Kabanata 32
Party
Hindi agad ako nagsalita pinipilit kong tanggapin ang nalaman ko mula kay Pams. Tatlong taon na ang nakalipas kaya malamang ay kasal na siya at nasa tamang edad na graduate na siya last March at magka-batch sila ni Louis
At noong wala akong maalala magkasintahan sila...
"S—Siguradong masaya silang dalawa ni Louis ngayon...."
Napaubo bigla si Pams sa iniinom niyang whiskey!
"Ano ka ba— Hindi si Louis! Si Anthony!" nauubo pa rin niyang tugon
"Ha?" naguguluhan kong tanong
"Si Anthony ang asawa niya yung nerd noon na binabalewala niya, Sigurado akong nakarma talaga iyan, e. Dahil sa mga ginagawa niya kay Anthony!"
Humagalpak siya. Lasing na yata ang isang ‘to!
"Paano sila nagkatuluyan?" pinagmasdan ko ang hitsura ko sa pool
"Hmm, I don’t know. Basta isang araw nagpadala nalang sila ng invitation." nagkibit balikat siya
Tumango ako
Love is unpredictable
Hindi mo alam nasa tabi lang pala ang mga makakatuluyan mo, Hanap ka ng hanap kay The One pero hindi mo alam matagal mo na siyang kilala o kaya naman nandiyan lang sa tabi-tabi
Ako? Hindi ko alam kung fiancee pa ba ang tawag ko kay Louis. 3 years was enough I think to move on, At alam kong naka-move on na din siya
Naghurementado ang puso ko. Tangina akala ko ba three years was enough? bulong ng isang boses sa isip ko.
Matagal na akong hindi nagf-facebook kaya outdated na ako tungkol sakanya pero para saan pa hindi ba baka masaktan lang ako kapag nakita kong may kahalikan o ka-date siya
11:30 nang magsimula na silang magpaalam umuwi ayoko ngang payagan dahil gabi na pero ng sabihing may susundo ay pinayagan ko na...
Sina Zayn, Cole, Reece at Pams dito daw matutulog ang umuwi lang ay sina Carrie, Graciel, Brix, at Marx
"You can use the guest room." sabi ko sabay hikab
Sa ngayon plano kong matulog na sa malambot kong kama.
Naghilamos muna ako bago nahiga nakakapagod ang araw na ‘to kahit nakaupo ka lang at nakikipag-kwentuhan.
Kinabukasan nagising ako sa ingay ng mga pinsan ko sa labas! Nakapikit pa ang mga mata ko ng lumabas ako ng kwarto.
"Mornin’" bati nila
I just gave them a faint smile
"May susuotin ka na ba?" kumunot ang noo ko sa tanong ni Pams
"Well, sa mukha mo palang ngayon mukhang wala pa!" giit niya
"Ano bang meron?" tamad kong tanong
"Allysxha’s party." si Cole ang sumagot
Oh! I forgot ngayon nga pala ang birthday niya!
"And ngayon ipapakilala ni Graciel ang boyfriend niya!" malaki ang ngisi ni Pams dahil sa sinabi niya
"Finally, She’s not part of Nbsb community anymore!" I joked
Nagtawanan kami dahil doon, Ang swerte ng lalaki dahil siya ang first boyfriend ni Graciel!
"Bili tayo ng gown mamaya, ah?" I nodded
Mabilis natapos ang breakfast dahil maglalaro pa sa Xbox ang mga pinsan kong lalaki, Nanatili naman si Zayn sa gilid ko
"What?" natatawa kong tanong dahil parang may gusto siyang sabihin sa akin na ‘di niya masabi-sabi
"C—Can I be your escort... later?"
Nagkatinginan kami ni Pams pinandilatan naman niya ako na parang sinasabi niyang Say Yes to him!
"Of course!" ngumisi ako
"Really?!" happiness written all over his face kaya napangiti ako
Tumango ako "Thank you!" bigla niya akong niyakap dahil sa tuwa
Biglang umubo si Pams kaya napabitaw si Zayn ng yakap sa akin.
"You’re always welcome."
Wala naman sigurong masama kung magiging escort ko siya magkaibigan naman kami kaya no worries.
"Hay nako! May kung ano sa inyo ni Zayn, a!" inangkla ni Pams ang mga braso niya sa braso ko
"Wala nga!" kanina pa niya ‘ko kinukulit tungkol diyan at para-pareho lang ang mga nagiging sagot
Nasa mall kami ngayon at naghahanap ng navy blue gown dahil iyon ang theme sa birthday party ni Allysxha
Hanggang sa mapadpad kami sa isang pinaka-pamilyar na boutique at pumasok doon
Off-shoulder navy blue long gown ang napili ko at sleeveless naman ang napili ni Pams para sakaniya
"Mamayang 8 PM na ang party!" utas niya
Inirapan ko siya dahil pang ilang beses na niyang nabanggit iyan!
Pinakulot ko lang ang ilalim ng buhok ko at light make-up para lang ma-highlights ang mga features ko
"Wow! Cous... Nakaka-tomboy ka!"
"Siraulo!" nambola pa ang gaga
"Conzego’ng Conzego ka talaga 'no? Kamukha mo si Lola noong ganiyan pa ang edad niya." seryoso niyang utas
Lumabas na kaming dalawa dahil naghihintay na ang mga escorts namin. Si Marx ang escort ni Pams ‘diko nga siya maasar dahil kapatid niya ang escort niya! Kainis!
Nakahalukipkip at nakasandal si Zayn nang makalabas kami si Kuya Marx naman may katawagan sa kaniyang cellphone
Kumalas ang halukipkip ni Zayn nang makita niya ako he’s wearing black tux at navy blue na kuwelyo
"Hi Beautiful!" bungad niya at humalik sa pisnge ko
"Hello Handsome!" I chuckled
"Let’s go?" Kuya Marx interrupted
"Yeah, Let’s go."
Sa backseat kami naupong dalawa ni Pams. Nasa front seat naman si Zayn at Si Kuya Marx ang nagd-drive
Entrance pa lang magarbo na may mga body guard na nakabantay doon tinanong muna ang pangalan namin nang receptionist bago pinapasok. Masyadong mahigpit ang seguridad!
Sa isang five star hotel gaganapin ang party kaya malaki ang espasyo. Namangha ako dahil sa sobrang garbo! Aakalain mong mag-18 palang ang magb-birthday!
May mga iilang bumabati sa aming kakilala nagkamustahan pa kami nung mga iba bago tuluyang makaupo sa table naming magpipinsan, Nasa kabilang table naman ang mga magulang namin ginreet ko na sila kanina ayos na.
"Looks like someone will get laid tonight!" ang iingay ng mga pinsan ko
Bigla akong binalot ng kaba. What if he’s here? pinilig ko ang ulo ko
"You okay?" Zayn whispered
"Y—Yeah!" I calm myself as much as I can
Something’s bothering me....
Ininom ako ng tubig na nasa harap ko
"Guys!"
Umalingaw-ngaw ang boses ni Graciel na nagmula sa likuran ko.
"Oh! You’re finally here!" sabi ni Reece
Pansin kong siya lang talaga ang hinihintay nila magmula kanina
"Cousins. I want you to meet my boyfriend. Louis William Tomlinson!"
Kasabay ‘nun ay ang pag-durog ng puso ko sa maraming piraso...
———————
Please, Vote and Comment! ♥
BINABASA MO ANG
Unwanted
RandomIs it possible to fall in love with each other even tho we're unwanted?