Kabanata 24

669 8 0
                                    

Kabanata 24

Talk

Bigla siyang napatayo lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Panaginip ba iyon o mga ala-ala... Hindi ko matukoy dahil andaming nabubuo sa isipan ko.

"Are you okay? Wait, I’ll call the doctor."  umalis siya sandali at pagbalik niya ay kasama na niya si Doctor Salas

May kasama siyang dalawang nurse na parehong nakatingin kay Louis na sa akin naman nakatingin.

"How are you feeling?" malumanay na tanong ni Doc

"N-Nahihilo po ako, Doc." sagot ko medyo nakakunot ang noo ko dahil nga sa nahihilo ako

"Alright, reresetahan kita... and you should rest." aniya habang may isinusulat sa hawak niyang papel

"Stress ka ba sa mga nakaraang araw? or Pagod?" tanong niya ng mag-angat siya ng tingin sa akin

Umiling ako bilang sagot

"Then, you must be tired..." sabay lingon niya kay Louis

"I... think so." tumango-tango siya at lumingon sa akin

May binigay siyang papel kay Louis siguro ay iyong mga gamot na kailangang bilhin.

"Pwede ka ng umuwi, take a rest okay?"

Tumango ako at ngumiti tama nga siguro si Doc masyado siguro akong napagod kanina

"Thanks, po!" ngumiti siya bago umalis

So... Anong sense ng mga nurses niya dito?

Umalis na kami sa Ospital at bumili ng gamot sa pharmacy. Hinatid naman ako kaagad ni Louis sa bahay.

"Take a rest, okay?" pagkababa namin ng kotse at hinalikan ako sa noo

Tumango ako bilang sagot at nginitian siya agad namang nagwala ang mga paru-paro sa tiyan ko!

"Time out na muna sa date." humalakahak siya

Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya, Sayang naman kung ganoon!

Dumiretso ako sa kwarto para magpahinga, akala ko makakaalala na ako pero nagkamali ako.

May kumatok sa kwarto ko at pumasok doon si Zael, Bigla kong naalala ang mga nangyari sakanila ni Calli!

"Nasabi sa akin ni Louis yung nangyari." pag-uumpisa niya

Pumangalumbaba ako at ngumuso

"Zalestra, don’t pressure yourself para makaalala!" utas niya

Nag-angat angat ako ng tingin at kita ko kung paano siya ka-seryoso

"You should avoid Louis. just look what he have done to you!"

I realized something, bakit puro nalang si Zael ang nangangaral sa akin? Well simple dahil busy sila lagi!
"Nakakasama siya sayo!" sigaw niyang nagpatalon sa akin

Nakakasama...

Kung nakakasama siya bakit ako sumasaya kapag kasama ko siya? What’s with the sparks then? What’s with the butterflies in my stomach?

Ano iyon? Kalokohan? Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa frustration.

"Zalestra, Please..." Zael begged

"I am inlove with him..." nabasag ang boses ko

Niyakap niya ako nang tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko...

Tama si Zael, nakakasama siya para sa akin...

Pero masakit ang iwan ko siya, lalo na't...

Nag-ring ang cellphone ko at rumehistro doon ang numero ni Louis

Huminga ako ng malalim bago iyon sinagot nakatitig lang sa akin si Zael habang sinasagot ko ang tawag

"Hello..." nanginig ang boses ko

"Hey... are you okay?— Papunta ako sa inyo ngayon..." may naririnig pa akong mga busina ng mga sasakyan sa background niya

"Yeah... Wh-Why?" tanong ko at tinignan si Zael na nakakunot ang noo

"Of course kukumustahin ka." humalakhak siya na siyang ikinaiyak ko ng tuluyan

"A-Alright, I’ll wait you here."

"Alright!"

Pinatay ko na ang tawag at humagulgol sa harap ng kapatid ko...

Paano ko iiwasan ang nararamdaman ko sakanya sana ay magalit nalang siya para ayos na... 

Pag-ibig Isang salita at pitong letra pero kay raming pusong nawasak, Isa ba doon ang akin?  Akala ko noon wala lang ang paghanga ko sakanya pero iyon pala ang wawasak sa akin... Hindi! ako mismo ang nananakit sa sarili ko pero paano nalang kapag nalaman niya ang tunay kong nararamdaman? Hindi ako sigurado dahil hindi naman niya ako mahal...

Bumaba ako dahil andoon na daw siya sa sala medyo namumugto pa ang mga mata ko kaya naghilamos pa ako para hindi niya mahalata.

Tumayo agad siya nang makita niya ako naka-white tshirt siya at nakaslacks

Nginitian niya ako at ibinigay ang bouquet of flowers. Natigilan ako pero kinuha ko din agad at nagpasalamat.

"Lou, Can we talk?"

Nawala ang ngiti sa labi niya at nagseryoso.

"About what?"

Tinikom ko ang bibig ko dahil pinipigilan ko ang di maiyak...

---------
ATTENTION!!

#Bitin? Lol sorry!

GorgeousLany: Next chapter po ang continuation... ‘sa ngayon’ kailangan ko po’ng hatiin sa dalawa ang mga scene bale sa susunod na isang chapter continuation lahat kaya mababawasan yung mga words...
May bago po akong story it's called “If I Stay” kwento po ni Zael (Yehey!) Kaya kung napansin niyo puro Zael Zael... Zael na walang malay chador Hahaha.

Hala? Feeling na ba ako niyan? Haha, Sorry po!

Sana po mabasa niyo.

Thank You!!! :)

Unwanted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon