CHAPTER 63: RED, YELLOW, GREEN

69K 3.3K 716
                                    

Chapter 63: RED, YELLOW, GREEN

PUMUNTA ako sa bahay nina Stella upang magtanong kung sakaling may alam sila sa nangyari sa bahay. Their house is just across the street.

Naninibago ako sa 3rd Ward. The ambiance is just too gloomy. Dito ako lumaki and I knew very well that there would be busy people around pero ngayon ay masyadong tahimik. The streets were empty. May iilang tao pero nakakapanibago ang ganito.

"Tao po? Stella? Stella?" Umikot ako sa kabilang bahagi ng bahay at patuloy na tinawag si Stella. Nakisilip ako sa bintana dahil baka sinapit din nila ang nangyari sa bahay pero wala naman akong napansing magulo.

"Sunny? Ikaw ba 'yan?"

Napatingin ako sa nagsalita mula sa likuran ko. Iyon ay ang kapitbahay naming si Aling Edna. Ang bahay nila ang pinakamalapit kina Stella kaya maaaring may alam siya kung nasaan man sila.

"Kayo po pala Aling Edna, magandang gabi po," bati ko sa kanya. "Nakita n'yo po ba si Stella?"

Lumungkot ang mukha ni Aling Edna. "Hindi mo ba alam ang nangyayari ngayon sa 1st Ward? Nandoon sila upang bawiin ang lola ni Stella. Naiwan dito si Stella pero . . ."

Kinabahan ako lalo na nang makitang mas lumungkot pa ang kanyang mukha. "Ano pong nangyari?"

"Nawala sa katinuan si Stella."

Pakiramdam ko ay nilakumos ang dibdib ko. I don't know how to react. Nakatayo lamang ako at nakaawang ang bibig.

"Dahil po ba sa nalaman niya na tungkol sa mga de lata?" tanong ko.

Umiling si Aling Edna. "Hindi, ilang araw bago lumabas ang balita ay nawala na sa katinuan si Stella—noong araw na may mga taong pumunta sa bahay ninyo. At Sunny, alam mo bang palagi niyang sinasabi na robot daw ang nanay mo."

I almost choke. Stella couldn't handle those things that she discovered. "A-Ano pa po ang mga sinasabi niya?"

"Hay naku Sunny, kung ano-ano lang naman na mga walang kwenta, paano naman magiging robot si Almira?" wika ni Aling Edna. "May mga nagpunta sa bahay ninyo, hindi ko alam kung ano ang nangyari pero buhat noong araw na iyon ay hindi na namin nakita ang mag-asawa. Dinalaw ka ba nila sa 1st Ward?"

Nasaan na sila? Paano na lamang kung may nangyaring masama sa kanila?! And Stella!? Paano na si Stella?

Pilit akong ngumiti at umiling. "Maraming salamat po, Aling Edna, aalis na po ako," wika ko at nagmamadaling tumakbo pabalik sa bahay. Kinuha ko ang pictures na natagpuan ko sa silid nina Papa. I shoved them in my pocket. I have to see some people bago ako mahuli ng mga pulis.

First, kailangan kong kausapin ang mga Grande. I need to know a lot of things. Second, I want to see Papa. Gusto kong itanong sa kanya ang napakaraming bagay na tiyak kong siya lang ang makakasagot. Lastly is Hilary Celdran. Kung sakaling siya nga ang mama ko, why was she mean to me? Ah! Napakaraming tanong sa isipan ko!

RUN FOR YOUR LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon