Kabanata 28

667 11 0
                                    

Kabanata 28

Perrie

Naghurementado ang puso ko dahil sa narinig ko tahimik akong kumuha ng bacon sa tabi ni Reece nakayuko ako, kunwaring walang naririnig.

"Hindi ko nakausap, dahil pinatay din kaagad. Ewan ko ba doon!" ani Zayn

Umupo siya sa tabi ko at nasa harapan ko naman si Zael na kanina pa ako sinusulyapan. Agad naman akong napatingin kay Reece na seryosong kumakain ng cereal

Walang sumagot sa sinabi ni Zayn kaya nagkibit balikat siya at kumuha ng ham at toasted bread na nakahanda sa lamesa

"Oh! Anyways, Mag-uumpisa na ang klase bukas!" excited na tanong ni Zayn

"Yeah..." tamad na tugon ni Zael na ikinagulat ko

"Diba aalis na kayo by next week?" tanong ko at kumagat sa toasted bread

"Si Reece lang..." aniya ng hindi ako tinignan

Bumaling naman ako kay Reece na nagkibit balikat lang bago nagpatuloy sa kaniyang kinakain

"So... Mag-aaral ka din dito? H-How about Mom and Dad? How 'bout C-Calli?" nanlaki ang mga mata dahil sa sarili kong tanong

Nag-igting ang mga panga niya at tuluyan ng nag-angat ng tingin sa akin

"They can take care of their selves, Zalestra... And I don't fucking care about Calli!" singhal niya

Biglang tumayo si Reece kaya naalarma ako. Akala ko susuntukin niya si Zael pero nagkamali ako, Umalis siya sa hapagkainan at umakyat sa kwarto niya.

Napailing ako sa kawalan

"Hanggang kailan kayo ganiyan nang dahil lang sa isang babae?"

Tumagos ang tanong ko kay Zael na ngayon ay diretsong nakatingin sa akin. Matalim ko siyang tinitigan dahil hindi pa siya sumasagot!

"Hangga’t mahal ko siya...." halos bulong nalang ang lumabas sa bibig niya

Napasapo ako sa ulo ko, Ganoon ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig? Nakakabulag, Nakakapaso at Nakakasakit... Pero hindi ko siya masisisi dahil kita ko sa mata niya na mahal na mahal niya ang babaeng nagwasak sa kaniya.

Bigla kong naalala si Louis... Kaya ko kayang maipaglaban ang pagmamahal ko sakaniya kahit hindi niya ako mahal? Masakit diba? ‘Yung tipong hindi ka pa nga sumasabak sa giyera napuruhan ka na.. ‘Yung hindi mo pa sinubukan, suko ka na.

Move on

Tanging solusyon na naiisip ko sa ngayon. Siguro ang sasabihin niyo mag-move on na ako tutal ay hindi ko naman na siya maalala, Sana nga ganoon kadali ang paglimot yung isang pikit mo lang mawawala ang sakit... Pero hindi iyon p’wede.

Iniwan ko siya at sinaktan

Ganito din ba ang nararamdaman ni Zael ngayon? Nakakatuwang isipin na pareho kaming brokenhearted at nagpakalayo...

Ang bilis ng oras dahil pasukan na nga dito sa London. Nag-enroll kami nina Zayn at Zael sa isang sikat na University dito sa london, Si Reece naman ay umuwi na ng Pinas noong isang araw

Nakakatuwa dahil gumawa kaming tatlo ng isang grupo. 'Triple Z' Oh diba! Pinaghirapan namin iyan! Kaya lang hindi kami magkaklase dahil fourth year college na silang dalawa habang second year college naman ako

"Sungit nung prof 'tol!" reklamo ni Zayn pagkaupo nila sa pwesto namin dito sa cafeteria

Sumunod naman na umupo din si Zael na busangot ang mukha

Unwanted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon