Chapter 23: FACE-OFF
I HAVE the wildest imagination. Ang iniisip ko ay tila boxing ring ang setup ng face-off venue at nakapalibot ang mga judge but when we reached the venue, mali pala ako. It was a huge hall, with large screens at napakaraming estudyante sa paligid. On the side where the long table for the judges at nasa harap nila ang malaking screen para sa presentation.
Inilibot ko ang paningin sa paligid at halos malula ako sa dami ng tao. Tila nais kong masuka sa nararamdaman kong kaba. Mas tumindi pa ang naramdaman ko nang makita kong naupo si Jean-Claude katabi ni Miss Venna sa mesa ng judges. Napatutop ako sa sikmura at binuksan ang pintong nasa likuran ko.
I thought the door that I opened is the comfort room pero nagkamali ako. There were cages with the cute puppies. Wait, these puppies are-Tinitigan ko nang maigi ang tuta at nakipagtitigan naman iyon sa akin. Ten seconds later, its eyes turned red at tila asong ulol na kumahol iyon sa akin. Puto! Ito nga! Ganitong-ganito yung asong nakita ko sa liblib na bahagi ng quarantine! Ganito rin ang mga asong nasa Blue Room ng Foster!
Nagsimulang mabuo sa isipan ko ang isang teorya. The skin irritation, these puppies . . . Totoo kaya ang naiisip ko?
Nagmamadaling lumabas ako sa silid na iyon at narinig ko na ang sigawan mula sa hall! The face-off just started. Balisa pa rin ako at pilit kong hinanap mula sa kumpol ng mga tao sa paligid ang taong iyon. Suddenly, someone grabbed my wrist.
Nang tiningnan ko iyon ay nakahinga ako nang maluwag nang mapagtantong si Gon iyon. "You look troubled. Kinakabahan ka ba, Kitten?"
Mabilis na tumango ako at muling napatingin sa paligid. "Nakita mo ba ang pinsan mo?"
"Si Boy Mariano? I saw him at the back-"
Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin. Agad akong nakipagsiksikan sa mga taong nasa likod at hinanap si Trench.
Nabangga ko na ang mga naroon ngunit wala akong pakialam. I need to see Trench. Muli akong nakipagsiksikan at nagulat na lamang ako nang may humawak sa braso ko at hinila ako papasok sa pinto. It was Trench.
"Hinahanap kita," wika ko at huminga nang malalim. "About the irritation-"
"Change your presentation, Gallego."
Bigla akong natigilan. "Ano?"
"Change your presentation or you'll lose so bad," walang emosyong wika niya. "Walang panama ang research mo sa dog meat ni Brenda."
Biglang nawala sa isipan ko ang tungkol sa mga aso at tuta ni Brenda. Nabalot ako ng galit dahil sa pangmamaliit ni Trench sa research ko. I invested my blood, sweat, and tears to that research!
Nakarinig kami ng sigawan kaya sabay kaming napatingin sa pinto. Isa iyong sign na nagsisimula na ang face-off. Kinuha ni Trench ang kamay ko at inilagay roon ang isang microchip.
"That's an alternative for your research. I did all the process you made at ang subject lang ang pinalitan ko. I used fish instead of pig. So, your research is about an egg-laying fish. I tried breeding with fish and chicken. That's better than pigs." Muli kaming nakarinig ng sigawan kaya marahang tinulak niya ako sa pinto. "I guess you will be called shortly. Just go, Gallego."
Binuksan niya ang pinto at dahan-dahan akong humakbang habang nababahalang nagpalipat-lipat ang tingin sa bagay na inilagay niya sa kamay ko at sa kanya. Marami pa sana akong gustong sabihin ngunit biglang dumating si Gon.
"Kitten!" Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako. "Ikaw na ang susunod na tatawagin kaya halika na."
Muling nanlamig ang mga kamay ko. Mas tumindi pa ang kaba ko nang narinig kong tinawag ng boses na naka-mic si Brenda at umakyat ito sa stage. People around began cheering samantalang naghanap naman ako ng maaring mahawakan upang sumuporta sa akin kung sakaling hindi ko na kaya ang panlalambot ng mga binti ko.
BINABASA MO ANG
RUN FOR YOUR LIFE
Science FictionIn the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power remain unscathed, a girl called Sunny wants nothing more than to break the vicious system. But how...