Kabanata 41

595 14 0
                                    

Kabanata 41

Forget

Naabutan ko sina Zayn, Perrie at Pams na nag-uusap sa lamesa. Oh yes! I forgot! Shocks! Iiwasan ko na sana sila dahil ayokong makita nila akong umiiyak nang bigla akong mahahip ng tingin ni Pams!

"Cous! Ba’t ang tagal mo?!" napatayo sina Perrie at Zayn kaya napatayo na din siya

They saw me crying!

"I-I’m sorry I n-need to go. Sa ibang araw nalang tayo magkita..."

Nakita ko ang mga tanong ni Pams sa mukha pero sumama na siya sa akin paalis - without any other words We leave.

Niyakap ko ng mahigpit si Pams at sakaniya umiyak ng umiyak

"Are you alright? What happened?" nanginig ang boses niya

"S-Si Louis... Inamin niya sa akin ang lahat-lahat. Nagpanggap lang silang dalawa ni Graciel." I cry again

"What do you mean?"

"Nagpanggap silang may relasyon... just to hurt me!" at nagtagumpay sila

"What the hell? Nagawa iyon ni Graciel?! Kaya pala... Kaya pala iyak na siya ng iyak nung gabi bago siya umalis." she realized something

She sighed and hugged me so tight.

Tahimik akong umakyat ng kwarto at nagsimula na namang umiyak.

Hindi ko tanggap ang nangyari, Mahirap para sa akin ang patawarin siya lalo na sa nagawa niya. Akala ko malala na ang pambababae niya pero may mas ilalala pa pala ang nagawa niya ngayon.

Biglang tumunog ang cellphone ko at nakitang si mommy ang tumatawag.

Inayos ko ang sarili ko bago ko sagutin ang kaniyang tawag...

"Mommy..." nasa London silang dalawa ni Dad ngayon dahil sa business

"How are you? You look tired..." napatiim bagang ako at tinignan ang sarili sa salamin na nasa gilid ko

"I’m okay po. Kayo ni Daddy?" pag-iiba ko ng topic

"We’re fine here... Ikaw? Nagkausap na kayo ni Louis?" she asks me while looking at me with her worried eyes

Huminga ako ng malalim at pinisil ang tulay ng aking ilong

"I see..." sinuklay niya ang kaniyang buhok gamit ang kanyang mga daliri  "Zalestra, I-I’m sorry for forcing you to marry Louis." humikbi si mommy

Wala akong sinabi at tahimik lang na nakayuko

"I thought his family was the reason kung bakit namatay si Akira..." natigilan siya kaya kumunot ang noo ko

"Lately, we found out na hindi ang pamilyang Tomlinson ang dahilan."

Napakurap-kurap ako. Kaya ba hindi na ako pinipilit ni Mommy na magpakasal kay Louis?

My heart hurt at that thought. No!  Galit ako kay Louis kaya panindigan ko ito!

"Kung ganoon, S-Sino po?" nanginig kong tanong

Humagulgol si Mommy and It really broke my heart...

"Si R-Ramon Vasque..."

Nanlaki ang mga mata ko. Allysxha’s Grandfather!

"Paano? Bakit?"

Tanging mga salitang lumabas sa bibig ko

"Labas kana dito, anak. Kami na ang bahala."  she said

"But mom!" I insisted

"No! Zalestra. Kaya na namin ito."

"Did you already file a case against them?" I asked her

"Of course, hija we did. Naghihintay nalang kami ng respond." sagot niya

I cannot believe this! Bakit nangyayari ang mga ito!

Muling tumunog ang cellphone ko, Bahagyang kumunot ang noo dahil hindi nakarehistro ang kaniyang numero. Naglakas ako ng loob na sagutin ito.

"H-Hello?" kabado kong sagot

"Can I speak to Zalestra Conzego?" Isang matamis na boses ang narinig ko sa kabilang linya

"Uh... Speaking. Sino po sila?" magalang kong tanong

"Oh my gosh, Zalestra! This is Allysxha! How are you?"

I sighed, Akala ko kung sino na...

"I’m fine. Napatawag ka?"

"That’s good to hear. Since now we’re friends. Ba’t di tayo mag-hang out?" excited niyang sinabi

Hindi ko alam ang isasagot ko kaya natahimik ako... Napansin niya ang katahimikan kaya nagsalita siya.

"Please?"

"All right!"

Dinig ko naman ang tuwa niya sa kabilang linya.

Tahimik sa buong bahay. Wala ang mga pinsan ko at kanina pa nakauwi si Pamscianna pagkahatid sa akin.

"Ma’am gabi na ho." ani ng guwardiya na tagabantay sa amin

"Saglit lang po ako manong." saad ko

Napakamot naman siya sa ulo at pinagbigyan din ako kalaunan. At ang dasal ko ay sana hindi niya sabihin kay Zael!

"You came!" niyakap ako ng mahigpit ni Allysxha

Nasa loushire bar kami na pagmamay-ari nila. Maingay sa loob ng bar dahil sa tugtog at dahil na rin sa mga tao.

"Let’s go!" hinatak niya ako sa may couch kung saan nandodoon ang mga kaibigan niya ipinakilala isa-isa ang mga ito

Tumango ako at nakipag-kamayan sa kanila

"Enjoy the party!" ngumiti si Sid na kaibigan din ni Allysxha

"Thanks."

Inabot ni Allysxha ang whiskey at nagpasalamat dahil doon..

Napapikit naman ako dahil sa tapang ng lasa.

"Wooh!" hiyaw ni Allysxha

Umikot ang paningin ko kaya napahawak ako sa ulo ko. Hinatak ako ni Allysxha papuntang dance floor!

"Come on, Zalestra!" sumayaw-sayaw siya sa gilid ko

Tumawa ako at nakisayaw na rin. Maybe, there’s a reason why I’m here. I am here to forget all the pain I had. Forget all the hurts I felt!

Ilang minutong pagsasayaw ay nakadama ako ng matinding pagkahilo!

"Allysxha..." tawag ko pero masyado siyang abala sa pagsasayaw! 

Napahawak ako sa isang lalaki... May bigla siyang pinaamoy sa akin dahilan para mahilo ako lalo at mahimatay.

Ang tanging natatandaan ko nalang ay ang buhat-buhat niya ako!

Nagising nalang akong masakit ang ulo at nagulat dahil naka-gapos ang mga kamay at paa!

"Tulong!" sigaw ko dahil sa takot "Tulungan niyo ‘ko!" I yelled

Nakakainis dahil wala akong maalala! Sinong baliw ang magkukulong sa akin dito?! Unless galit siya sa akin.

Wala akong alam na galit sa akin...

"Kahit sumigaw ka ng sumigaw d’yan walang tutulong sa’yo dito." isang mababang boses ang narinig kong pumasok sa apat na sulok na kwartong ito

"Ikaw...."

Halos mawalan ako ng hangin sa katawan ng makita ko siya sa harap ko!

"Mabuti naman... At kilala mo pa ako." he whispered to my ear and it almost give me a heart attack

"Anong kailangan mo sa akin Uriel!" sigaw ko

"Ikaw!" sigaw din niya at nanlisik ang kaniyang mga mata

"Pinatay ng magulang mo ang anak kong si Allysxha!" he screams and throw all the things in the table and point at me!

"A-Allysxha?" naguguluhan kong tanong

"The real Allysxha. Ang Allysxha’ng kilala mo ay ampon lang!"

————

Please Vote and Comment! ♥

Unwanted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon