Kabanata 21

730 10 0
                                    

Kabanata 21

Picture

Binulsa ko ang picture na nakita ko ibabalik ko ito sakanya mamaya pagkatapos niyang magbihis. Naabutan ko naman si mommy na tulala lang habang tumitingin sa oven.

Nagdalawang-isip pa ako kung lalapitan ko siya pero sa huli nilapitan ko din siya...

"Mom..."

Bahagya siyang nagulat sa presensiya ko

"What?" medyo iritado niyang tanong

"Hm... Nothing I was just checking." nagkibit balikat ako

Iiwan ko na sana siya dahil mukhang mag-aaway lang kami ng bigla niya kong tawagin

"Zalestra..."

Hinarap ko siya, blanko ang mukha niya kaya bigla akong natakot suminghap siya kaya medyo nabawasan ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

"How does your relationship with Louis? Is it working... now?"

Medyo natagalan ako sa pagsagot sa kaniyang tanong anong ibig niyang sabihin? Anong 'Is it working now?'

"Uh-"

"I think it doesn't working, I saw him awhile ago with... Alysxha."

Napaisip ako paano magwo-work ang sinasabi niyang magwo-work kung hindi ko man lang maalala si Louis?

Hindi kaya...

No! No... Wala akong alam kaya hindi ko pwedeng pangunahan ang mga iniisip ko.

"Mukhang nagulat ka? Wala ka ba talagang alam, ha?!" bigla akong natakot sa sigaw niya

"Ma! Ano na naman 'to?" nagmadaling bumaba si Zael para lang maawat ang namumuong away

"Here we go... again!"

"Please." tila nauubusan na ng pasensya si Zael sa mga nangyayari

Napailing ako at umakyat na sa kwarto wala din namang mangyayari kung papatulan ko pa.

Nag-open ako ng account sa facebook minsan nakaka-bore din pala ang mag-browse o sadyang boring lang ang account na ito?

Medyo natigilan pa ako ng konti ng makita ang isang post galing sa isang napaka-pamilyar na tao.

Allysxha Vasque: With him

Kung saan naka-tag pa doon si Louis! Ito! Ito ang sinasabi ni mommy kanina!

Nakayakap si Louis sakanya at nakangiti sila ng pagkatamis-tamis ngumuso ako at nag log-out na dahil hindi ko na kaya ang aking nakikita.

Napahilamos ako ng mukha at nagwawala ang mga paru-paro sa tiyan ko!

Buong araw ako nagkulong sa kwarto ng walang dahilan hanggang sa hinatiran nalang ako ng pagkain sa kwarto ng isa sa mga katulong, Ganoon ba katagal ang aking  pagninilay-nilay para abutin ng gabi?

Pumunta ako ng veranda at sinalubong ng aking balat ang malamig na pang-gabing hangin niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig at pumikit.

Malayo ang bahay sa mismong gate namin kaya mahihirapan akong tingnan ang nasa labas, Pagpasok kase ng bahay ay aabutin mo muna ang aming garden bago ang mismong bahay.

"You didn't eat, yet." utas ni Zael sa likod ko

Dahan-dahan ko siyang hinarap at pinagmasdan ang features niya, Nasa tamang ayos ang buhok niya na animo'y may lakad kahit gabi na, matangos na ilong at mapula-pulang mga labi. Hindi na nakakapag-taka na maraming humahangang mga babae sakanya!

Unwanted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon