Kabanata 38

629 11 0
                                    

Kabanata 38

Can’t

"But it’s all part in the past right? We cannot undo the things that we’ve already done."

Dahan-dahan akong tumango sa sinabi niya

"Zalestra, nakipag-meet ako sayo to clear things up...  I want closure. Noong nakipag break ka sa akin wala akong ideya kung bakit ka nakipag-hiwalay, but I thought na masyado tayong bata noon that’s why you split up with me...  you’re too young to be broke, girl’s are fragile. Natatakot akong masaktan kita at mawasak. You deserve better at hindi ako iyon taggap ko na Zal. Yes I still love you pero tama na siguro ‘to." 

Napahagulgol ako sa rebelasyon niya. Kid is a good man! He respects me more than he respect his self!

Nasaktan ko siya at pinagsisihan ko iyon. Masyado akong bata noon at padalos-dalos ng  mga desisyon, kaya ngayong matured na... doon ko nararamdaman ang sakit at pait ng nakaraan.

Sariwa pa sakaniya ang nangyari noon. Samantalang ako, halos makalimutan ko na.... napaka-walang hiya ko ba? Bahala kayo kung ano ang isipin ninyo. I loved him atleast, siya pa rin ang first ko at may parte siya sa puso ko.

"I-I’m so sorry..." pumiyok ang boses ko

Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa resto pero wala akong pakialam! Tumayo si Kid at niyakap ako!

"Hush baby...." bulong niya at niyakap ako ng mahigpit

"I’m so sorry Kid, You don’t deserve me..." iyak ko

Wala siyang nagawa kundi ang yakapin lang ako at patahanin. Umalis na din kami matapos ituloy ang pagkain namin, Niyaya niya din muna ako sa condo niya para daw makapagpahinga ako, baka daw magwala si Pams kapag nalaman niyang umiyak ako!

He inserts his passcode para makapasok kami. Maaliwalas at mabango ang condo niya light brown and white ang theme ng bahay kaya talagang maganda sa mata.

"Wow!" tanging nasabi ko

He chuckled   "Naman!"  pagmamalaki niya

May mga paintings na naka-display sa pader, at picture niya noong bata siya. Mayroon din siyang picture na naka-display na barkada niya siguro

"Ah, Sina Zeus, Jimboy at Wilbert nga pala." tinuro niya isa-isa ang mga taong nasa litrato pero sa kaniyang picture lang ako nakatingin

Damn his jawline habang nakagilid ang mukha niya sa litrato! I wonder how many girls that he made cry!

Nakakatulala ang ganda ng mukha niya!

"Are you okay?" I snapped back when I heard his voice

"Y-Yes..." nauutal kong sagot at hinarap siya

Namumungay ang kaniyang mga mata nang humarap ako, he licked his lips dahilan para maging pula lalo ito!

"Let’s go to the kitchen. I’ll cook." ngumiti siya

"Kakakain lang natin, ano ka ba!" natatawa kong utas

Tumawa din siya dahilan para masilayan ko ang maganda niyang ngiti.

"Busog ka na non?" panuya niya

"Oo naman!" sagot ko habang nakatitig sakaniya

"Okay ipagluluto nalang kita ng pasta."

Nanlaki ang mga mata ko

"That’s great! Ikaw ah? Naaalala mo pa ang favorite ko?"

"Of course, Niluluto ko sa’yo iyon noong high school!" tawa niya

Mabilis niyang natapos ang niluluto niyang pasta kaya lalo akong natakam ng maamoy ko na!

Nilagay niya sa isang plato ang pasta at inabot sa akin. Mabilis kong tinikman iyon na ikinatuwa niya

"Dahan-dahan lang!" pinunasan niya ang gilid ng labi ko gamit ang tissue

"It tastes good!"  abot tainga ang ngiti ko

"Alam kong na-miss mo iyan!" he said

"Thank you." sabi ko at tumayo para mahalikan siya sa pisnge

Natulala siya na siyang ikinatuwa ko! Kahit kailan talaga Kid! Kilalang kilala kita!

"Kilig ka naman agad!" sinundot ko ang tagiliran niya

Dahilan para maalala ko si Louis! Damn it! Akala ko mabubuo na ang araw ko pero hindi pala dahil naalala ko siya!

Napatalon ako ng sundutin din ni Kid ang tagiliran ko!

"Stop it!" sabi ko habang pinipigilan ko ang mga kamay niya

"‘Pag ikaw pwede, tas ‘pag ako hindi?" tumakbo ako kaya hinabol niya ‘ko

Humahagalpak siya sa tawa habang nakikita ang ekspresyon ko. Hindi siya tumigil hanggang sa madakip niya ako! Anong laban ko sa mga malalaki niyang braso? Kitang kita ko dahil nagpalit na siya ng damit kanina. Sando at jersey short na kulay black ang suot na niya ngayon

"Ah! ayoko na!" hinihingal kong sabi at naupo sa couch tumabi din siya sa akin na hingal na hingal din dahil sa paghabol sa akin

"Akala ko ‘di na mangyayari ‘to." aniya at tumitig sa akin

"Ang alin?" kunot noong tanong ko

"Ito, Yung makasama ka." he said

Tumawa ako at ‘di sineryoso ang sinabi niya

Tumayo ako hanggang sa mahagip ng paningin ko ang isang piano malapit sa sala.

"You knew how to play piano?" I asked him

"No. Gitara lang alam kong patugtugin... Sa kapatid ko iyan ewan kinalat dito." sagot niya at tumayo na rin

Naupo ako doon at tinitigan ang mga keyboard nangangati ang mga kamay kong tugtugin ang teklado hanggang sa narinig kong magsalita si Kid

"You know how to play that?"

Tumango ako ng nakangiti hanggang sa sinimulan ko ng pindutin ang unang nota at tinutuloy-tuloy na ang pagpindot

"If I could fly, I’d be coming right back home to you.... I think I might give up everything just ask me to, Pay attention I hope that you listen cause I let my guards down. Right now I am completely defensless..."

Nakatitig lang siya sa akin... walang masabi!

Nginitian ko siya bago kantahin ang lyrics ng kanta

"For your eyes only, I show you my heart for when you’re lonely and forget who you are. I’m missing half of me when we’re apart now you know me for your eyes only... for your eyes only...."

Napa-slow clap si Kid "Wow! I didn’t know your hidden talent! Ang galing mo!"  manghang-mangha niyang sabi

"Limited lang ang nakakarinig ng boses ko." biro ko

"Well I’m glad na isa ako sa mga taong nakarinig ng boses mo." humalakhak siya

Pinaglaruan ko ang keyboard at tumingin muli sakaniya

"You know that I can’t love you back right?"

———

Please Vote and Comment! ♥

Unwanted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon