Kabanata 45
Home
Mapait siyang ngumiti bago inayos ang kama ko, Hindi ko siya kilala pero ramdam ko ang sakit sa mga mata niya...
"Pero ma’am sana magkabalikan na kayo..."
Iyon lang ang tanging nasabi niya bago lisanin ang kwarto ko.
Nagising ako dahil sa pag uusap ng mga kung sino sa loob ng kwarto ko. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at unang nasilayan si Zayn na nakatingin lamang kay Perrie habang nag uusap sila ni Zael
Mas lalo kong iminulat ang mga mata ko para mas lalo silang makita... Nang biglang madako ang tingin sa akin ni Zayn!
"Zalestra!" napatayo siya at hinagkan ako ng yakap!
"Hmm..." sabi ko sabay tawa
I missed him!
"How are you feeling— uh, may kailangan ka ba?" natataranta siyang tumingin tingin sa gilid ko kung saan may lamesa kaya natawa ako
"Hey... I am fine." tumango tango ako at ngumiti
Lumapit si Perrie sa akin at ngumiti, Ngumiti din naman ako pabalik.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" banayad niyang tanong
"Maayos na, Medyo masakit pa din yung mga bugbog ko pero maayos na." ngiti ko
Ngumiti siya pabalik "That’s great!" masigla n’yang sabi
Tumikhim ako ng may naalala
"Siya nga pala pasensya na noong dapat ay mag uusap tayo... uh, may nangyari lang na ‘di inaasahan." saad ko
Tumango siya bago ngumiti "I understand that..."
Naging masaya naman ang mga araw ko dahil nakalabas na ako ng ospital, naging normal din naman ang lahat lalo na noong ibinalita na nahuli na si Uriel ng mga pulis!
Dapat niyang pagbayaran ang lahat ng ginawa niya sa akin!
"Are you sure hija?" mom asked nang malaman niyang bibisitahin ko si Uriel
"Opo." sagot ko
Huminga ako ng malalim bago tumango kay Louis... Nalaman kong sinet-up niya si Uriel dahil nung una palang ay may kutob na siya na bihag ako ni Uriel!
That’s why, It was the reason kung bakit naging okay kaming dalawa...
"Let’s go?" nagtaas siya kilay
"Let’s go."
Tahimik lang siyang nagmamaneho, At ganoon din ako tahimik na tinitingnan ang paligid sa labas.
"Sigurado ka bang kakausapin mo ang hayop na iyon?" basag niya sa katahimikan
Ilang segundo ang lumipas bago ako sumulyap sa kaniya.
"I made up my mind... Ilang araw kong pinag isipan ang bagay na ito." At nandito ka naman para protektahan ako....
"Masusuntok ko ang gagong iyon kung may gawin pa siyang masama sa’yo." bulong niya
Napangiti ako... Noon pa man alam kong may pakealam na siya sa kalagayan ko, Iyon nga lang...
Naka dating kami kung saan naka kulong si Uriel. Halos hindi ko na siya makilala nang ilabas siya ng mga pulisya upang makausap ko, Magulo ang kaniyang buhok at may eye bags na rin!
Matalim ang kaniyang mga titig sa aming dalawa ni Louis! Taas noo ko siyang tiningnan at medyo na awa dahil nagawa niya lang ang lahat ng iyon kung ‘di lang dahil sa pagmamahal niya sa anak niya...
Todo hingi ng pasensya sa akin si Allysxha nang malaman niya ang ginawa ng ama sa akin. Alam kong nagsasabi siya ng totoo dahil ni anino niya ay hindi ko naman nakita noong binugbog ako ni Uriel.
"Are you finally happy now that you are seeing me misarable in this cheap... place!" malamlam pero mariin niyang saad
"Una sa lahat ginusto mong mapunta diyan! Kung sanang hindi mo’ko sinaktan ay ‘di ka mapupunta diyan!" sigaw ko
Bahagya siyang natawa at mapait na napangiti
"Ang sarap mo talagang patayin!" angil niya
Napatayo si Louis bigla at kinwelyuhan siya! Napatili ako sa biglaang nangyari!
Tumayo ako para mapigilan siya
"Walang hiya ka talaga e no?!"
Nangnginginig sa galit si Louis, ramdam ko iyon ng hawakan ko ang braso niya..
"Louis... please..."
"Matapang ka lang dahil naka posas ako!" hindi ko maipinta ang galit na mukha ni Uriel
"Tss!" binitawan rin kilaunan ni Louis si Uriel at kapwa naupo na kami
Hinawakan ko ang kamay niya upang mapakalma siya... Tinignan niya iyon bago ako.
"Uriel, bat di mo magawang mag bago... para sa pamilya mo lalo na kay Allysxha-"
"Stop talking about my daughter!" putol niya sa akin
"Your daughter? Bakit? Itinuring mo ba syang tunay na anak?"
Naikuwento sakin ni Allysxha na halos ‘di siya tingnan nito, Na wala siyang oras para sakanya. Matagal ng hiwalay sa asawa si Uriel kaya walang inang nagtaguyod kay Allysxha. Alam din niya sa simula palang na ampon siya.
Natahimik si Uriel sa sinabi ko at nag-iwas ng tingin...
"Nandito ako para ipaalala sa iyo na may anak ka pa Uriel... Hindi man tunay na anak pero sapat siya bilang lakas mo... At ang magiging apo mo, I hope that you’ll realize someday your worth.. Alam kong mabuti kang ama. Halos mapatay mo nga ako ‘di ba dahil sa pagmamahal sakanya?" halos maiyak ako sa sarili kong mga salita
Namatay si Akira pero wala akong sinising iba... Kahit na ang mismong kapatid ko ay walang nagawa ay napatawad ko na.
Hindi na siya nagsalita pagkatapos ‘nun. Sana ay mapagtanto niya ang pagiging ama kay Allysxha...
Parang nawala ang bigat sa loob ko pagkatapos siyang makausap. Wala sa sarili akong napangiti.
Nagulat ako ng hawakan ni Louis ang kaliwang kamay ko at ipagsiklop iyon.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya ng nakangiti
"Kahit saan..." bulong ko
He chuckled a bit
"Hmm, Gusto ko sanang pumunta sa pinaka malapit na motel-"
Hinampas ko siya ng malakas dahil doon pero natawa lang ang siraulo!
"I’m just kidding!" tawa niya
"Well I hate you!" inirapan ko siya
"But I love you..." bulong niya, I shivered
Nanatili akong nakatalikod sakanya habang siya naman ay yumakap sa likod ko. Hindi ko alam pero biglang uminit ang pakiramdam ko nang yakapin niya ako galing likod... It feels like home...
"I love you still..." bulong niya kasabay ‘nun ay ang pag ihip ng malamig na hangin
Napapikit ako dahil ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya... Ganoon din ang akin...
Damn it, We’re unwanted but being with him feels like infinite. I’ve realize that I love this man so much.
Love will never be easy. But if you think it is worth the pain and risks, you will stay.
"I love you, too." sabi ko at napapikit ng mariin.
————
Please Vote and Comment. ♥
BINABASA MO ANG
Unwanted
RandomIs it possible to fall in love with each other even tho we're unwanted?