Chapter 32: THE GREAT DEPRESSION
MUNTIK na akong mapasigaw nang bigla na lamang tumalon sa kama ko si Gon mula sa ceiling. Thanks to the dorm management, hindi naman iyon sobrang tigas dahil nagawa pa naman niyang mag-bounce back na para bang nasa trampoline.
"Ano na naman ba?" naiinis na tanong ko kay Pentagon. Puto, kailangan ko na yatang kausapin ang houseparent at tuluyan nang ipasara ang butas na mula sa ceiling.
"Kitten, I'm bored so I'll just help you in your detective adventures," nakangising wika niya at iniabot ang aking tablet. Naglalaman iyon ng mga whereabouts ni Brenda bago siya nawala.
Bago ko pa man maagaw sa kanya ang tablet ay nakita na niya ang ibang notes ko.
"Who's Bunny?" tanong niya.
"None of your business," sagot ko at tinangkang agawin ulit ang tablet ngunit muli niya iyong inilayo.
"Miss Venna, Megan, Brenda, TTP Cousins—eh? Ang alam ko, ako itong P sa TTP, Kitten, what is the meaning of this?"
"Pentagon Grande Bermudo, akin na 'yan," sabi ko sa kanya.
"Not unless you tell me."
Nakipagsukatan siya ng tingin sa akin at mukhang si Gon ang tipong hindi sumusuko.
"Fine! Bunny is a friend." Or maybe not.
"Wala akong kilalang Bunny."
"That's not her name. Ganito kasi 'yan, promise me you won't tell anyone about this," wika ko at itinaas ang isang kamay.
"I promise," sagot niya at itinaas din ang kamay na tila ba nanunumpa. Kahit papaano ay may tiwala naman ako sa five-sided polygon na ito.
"Bunny is a friend that I met at the rooftop. Naka-hoody jacket at maskara na bunny. Teorya ko lang 'to at kailangan ko pa ng mga ebidensya to support my claim. I really can trust you with this, right?" paninigurado ko.
Gon chuckled at ginulo ang buhok ko. Puto, katamad magsuklay, eh! Tinabig ko ang kamay niya at lalo lamang siyang natawa.
"Oo nga. Kitten, if you're Sherlock, then I'm Watson. If you're Kudou, I'm Hattori . . . No, wait. Hattori ba or Professor Agasa?" tanong niya.
I made a face. "Anong pinagsasabi mo?"
"Okay, I'll stick to Hattori. Hindi mo ba sila kilala, Kitten? God, wala ka bang childhood?"
Sumimangot ako at hinablot ang tablet. Baliw rin si Gon minsan, ay mali, most of the times pala.
"So, Bunny is a friend at the rooftop. Nang nanggaling ako sa Foster at may nabuong mga teorya sa isipan ko—"
"You mean the theories about the dog meat and rashes?" he asked. Nasabi ko na iyon sa kanya noong nakaraan.
"Right. That theory. Sinabi ko rin iyon sa kanya—"
"I thought I am your only best friend. Things like these should only be shared between us! Bakit mo sinabi kay Bunny?!" maktol niya.
I frowned. "Actually, mas nauna kong sabihin sa kanya kaysa sa 'yo. So, back to that topic. Sinabi ko sa kanya ang tungkol doon and then it happens. Dalawang araw matapos kong sabihin iyon ay bigla na lamang nawala si Brenda—"
"That's what you get when you're sharing confidential things to others first than your own best friend!"
Pusangina! Pwede bang huwag muna siyang sumingit. "Pentagon, stop interrupting me."
"I'm really hurt, Kitten," wika niya at hinawakan ang dibdib na tila ba nasasaktan.
"That's it! Hindi na nga ako magkukwento!"
BINABASA MO ANG
RUN FOR YOUR LIFE
Science FictionIn the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power remain unscathed, a girl called Sunny wants nothing more than to break the vicious system. But how...