Chapter 41: YOU DID WELL
TATLONG araw muna ang pinalipas ko at nagmasid sa bawat galaw ni Brenda. The new Brenda. Malaking palaisipan pa rin sa akin kung paano iyon nagawa ni Moran.
Oh, cloning nowadays comes easy pero close to perfection ang pagkakagawa kay Android IX to the point na halos walang nakahalata na hindi pala siya tao.
And for three days, the new Brenda shows signs of imperfections. May isang pagkakataong nabitiwan niya ang baso at nabasag. Medyo konti lang din ang kinakain niya. She didn't drink water too kaya napagtanto ko na ang clone na iyon ay hindi talaga perpekto. Maybe that's the reason why Moran showed her just recently at hindi noong mismong araw na nawala ang orihinal na Brenda.
Ngayon ay buo na ang loob kong kausapin si Moran. I only need a few steps. Few steps and I will talk to him. Humigpit ang kapit ko sa hawakan ng elevator ng Foster.
Paano kung hindi ako makalabas nang ligtas mula sa office niya? Paano kung mapahamak na rin ako? Those thoughts keep on popping in my head pero mas nangingibabaw pa rin ang pagnanais kong tumulong. I shove away all the hesitations and walked towards his door. Kumatok ako nang tatlong beses at pinihit ang pinto pabukas.
Nakita kong nakasubsob si Moran sa trabaho. Nagtaas siya ng tingin at nagulat nang makita ako.
"Miss Gallego . . ."
Humakbang ako papalapit sa kanya. I'm mindful of everything around dahil baka may nakaabang na pala sa akin.
"H-Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Mr. Moran. I know Brenda is not human," wika ko. My knees wobble pero pinilit ko pa ring tumayo.
Nabalot ng pagkagulat ang kanyang mukha at naibagsak niya ang hawak na signature pen. Iniayos niya ang suot na salamin at tinuro ang upuan sa harapan niya.
"Please take a seat, Miss Gallego."
I gladly welcomed his invite lalo na't tila hindi na kaya ng mga tuhod ko. Tiningnan ko si Moran na tila nanginginig.
"Narinig mo ang sinabi ko, Sir Moran, I know about Brenda. She's an android."
He tried to calm himself at pilit na ngumiti. "Hindi ko alam ang sinasabi mo."
"M-Matagal ko nang alam. Even before the face-off." Ops, sorry. White lies but I guess I have to. "Grounds iyon for disqualification. How can I compete with someone whose brain is already programmed?"
"I can sue you—"
"I can too." Luminga-linga ako sa paligid. "Just in case hindi ako makalabas nang ligtas mula sa kwartong ito, my roommates know the drill. And just to inform you, one of them is Pentagon Grande Bermudo." Ops, white lie again. Walang nakakaalam kung nasaan ako sa mga sandaling ito. Sana lamang ay makuha ko sa pananakot kong ito si Elpidio Moran.
"Are you scaring me, Miss Gallego?"
Umiling ako. "Hindi kita tinatakot, Moran. Nagsasabi lamang ako ng totoo. Tungkol kay Brenda, nalaman ko iyon nang minsan niya akong sinampal. I thought it was more painful than usual. Nang kinausap ko siya at hinamon sa face-off, I caught a glimpse of her light metallic tummy. That's when I knew about it."
Lies, lies, lies. Pawang kasinungalingan! Minsan naman kasi ay kailangan talaga nating magsinungaling para sa ikabubuti ng nakararami.
Pinag-isipan ko ang lahat nang ito kagabi. And this is the best plan that I came up with. Hindi pa rin nakaimik si Moran at matiim akong tinitingnan. Inilabas ko ang mga larawan at inilapag iyon sa harap niya.
"What's this?" tanong niya at tiningnan ng pictures.
Those were some stolen pictures of the android's component.
BINABASA MO ANG
RUN FOR YOUR LIFE
Science FictionIn the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power remain unscathed, a girl called Sunny wants nothing more than to break the vicious system. But how...