Kabanata 42
Die
"Hindi totoo iyan!" inipon ko ang buong lakas ko para makasigaw
Humalakhak siya. Iyong tipong parang ngayon lang siya nakatawang muli. Pinukulan ko siya ng masamang tingin
"Bakit nandito ka pa kung ganoon?" panunuya niya
"Years ago kalaban ko ang pamilya mo dahil na rin sa business... But then naging magkakampi kalaunan. Pero walang utang na loob ang mga magulang mo! Pinatay nila ang anak ko! Dahil sa galit ko kinitil ko din ang buhay mo, pero nagkamali ako dahil si Akira ang napatay ko! Ikaw dapat ‘yon!" galit na galit siya at halos pumutok na ang kaniyang mga ugat sa leeg
"Ba-Bakit ako?!" nagsisi tuloy ako bigla kung bakit naitanong ko pa iyon
"Dahil anak ko si Akira...." parang tumigil ang mundo ko dahil sa nalaman
Wala na bang mas-ilala ang lahat bukod dito? Ang sakit. Buong buhay ko inisip kong perpekto ang pamilya namin, buong buhay kong inisip na naging maayos ito.
"Gulat ka? Oh! Hindi mo alam!"
Para akong sinaksak ng punyal sa dibdib sa sinabi niya. Oo hindi ko alam, inilihim nila sa akin. Pati ba si Zael ay nagsinungaling sa akin?
"Shut the fuck up!" umiiyak kong sigaw
Humalakhak siya at pinantayan ang upo ko
"See? They lied to you... Nagtaksil ang Mommy mo sa Daddy mo." ngumisi siya
"P-Pakawalan mo na’ko." I beg
"No, Zalestra... Kung sanang namatay kana noon pa, edi sana hindi ka na naghihirap pa ngayon." tumigil lang siya nang may tumawag sa kaniya
Binusalan muna niya ako bago niya sinagot ang tawag
"Yes Louis?"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pangalan niya
"Hmmp! Hmmp!"
Galit man ako sakaniya ngayon wala na ‘kong malalapitan pang iba kung hindi siya
Pinanlakihan ako ng mata ni Uriel sinasabing manahimik ako.
"I’ll be there of course— Yes... Uh-huh— That’s great hijo!" binaba na niya ang tawag at muling hinarap ako
"Manahimik ka d’yan!" tumalikod siya at iniwan ako sa madilim na kwartong ito
Oh Lord, please help me...
Wala akong ginawa kung di ang umiyak at magdasal dahil iyon nalang ang tanging magagawa ko sa ngayon
Hinang-hina na ako kanina pa...
Hindi ko inaasahan na magagawa niya ang bagay na ito. Uriel Vasque was a good man. Madami na siyang natulungang tao, Madalas ko siyang makita sa mga party. Isa siya sa mga tinitingala ng nakakarami.
One day, Kumalat ang balitang pinatay niya ang isa sa mga board members ng kaniyang kumpanya. Hindi malinaw ang naging dahilan ng kaniyang pagpaslang. Pinabulaanan niya ito kaya kaagad ring nawala ang tsismis.
Totoo pala na kaya niyang gawin ang bagay na iyon, Dahil ako mismo ay nasa ilalim ng kaniyang mga mapanganib na mga kamay!
Nakarinig ako bigla ng mga yapak kaya naging alerto ako...
"No problem sir.."
Kumalabog ang puso ko nang marinig ang boses ni Louis!
"Hm-mp! Hm-mp!" mas lalo kong nilakasan ang pagsigaw bahala na kung ‘di niya ako marinig atleast I tried.
"What’s that?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa wakas ay narinig niya ako!
"Nothing. Oh. Here are the some docs that we need to prioritize..." dahilan ni Uriel
"Uh... kay." ramdam kong nag-aalangan siyang puntahan ako dito pero wala lang siyang magawa dahil kay Uriel!
Halos mawalan na ako ng pag-asa ng humupa ang usapan at makaalis na sila.
Bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Uriel na may dalang pagkain
"Eat." itinapat niya sa bibig ko ang kutsara na may lamang pagkain
Umiling ako at ibinaling ang tingin sa kabila
"Look... I am going to kill you soon kaya huwag mokong pangunahan sa plano ko." he said
Pinipilit niya pa rin ang pakainin ako at nang nagsawa siya pinatawag nalang niya ang sekretarya niya para magpakain sa akin
Dinala na nila ko sa isang kwarto kung saan maaliwalas na at may kutson, but still. Nakakulong pa rin!
Dumungaw ako sa bintana. I miss my mom, dad, Zael and my cousins... I misses my life outdoor.
Bumuhos ang mga luha ko, Isa lang ba akong kabayaran sa mga nakaraan nila?
Una, kailangan kong mikasal kay Louis para maiganti ang kapatid ko. Pangalawa. Kailangan kong madawit sa gulo na ito dahil ako naman talaga ang kailangan nila, still. May kinalaman pa din sa pagkamatay ni Akira.
Why?
Bakit laging ako?
Masyado akong marupok.
Bumukas ang pintuan at ngisi agad ni Uriel ang bumungad sa akin.
"Like your new room?" he asks
Hindi ako umimik at yumuko nalang
"Pinaghahanap ka na ng mga awtoridad..." he suddenly said
Marahas akong napabaling ng tingin sa kaniya! Nanlisik ang mga mata ko na tila may magagawa ang mga iyon para makawala ako!
"Ibalik mo’ko sa pamilya ko!" I beg
Humalakhak s’ya "Not... so... fast." ngiti niya.
"Bakit ako?! Bakit ako ang kailangang magdusa ng ganito?" tumaas ang boses ko
"Dahil tangina kailangan mong mawala sa mundo!" hisik niya
"Then let me die!" napaluhod ako dahil sa panghihina "Let me die...." bulong ko
Nagising ako, May araw na sa labas pero wala pa akong planong tumayo sa higaan ko. May pagkain na din sa table pero hinayaan ko muna doon.
Ipinatong ko ang mga kamay ko sa tuhod at yumuko
Kung ano man ang plano sa akin ay tatanggapin ko...
Sana’y bigyan ako ng lakas upang harapin ang lahat ng bukas...
Narinig ko ang pag-pihit ng seradula at bumungad sa akin si Uriel
"You didn’t eat?" as if he cares
Hinila niya ako bigla sa braso dahilan para masaktan ako!
"Saan mo ako dadalhin?!" I screamed
Nalaman ko nalang nang dalhin niya muli ako sa madilim na kwarto at iginapos muli.Sinipa ko siya pero naka-iwas siya!
Pinagmasdan niya ako ng mabuti at humalukipkip
"Poor Zalestra, You can never go back to your family... And... Did you saw Zael concerned eyes? Alalang-alala siya sayo..."
"Wala kang Puso!" sigaw ko
I imagined Zael’s face right now... Bumuhos ang mga luha ko, Siguro hindi na niya alam ang gagawin niya ngayon. I feel so sad about it...
"It’s pay back time." bulong niya
————
Please Vote and Comment! ♥

BINABASA MO ANG
Unwanted
LosoweIs it possible to fall in love with each other even tho we're unwanted?