CHAPTER 50: FOR YOU TO FIND OUT

74.6K 4.1K 1.3K
                                    

Chapter 50: FOR YOU TO FIND OUT

I'M NOT good in comforting people. Sa katunayan ay hindi ako magaling makipag-usap. I'm tactless and I tend to say things that I shouldn't be saying and I usually touch scars of the past when I talk. Pero nakapagtatakang kumalma si Triangle matapos kong sinabi na 'it's okay, I'm here.'

Puto, saka ko lamang na-realize na ang OA pala ng sinabi ko! Korni! Pwe! Pero kahit papaano ay nawala na ang panginginig niya. Kating-kati na ang dila kong itanong kung bakit bigla siyang nagkaganoon pero nakapagpigil pa rin ako.

He pulled himself away from me. "I'm s-sorry, Pancake."

"Ayos lang, okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. What's wrong with the malfunctioning traffic lights?

Huminga muna siya nang malalim bago tumango. Naglakad siya papunta sa kanyang motor at iniabot sa akin ang nag-iisang helmet. "Let's go."

Napatingin ako sa helmet. "Eh paano ka?"

"I'm fine."

Dahan-dahang tinulak ko ang helmet sa direksyon niya. "Ikaw ang magmamaneho kaya ikaw ang magsusuot niyan."

"But, Pancake—"

"Kung ayaw mong isuot iyan, maglalakad na lang ako." Tumalikod ako sa kanya ngunit agad niyang nahawakan ang braso ko.

"Alright. Just get on." Sinuot niya ang helmet at sumampa sa kanyang motorsiklo. Sumakay ako sa likuran niya at tinanggal ang backpack mula sa likuran at inilagay iyon sa harap.

Nakakunot ang noong nilingon niya ako. "What are you doing?"

"What?" I raised a brow.

"Your bag."

"Oh, ano ngayon?" I replied. Hello, hindi ako flat at hindi rin plus. Tamang-tama lang.

"You're making me think in a perverted way."

Puto! Ako na nga ang nag-iingat tapos ganito?! "You are a pervert," I scowled at him. Aba! From crybaby to maniac real quick!

He didn't comment or anything at sa halip ay binuhay na lamang ang motorsiklo. In fairness, mukhang ayos naman siya magmaneho kahit hindi ako humawak sa kanya, hindi ako mahuhulog. Nang malapit na kaming makarating sa Academy ay nagsalita siya.

"I'll drop you near our dorm," wika niya.

"Ikaw?"

"I have somewhere to go," sagot niya.

"Saan?" Kailan pa ako naging nosy sa kaganapan sa buhay ni Tatsulok? Maybe this is me getting worried about him lalo na't nasaksihan ko ang nangyari sa kanya kanina.

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon