CHAPTER 54: ONLY TO SEE YOU FALL FOR SOMEONE ELSE

79.2K 3.6K 4.5K
                                    

Chapter 54: ONLY TO SEE YOU FALL FOR SOMEONE ELSE

IT WAS all a blur. Parang napakabilis ng mga nangyari. Last night, I realized a lot of things. First, Papa has been fooling us for a long time now. Second, Mama is indeed an android so the questions Who I am and Where did I come from arose. Third realization is that I like Trench Grande Mariano.

It was out of my intention and I never thought I would like him. Isa pa ay wala talaga ang bagay na iyon sa isipan ko. But we always have this inner damsel in distress. Not the normal damsel who wants saving and heroic acts but we want the thought of having a knight. Hindi ko alam kung bakit komportable ako sa yakap niya sa akin kagabi. It was so comforting.

"Kitten! Ayos ka lang ba? Natulala ka diyan." Pumitik si Gon sa harapan ko.

Nandito na naman ako sa silid nila at dala ko ang dalawang lata na naipuslit ko kahapon.

"I'm good."

"May problema ba?" tanong niya sa akin na agad ko namang sinagot ng iling.

"Ayos lang ako, Pentagon." Tumayo ako at lumapit sa mesa kung saan naghanda ako ng plato. Binuksan ko ang mga lata at ibinuhos ang laman niyon sa plato.

"That's your treat for me on my birthday, Kitten?" nakapamaywang na wika niya habang nakatingin sa plato.

"What?!"

"Sabagay, ayos na rin 'yan—"

I cut him off. "Birthday mo?"

He wriggled his brows. "And my twin's birthday, too." I frowned. Alangan namang next month pa ang birthday ng kambal niya. Minsan talaga engot si Gon, eh.

Lumapit siya sa mesa at inamoy ang canned good ngunit agad ko iyong inilayo. "Don't dare eat this! Masiba ka pa naman. This is for my experiment."

Sumeryoso ang mukha ni Gon. "Coco told me about how you freaked out seeing a finger."

"And I saw an eye, too."

"What the hell?!" bulalas ni Gon. Mas lalong sumeryoso ang kanyang mukha. "I really don't feel good about this, Kitten. I suspected something foul is going on the Capital."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

He sighed and lowered down his voice. "Remember the high mortality rate during Moran's term at Foster? Iyon ay dahil sa dog meat like what you claimed. Now, si Manuel Rivera na ang namamahala sa Foster. Sabihin na lamang natin na hindi na masyadong mataas ang bilang ng mga namamatay but . . ." He paused and looked at me.

"But?"

"The oldest, most sickly, folks, those who take too much medications and assistance, sunod-sunod ang pagkamatay nila."

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon