Chapter 69: GONE
Year 2045
NAGTAKBUHAN ang mga estudyante patungo sa malaking screen na nasa malawak na quadrangle ng Capital Learning Center o mas kilala sa tawag na CLC.
"Ayan na! Lalabas na ang ranking para sa quarter na 'to!" excited na bulalas ng isang babaeng nakatayo sa harap ng screen at naghihintay.
"Pustahan tayo! Si Marie ang mangunguna!"
"Nah, sa tingin ko si Curie! Siya kaya ang nag number 1 last quarter!"
"Kaya nga si Marie ngayon! Madalas salitan naman sila, 'di ba?"
Kung ano-ano pa ang bulungan ng mga estudyante sa paligid na may kanya-kanyang ispekulasyon kung sino ang mangunguna sa Royal list sa quarter na ito.
"Sayang talaga si Mozart, no? Hindi niya sineseryoso ang ginagawa kahit halata naman na siya ang pinakamatalino sa lahat."
"Hoy, ano ka ba, marinig ka diyan baka isumbong ka pa sa mga Grande, alam mo namang hindi pwede 'yang ganyan, parang sinasabi mong hindi nila deserve ang pwesto nila."
Sukbit ang backpack ay paatras na naglakad ang isang lalaki na nakangiti. Sa harap naman niya ang ang kaibigang si Mozart na siyang taga-tingin kung tama ba ang nilalakaran nito habang naglalakad paatras.
"Hindi ba ngayon ang ranking, Mos?" tanong ni Trapezoid. His hair was bed-made but it was natural. The buttons of his polo were undone thus displaying his inner yellow shirt.
"Oo, ngayon daw," sagot ni Mozart na tila walang pakialam.
"Tara!" yaya ni Trapezoid.
"Saan?"
"Sa quadrangle! Tingnan natin ang rank natin—" Napatigil si Trapezoid nang makitang tila walang katiting na interes ang kaibigan sa ranking. "Bakit kasi kay Sir Solomon mo sinample 'yong research mo! Napahiya siya at ang liit ng markang nakuha mo."
Napangiwi na lamang si Mozart nang maalala niya ang kanyang research na advanced hoverboard. Isa iyong hoverboard na nakalutang ilang sentimetro sa lupa. The research is under experimental stage and may vary according to the weight of the person riding. The hoverboard is connected to the mobile phone for control and other functions. Mozart used his weight for the experiment ngunit nang ini-present niya iyon sa panel ay si Rolly Solomon ang pinasakay niya-propesor ng CLC na napakataba. The hoverboard lifted a little pero agad ding nahulog si Solomon sa stage at naging laughing stock ng mga estudyante.
"You know mechanical inventions aren't really my thing," sagot ni Mozart.
"But you're capable! Ikaw kaya ang may pinakamagandang ideya! Isa pa, pagkatapos ng ranking sa quarter na ito ay ilalabas na ang pangkalahatang ranking na siyang magiging bahagi ng project ng Capital na Meat for Delectation!" sabi ni Trapezoid.
BINABASA MO ANG
RUN FOR YOUR LIFE
Science FictionIn the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power remain unscathed, a girl called Sunny wants nothing more than to break the vicious system. But how...