bring a towel."
For the nth time, he sighed. "Okay, that will be fine than nothing at all."
"Okay, I'll be there in five—wait. My slippers are pink with a lace, ayos lang ba?"
"Do I have a choice? Just hurry, Kitten, nakikita na ang pinakatagong kayamanan ko."
I mentally rolled my eyes. Geez, anong kayamanan ang pinagsasabi niya? "I'm hanging up now, hintayin mo na lang ako."
Hinanda ko ang maliit kong tsinelas at kinuha ang bag. As I left the dorm, I silently wished that no one will throw a Pancake Party today. Ang kabilang bahagi naman ng isipan ko ay pilit na inaalala ang mga hypothesis sa ginawa kong eksperimento para sa Royal Face-Off mamaya. Inaamin kong walang kasiguraduhan ang mangyayari pero this is my chance to prove myself and steal a spot in the Royals.
BINABASA MO ANG
RUN FOR YOUR LIFE
Science FictionIn the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power remain unscathed, a girl called Sunny wants nothing more than to break the vicious system. But how...