Kabanata 19
Love
After five days ay na-discharged na rin ako sa Ospital sinundo ako ni Zael kasama si Pamscianna pati na rin si Daddy kaya walang naging problema sa pag-uwi ko
Maingat kong pinagmasdan ang buong mansyon at masasabi kong hindi ang mansyon na ito ang nakita ko sa panaginip ko kahapon.
"This way to your room." saad ni Zael
Sinamahan niya ako hanggang sa pag-akyat sa hagdanan namangha ako dahil sa ganda pala ng kwarto ko, Light pink ang pintura at kulay white lahat ng mga gamit Naupo ako sa kama at dinama ang lambot ng nito napangiti
"Finally, I'm home..." I whispered
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa malambot kong kama nagising nalang ako ng may tumapik sa akin.
"Hey... Dinner is ready come on." ani Zael
Pumungay ang mga mata ko medyo inaantok pa rin bago ngumiti sakanya at tumango nauna na siyang bumaba kaya sumumod na ako
Tahimik lamang akong umupo sa tabi ni Zael napaangat ako ng tingin kay Mama— Auris tila naninimbang ito ng tingin sa akin. I don't know why.
Tahimik kong sinimulan ang pagkaing nakahapag sa aking harap wala ni isa ang nagsasalita sa apat sa amin hanggang sa binasag ni Zael ang katahimikan.
"Ma. Stop looking at my sister she's not pretending or what." he said
"What? Wala akong sinasabi!" giit ni mommy
Tahimik kong pinagpatuloy ang aking kinakain, I wonder kung bakit ganoon ang turing sa akin ni Mommy
Umakyat din ako pagkatapos kumain dahil hindi ko kaya ang tingin na pinupukol sa akin ni Mommy kinatok naman ako ni Zael pagkatapos.
"Pardon her she's just over reacting you know..." he explained
Wala sa sarili akong tumango sa sinabi niya actually wala naman sa akin iyon tatahimik nalang muna ako hangga't wala pa akong naaalala.
"Magkasundo ba kami bago ako naaksidente?" I asked
Tahimik lang siya at hindi sinagot ang tanong ko, I sighed. Silence means yes.
"But believe me, she loves you-"
"Then! Why I have this feeling na hindi?!" putol ko sakanya
I heard him sighed magsasalita na sana siya ng biglang tumunog ang cellphone niya
"Calli..." I heard him said bago umalis ng kwarto ko
Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil ang hirap ng ganito, Gusto ko ng makaalala agad dahil andaming tanong na pumapasok sa utak ko.
"Couz don't mind that okay? Chill!" Pams said
Kasama ko siya ngayon sa mall at namimili ng mga damit accessories at iba pa dahil namiss daw niya akong kasama, syempre pumayag ako hindi naman kasi sumasakit ang ulo ko kapag kasama ko siya kaya ayos lang.
"Tara! Dito tayo!" hinila niya ako sa isang boutique lugar palang alam mo ng mamahalin ang mga damit doon
Nahiwalay ako kay Pams dahil pag pasok palang binitiwan na niya ang kamay ko, napaisip tuloy ako. Siguro ito ang boutique na paborito niya kaya ganoon
"Zalestra?" A sexy voice called my name
Humarap ako at doon tumambad sa akin ang isang babaeng matangkad at sexy feeling ko tuloy nanliit ako sakanya
"Ahm, Do I know you?" tanong ko
Tumawa siya at biglang nablanko bigla ang mukha niya
"Of course you do!" aniya "I'm Allysxha, oh come on don't fool me!" tumaas ang isang kilay niya
Magsasalita na sana ako nang may biglang yumakap sakanya galing likod, Nanlaki ang mga mata ko dahil siya yung unang nakita ko ng magising ako
"Louis..."
Kita ko ang gulat sa mukha niya napabitaw ang yakap niya kay Allysxha
Magsasalita na sana siya ng biglang sumulpot si Pams kung saan at ramdam ko ang pagkagulat niya
"Ahm, mauna na kami." aniya at muling hinila palabas naman ng boutique na iyon
"M-May girlfriend pala siya.." saad ko
Natigil sa paglalakad si Pams at hinarap ako "She's not his girlfriend!"
Nagulat naman ako sa biglaang pagsasalita niya
"H-Ha? Pero nakita ng dalawa kong mata na niyakap ni Louis si Allysxha." paliwanag ko
Tumalikod siya at nag-mura hindi ko naman marinig dahil halos bulong lang.
"Do you remember Allysxha?" tanong niya bigla
Umiling-iling ako dahil totoo wala akong maalala tungkol sa babaeng iyon
"Good."
Itatanong ko sana kung ano ang papel niya sa buhay ko kaya lang pinigilan ko ang sarili ko dahil akalain niya curious ako masyado sakanila kaya 'di bale nalang.
Maaga kaming nakauwi dahil sa nangyari ramdam kong iniiwasan niyang mapag-usapan namin ang nangyari
Hindi na din muna ako pinapasok sa school okay lang din naman iyon dahil magpapahinga ako
Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip may biglang pumasok na alaala sa isip ko
And everything went black again
Nagising ako ng dahil sa isang haplos na nadama ko sa aking pisngi, dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita si Louis na nasa gilid ng kama ko nakaupo.
Ngumiti ako kaya ngumiti din siya pabalik biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko ng dahil sa ngiti niya at naging dahilan iyon para magising ako sa katotohanang nananaginip lang ako
Bumangon ako sa kinahihigaan ko dahil doon I wipe my sweats cause of that nightmare
Yes, Madalas ko siyang napapanaginipan kaya hindi na ako magtataka kung isang araw ay mahal ko na siya.
Mahal? Ano nga ba ang alam ko sa limang letrang iyan nakakatawa dahil hindi ko nga maalala ang pamilya't kaibigan ko iyan pa kaya?
Ni hindi ko matandaan kung sino ba talaga ang nagmamay-ari sa puso ko o kung may nagmamay-ari nga ba?
Biglang pumasok ang isang ideya sa utak ko, posible....
------
Please, Vote and Comment. ♥
GorgeousLany: In-edit ko po yung chapter 17 kase may mga nawalang scene kaya kayo po ang bahala kung babasahin niyo po ulit yung chapter 17 kung ayaw niyo po okay lang walang problema. :) Salamat.
BINABASA MO ANG
Unwanted
RandomIs it possible to fall in love with each other even tho we're unwanted?