CHAPTER 45: CAPITAL PUNISHMENT

69.3K 3.3K 2.2K
                                    

Chapter 45: CAPITAL PUNISHMENT

PAULIT-ULIT na sinabi ko sa sarili ko na hindi ako lumagpas sa limitasyon. It wasn't below the belt. Tama lang ang ginawa kong shortcut. Sa katunayan ay kulang pa nga iyon kumpara sa ginawa ko para sa kanila. I lifted them from the miry clay which is the prep class. Nag-aaral silang walang takot sa kung ano mang pambu-bully dahil sa akin. And this? This is what I get in return?

Pinisil-pisil ko ang mga daliri ko habang hinihintay na matapos ang naunang naglalaban para sa face-off. Hindi ko na inalam kung ano ang dilemma na kinakaharap ngayon ni Coco matapos kong burahan ang lahat ng pinag-aralan niya. All I know is that they were in great situation moments ago. Nagkagulo sila and I bet it's because of that. What surprises me is that no one came to me and accused me of doing so!

"Pancake."

Halos mapaigtad ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses ni Triangle. He stood on the doorway, without his shining studs everywhere. Sa katunayan ay hindi pa rin talaga ako sanay sa ayos niyang iyon. He even looks cleaner than Gon dahil kahit ang inner shirt niya ay hindi na itim kundi plain white shirt na.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya at pumasok.

Aba, feeling close. Porke ba walang ibang katao-tao rito sa waiting room ko eh may karapatan na siyang pumasok?

Yup, nasa waiting room ni Coco silang lahat. Even my self-proclaimed best friend—Pentagon, ditched me in a moment like this. He's probably on Coco's side, trying to cheer him up and telling him to crash me.

"Bakit naman ako hindi magiging okay?" pabalang na sagot ko at umiwas ng tingin kay Tatsulok.

"You declined my help in this face-off challenge," sabi niya.

"Dahil hindi ko iyon kailangan," I replied. Kapag umabot na naman ito sa pangmamaliit niya sa kakayahan ko o ng sino mang babae, I swear I will punch him hard—sa mukha niya mismo.

"You look confident," puna niya.

Aba, talagang confident ako! Pero nanlalamig pa rin ako.

"I will win this no matter what," sagot ko.

Nakita kong tumango-tango siya sa sinabi ko. His hands tapped on his legs as he sits. "Something happened to your opponent," wika niya mayamaya.

"Really?" I tried to sound uninterested at all pero hindi ko maiwasang mapangiti nang nakakaloko. Oh well, I guess I need to sip some tea.

"The bald guy's research was sabotaged—ah, mali. Binura. Binura ng kung sino man," wika ni Tatsulok. Parang hindi ko yata gusto ang tono ng pananalita niya.

"Talaga?"

Tumango siya. "Yup. And whoever did it forget that my twin brother is a genius hacker."

I swallowed hard. Puto, nakalimutan ko nga yata iyon! Hindi ko maiwasang manlamig sa labis na kaba at takot.

"He was able to track where were those files was last sent before it was totally deleted. Iyon nga lang, he cannot retrieve it that fast dahil unprotected ang laptop ng taong iyon. You know, when you're from lower status, your things will be of lower quality too." Seryoso lamang ang mukha ni Tatsulok habang nakatingin sa akin.

"What the hell, Triangle, huwag ka ngang makialam dito! What are you doing here by the way? Nandito ka ba para pagbintangan ako?" I diverted all my anger towards him.

"Hindi kita pinagbibintangan, Pancake. Gon and I already confirmed it."

Nabalot ako sa labis na pagkakapahiya. It's called cheating, alright, but I guess it's only fair to do so. I think so.

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon