Kabanata 26
Fight
Love isn’t just about finding the right person, But creating a right relationship...
Galit na galit si Zael nang matagpuan niya kami sa bar hinihingal pa siya dahil sa galit nanlilisik din ang kaniyang mga mata hindi ko alam pero parang matatawa pa ako dahil sa akto niya.
"Alam niyo bang kanina ko pa kayo hinahanap?!" sigaw niya dahil kung hindi siya sisigaw ‘di namin siya maririnig. Inagaw niya ang iniinom ni Zayn at nilagok, Napaawang ang bibig ko...
"Nagkita na pala kayo." utas niya bago naupo sa table namin
Hindi ko pa nakakausap ng matino si Zayn dahil sa tuwing kinakausap ko siya pulos kabaliwan lang ang sinasagot niya, Kainis nga siya! Baliw.
"Oh yeah, Dude. Hahaha! Isn't that amazing?! Balak kong bumalik ng Pilipinas para hanapin siya, pero who knows na si Zalestra Mylabs pa ang pupunta dito?" humagalpak siya sa tawa mukhang lasing na siya
Umiling si Reece sa tabi niya "Lasing na siya..." aniya
"Oy ‘di a!" tumawa siya at tinapik si Reece
"May problema yata sila ni Perrie." giit ni Zael
"Who’s Perrie?" wala sa sarili kong naitanong
"His girlfriend." nagkibit balikat siya at naupo sa tabi ko
Paglingon ko kay Zayn ay natutulog na. Kita ko nga kanina na malungkot ang mga mata niya na kahit ngumiti siya ay kita mo pa rin ang lungkot na nararamdaman niya.
Ang mature ng mukha niya pero ang kulit niya, napangiti ako. Tanda ko pa ang mukha niya nung mga bata palang kami, Ang cute niya palangiti at makulit. Siguro mahaba ang napagsamahan namin dahil siya lang ang naaalala ko; Oh yes dahil magkababata kami kaya ganoon.
Pansin ko din na hindi nag-uusap sina Zael at Reece simula kanina, palipat-lipat ang tingin ko sakanilang dalawa.
"Hey! Okay lang kayo?" tanong ko sakanilang dalawa
Ngumisi si Reece, "Oo naman, Ewan ko lang sa kapatid mo, mukhang..."
Biglang tumayo si Zael at kinuwelyuhan si Reece! Napatayo ako sa gulat dahil ako pa pala ang dahilan kung bakit sila sumabog!
"Gago ka a!" kumuyom ang panga ni Zael
Maski si Zayn ay nagising at napatayo ng makita ang posisyon ng dalawa, Pinagtitinginan na din kami ng mga tao.
"Oh my god! What’s happening?! Zael hands off Reece!" napatili ako
Nanginig ang mga binti ko dahil for the first time makikita ko silang ganito! Close silang dalawa, Mas parang kapatid pa nga niya si Reece kaysa sa akin pero anong nangyayari ngayon?
Ano ang naging dahilan... para umabot sila dito?
Pero nalaman ko din ng magsalita si Reece
"Kasalanan ko bang ako ang mahal ni Calli, kaysa sayo!" nanlaki ang mga mata ni Reece
Isang suntok ang natanggap niya mula kay Zael kaya napa-upo siya sa couch!
Hinawakan ko ang mga braso ni Zael na nanginginig at dahan-dahang ibinaba, Humarang si Zayn kay Reece para mapigilan ang kaniyang pagsugod!
"Zael... please," nag-angat ako ng tingin sa kaniya
Madilim ang tingin niya kay Reece, Bago pa may mangyaring masama hinila ko na siya paalis doon, Wala nang pakialam ang mga taong na kanina’y sa amin ang kanilang mga mata,
Dinala ko siya sa parking lot kung saan naka-park ang kotse niya pumasok kaming dalawa sa front seat, ginulo niya ang buhok niya nagpupuyos sa galit.
Hinayaan ko muna siyang magpalamig ng kaonti ayokong sabayan ang galit niya dahil hindi kami magkakaintindihan kung sakali...
"I was jerk!" sigaw niya at hinampas ang manubela ng sasakyan "kasalanan ko ang lahat!" dugtong niya
"No! Kasalanan ‘to ni Calli! hear that? Calli! If she dearly loves you, he’ll accept you! Kung anu-mang ugali ka!"
He is cold, Kahit sweet na nagmumukhang cold pa rin siya. That’s the problem with him
Kaya siguro nangaliwa si Calli!
"You don’t deserve Calli!" sigaw ko para matauhan siya
Umiling-iling siya at sinabing...
"They’ll going to pay what they've done!" may diin sa bawat pagbigkas niya ng mga salita
Tumindig ang mga balahibo ko dahil nasisiguro kong hindi siya nagbibiro...
---------
Please, Vote and Comment ♥
BINABASA MO ANG
Unwanted
RandomIs it possible to fall in love with each other even tho we're unwanted?