Kabanata 37
Disregard
Nalaman kong uuwi muna 'for the mean time' si Graciel sa States. Sumama din ako sa paghahatid sakaniya ngayon sa airport
Magkakasama kaming magpipinsan sa iisang Van kasama si Louis. Nasa likod kami nina Graciel na nasa tabing bintana katabi si Louis at ako naman ay nasa kabilang bintana bale naka-gitna si Louis! So awkward!
Nasa harapan naman sina Zael, Cole at Pams na nag-aasaran si Reece kase ay nasa front seat katabi ang driver
"Aysus porke 'di pinansin ni Bella e!" tukso ni Pams
"Ikaw nga diyan binasted ni Elt—"
Bahagya akong natawa dahil mabuti nalang at wala dito si Brent kung hindi giyera sa loob ng Van
Hindi na natuloy ni Cole ang pagsasalita nang takpan ni Pams ang bibig nito
"Stop it you two!" bulyaw ni Zael sakanila
Sa likod naman namin ay sina Marx, Brix at Carrie
Panay naman ang sulyap sa akin ni Louis, pansin ko iyon sa peripheral vision ko
"Babe, behave ka dito ah? Pag nalaman kong may babae ka uuwi agad ako!" dinig kong utas ni Graciel
"Kung 'di lang talaga urgent e." ramdam ko ang lungkot sa boses niya
"Don’t worry, I’ll call you everyday." sagot ni Louis
Ngumuso ako at hinayaan silang mag-loving-loving!
Nakadating naman kami kaagad dahil walang traffic. Hindi naman maitsuran si Graciel na naka-busangot dahil siguro aalis na
"Basta call me okay?" aniya bago tumingin kay Louis at pagkatapos ay sa akin
"Okay."
"I love you." at hinalikan si Louis dahilan para mapaiwas ako ng tingin
"Let’s go? Baka malate ka pa..." nagulat ako dahil hindi niya sinagot si Graciel
May hinala na ako noon pa pero ayokong mag-isip ng kung ano...
"Aww! I’ll miss you all!"
Nag-group hug kami at nagkataong nasa gilid ko si Louis kaya nayakap niya ako! Fuck!
Palihim kaming nagkatinginan ni Pams ngumuso ako at nag-iwas ng tingin
"Bye! Takecare guys!" kumaway na siya sa amin at tumalikod na
"'Tong si Louis miss na agad si Graciel!" tukso ni Carrie nang pauwi na kami at nasa Van
He just chuckled and looked at me! Nagtama ang mga mata namin kaya umiwas ako ng tingin!
Damn! That smile is killing me!
"Tahimik ka?" halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang tanungin niya ako
Hindi ko siya sinagot at tumingin lang sa labas. Pero tuluyan na akong napatalon nang sundutin niya ang tagiliran ko dahilan para mainis ako sa kaniya!
"What the fuck! Stop it!" tinampal ko siya at mas lalong nilakasan ng makitang siyang tumatawa!
"Magsasalita ka din pala!" he laughed
I mimicked what he said at inirapan siya. Nakakainis!
Padabog akong bumaba ng Van pero agad akong nahigit ni Louis para masubsob ako sa dibdib niya. Wala namang pake ang mga pinsan ko kaya mas lalo akong nainis!
"Fuck it!" gigil kong sabi at tinulak siya pero ni hindi man lang siya gumalaw!
"Uh-uh Not so fast!" bulong niya sa tainga ako
BINABASA MO ANG
Unwanted
De TodoIs it possible to fall in love with each other even tho we're unwanted?