CHAPTER 10: SCREAM

86.4K 3.9K 1.2K
                                    

Chapter 10: SCREAM

IF NOT because of the fully-equipped car, I would have thought that I've been kidnapped. Pero wala rin naman silang mapapala sa akin dahil una, hindi ako mayaman, pangalawa, walang pang-ransom ang mga magulang ko, at pangatlo, hindi ako kagandahan o kahit sexy man lang para sa kung ano mang balak nila.

"Saan po tayo pupunta?" tanong ko sa lalaking naka-gas mask. Nangangati ang mga kamay kong tanggalin iyon. Heck, it's kind of creepy! Iyon bang balot na balot ang buong ulo nila, two holes with glasses for the eyes and a tube on the mouth. Sinusumpa ko ang taong nagdisenyo sa gas mask na ito!

Pinindot ng lalaki ang isang button at muli na namang lumabas ang holographic image ni Aaron. "Hello, Miss Gallego. We're heading to the quarantine inside the academy. We're almost there so please remain patient. Thank you."

Hindi na lamang ako nagsalita hanggang sa huminto ang sasakyan. The guys guided me at halos mapanganga ako sa nakita ko nang bumaba kami.

A huge building was in a middle of a man-made lake. Walang bangka sa paligid na maari naming sakyan. Don't tell me, lalangoy kami papunta roon?

The guys swiped something on the sensor at literal na napanganga ako nang biglang umahon mula sa tubig ang napakahabang tulay. Iginiya ulit nila ako at tinahak namin ang tulay. Nang makatawid kami ay muling lumubog sa tubig ang tulay. Talaga bang in-isolate nila ako?

Anong gagawin ko rito? For sure ay mabuburyo lamang ako rito sa quarantine habang naghihintay ng resulta. Binuksan nila ang pinto at tumambad sa paningin ko ang napakalawak na bulwagan. Medical equipment stood at the side, machines, tubes, and others. May long table rin sa gilid at hindi ko alam kung ano ang mga nakalapag doon.

Mas lalo akong nagulat nang makita ang dalawang pigura na naroon. On the side, Trench is standing and carefully examining a microscope. Sa sofa naman ay tila tamad na nakatihaya si Triangle habang tinitingnan nang maayos ang isang miniature na aircraft. Or maybe it was a toy.

"Look who's here!" bulalas ni Triangle at bumangon. Siya ring pag-alis ng mga lalaking naka-gas mask at muling sinara ang pinto. Tinangka ko iyong buksan ngunit ayaw. Kung gawa iyon sa kahoy ay malamang gumawa ng ako ng hakbang para sirain iyon but no. It was made of the hardest metal.

Lumapit si Triangle sa akin at naka-smirk. Buti naman hindi siya nakakadiring mag-smirk gaya ni Onel. "You see this?" Tinuro niya ang pasa na hindi na gaanong visible sa mukha niya.

"Hindi ko nakita," sarkastikong wika niya at nilagpasan siya. Just two steps and I felt his hands grabbed my arm. Muli niya akong hinila at pinabalik sa harapan niya.

"Ano ba?" piksi ko. "Gusto mo bang hawaan kita sa virus na nakuha ko sa lalaki kanina?" pananakot ko.

"Really? Real brainy, Gallego, I shouldn't be here kung mahahawaan mo pala ako. Who knows, I'm the one who's infected."

Napasimangot ako sa sarili ko. Oo nga pala. Nandito kami at naka-quarantine dahil nagkaroon kami ng direct contact sa biktima.

"Pwede ba? If I were you—ah no, I will never be you and I don't wanna be you lalo na't bulok 'yang ugali mo. Kung ako sa 'yo kalimutan muna natin ang existence ng isa't isa kasi hindi natin alam kung hanggang kailan tayo rito and we'll be stressing ourselves with each other's presence kaya mas maiging tila hindi tayo nag-e-exist, ano?" wika ko at tuluyang tinanggal ang kamay niya.

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon