CHAPTER 68: READY TO RUN

73.1K 3.9K 1.7K
                                    

Chapter 68: READY TO RUN

MY FIRST reaction was surprise. I never thought that Trench would stoop like that. He chewed it without blinking! Tumayo ako at lumapit sa kanya at tinapon ang pagkain niya sa sahig. I was beyond disgusted plus I'm hungry so my mood isn't good. Sinundan niya ng tingin ang pinggan na nabasag. His gaze shifted to me and then he blinked a few times.

"You are all disgusting!" Gusto kong magmura at lahat pero dahil sa labis na nararamdaman kong galit ay iilan lamang ang salitang lumalabas sa bibig ko.

Tumingin si Moran sa pagkaing nasa sahig bago inilipat ang tingin kay Trench. "How could you waste our precious meat? Trench, how does it taste?"

Trench smiled. "It's good."

I gritted my teeth to prevent myself from saying more things. Nagsasayang lamang ako ng laway. Wala pa rin silang pakialam sa kung ano man ang sabihin ko.

Moran laughed and nodded. "Come to my home some time and we will enjoy such meat without any hassle," wika niya. "That's it for now. I have to go first. Marie, Curie, continue your meal."

Tumayo si Moran at umalis na roon. Naiwan kami na walang ni isa man ang gumagalaw maliban sa Grande twins na kumakain.

"I'll go to the rest room for a while," paalam ni Trench sa kanyang ina. Iginala ko ang paningin sa mga kasama namin. Triangle was biting his lower lip as he looked at his mom. When my eyes looked at his hands, they were formed into a fist.

Maging si Gon ay sari-saring reaksyon ang nasa mukha niya. Awa at pagkainis ang nangingibabaw sa reaksyon na iyon. Ilang saglit ay natauhan ako. This is not how I wanted this to end. Ayokong ganito na lamang ang kahahantungan ng lahat. I ran towards the door ngunit hinarang ako ng men in black.

"Magbabanyo lang ako," naiinis na wika ko. "Don't worry, I won't escape." As if I can! Looking at this place, malabong makatakas ako nang basta-basta!

I went out the door ngunit sinundan pa rin ako ng dalawang sa men in black hanggang sa labas ng banyo. Walang sign na pambabae o panlalaki ang CR so I figured out it's co-ed. Gaya ng inaasahan ay wala ngang kahit ano mang lagusan doon. I took few steps towards a cubicle ngunit napatigil ako nang makaranig ako ng ingay na tila sumusuka.

I stopped as I heard the puking sound. That person coughed few times at muling nasuka. Tinulak ko ang isang pintong hindi nakasara at nabungaran ko si Trench na nakaluhod sa sahig at sumusuka sa toilet bowl. Pinasok niya ang kanyang daliri sa kanyang lalamunan at muling sumuka.

"T-Trench . . ."

He turned to look at me at sa unang pagkakataon ay nakita ko ang kanyang mga luha na malayang tumutulo mula sa kanyang mga mata. I saw him cried before pero nagawa niyang takpan ang kanyang mukha.

"W-What are you . . ." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. I just stared at him looking helpless.

His tears were running down freely, nonstop.

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon