CHAPTER 58: GAME OVER

79.5K 3.7K 1K
                                    

Chapter 58:GAME OVER

"AndE? Handa ka na ba?" kinakabahang tanong ni Gon habang iniaayos ang microphone upang makausap si AndE. Mula sa monitor na nasa harapan namin ay nakikita namin ang kung ano ang tinitingnan ni AndE.

Gon put smart lens on her para makita namin ang gagawin ni AndE. Lumitaw ang kinakabahang mukha ni Coco mula sa monitor kaya malamang, nakatingin sa kanya si AndE. Nasa rooftop sila ngayon at naghahanda na lamang sa iuutos ni Gon.

"Ready!" masiglang sagot ni AndE at muling ibinalik ang tingin sa laptop na nasa kanyang harapan.

"Okay. Do it now!" wika niya at tinuruan si AndE sa dapat niyang gawin.

Hindi ko maintindihan kung ano ang mga sinasabi ni Gon ngunit nagagawa naman niya iyon nang maayos. Kagabi ay nag-download sila sa chip ni AndE ng lahat ng tungkol sa information technology at kung ano-ano pang computer skills.

Mula sa monitor na nasa harapan namin ay nakita ko ang tila itim na window at kung ano-anong letra, simbolo, at numero ang naroon.

The first attempt failed kaya sinubukan ulit ni Gon na diktahan si AndE sa kanyang pwedeng gawin. Halos pigilan ko na ang paghinga ko. I tried to look away, silently wishing na magawa namin ito bago pa man malaman ng Capital ang ginagawa namin.

"F*ck!" biglang bulalas ni Gon. "AndE, do it quickly this time, try to make fake IPs na maglilipat-lipat para hindi nila malalaman ang lokasyon mo.

"Got it!" sagot ni AndE.

Nagpaikot-ikot ako sa kabuuan ng kwarto nila ni Coco. Naging mapagmatyag ako sa paligid dahil baka ano mang oras ay dumating ang mga pulis ng Capital.

"Please, please, please . . ." Gon covered his eyes.

Mas lalo namang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ang notification na 'Please wait' mula sa ginagamit ni AndE na nakikita rin namin, thanks to AndE's smart lens.

"Gotcha!" masiglang sabi ni AndE.

Sabay kaming napasinghap ni Gon nang marinig ang boses ni AndE.

"Yes!" bulalas ni Gon at umayos nang upo. Nag-instruct siya kay AndE kung ano ang gagawin na agad din namang sinusunod nito. "Interrupt their broadcasts and insert the video."

"Roger!"

Hindi pa rin ako mapanatag. I walked around the room. Nang nilingon ko si Gon ay napansin kong tila umiilaw ang kanyang batok!

"Gon!" wika ko. "Ang batok mo!"

Hinawakan niya iyon at nagmura. "Do it faster, AndE. Coco! Bumaba ka na diyan at bumalik dito ngayon na!"

Bigla rin akong kinabahan. Kinapa ko ang tinanggal na chip ni Triangle mula sa batok ko na nasa bulsa. Gaya ng kay Gon, the light on the microchip was blinking.

Nakarinig ako ng ingay na mula sa kalangitan. I ran towards the windows at napatingala! Choppers! Puto! Natatarantang lumapit ako kay Gon.

"May mga paparating na choppers!"

Kahit si Gon ay nataranta na. "AndE, interrupt their broadcasts now! Coco, bilisan mo!"

Mayamaya ay biglang bumukas ang pinto at pumasok doon ang pinagpapawisang si Coco. "Muntikan na akong mahuli! Gon, itago mo muna 'yan. Akin na ang mga earpiece ninyo!"

Tumayo si Gon at natarantang nagpaikot-ikot sa silid. Parehas kaming pinagpapawisan dahil sa labis na kaba. Dumagdag pa sa kaba namin ang katahimikan ng gabi.

Coco collected everything pagkatapos sabihin kay AndE na ipagpatuloy ang ginagawa. Just when he was able to hide it, bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok doon ang dalawang pulis na may hawak na baril.

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon