Kabanata 44

622 11 0
                                    

Kabanata 44

Jealous

Nabaril si Uriel kaya natumba siya! Naging pagkakataon na namin iyon para maka-takas. Takot na takot ako ni hindi ko na inalinta ang mga sugat na natamo ko mula sa mga kamay niya.

May nakahandang ambulansya kaya dinaluhan agad nila ako.

"Kailangan niyang madala sa hospital." sabi ng babae na konti lang ang tanda sa akin

Nakatulog ako sa pagda-dala sa akin sa hospital, pag-gising ko... Si Uriel!

Naka-upo siya sa kama ko at nakangisi!

"How are you, young lady?" ngisi niya

"A-Anong ginagawa mo d-dito?!" sigaw ko, may bahid na takot.

Humalakhak siya at tumayo "Hindi pa tayo tapos! Papatayin pa kita!" nanlisik ang mga mata niya

Humalakhak siya at tumayo "Hindi pa tayo tapos! Papatayin pa kita!" nanlisik ang mga mata niya at hinawakan ang braso ko ng napaka-higpit!

"Bi-Bitawan mo'ko!"

Bigla akong napabangon sa higaan at tumambad sa akin ang pamilya ko kasama si Louis na halatang nag-aala na sa kalagayan ko

Biglang lumapit si Mommy sa akin at niyakap ako ng napaka-higpit.

Napahagulgol ako at niyakap siya pabalik panay ang hingi niya ng tawad sa akin habang hinahagod ang likod ko.

"Patawad... Patawarin mo'ko anak..." umiiyak niyang sabi

"Ma..." tanging nasabi ko

Hindi ko mahanap ang mga tamang salita na sasabihin ko...

"Marami akong pagkukulang sa iyo Zal... Lalo na ang mga pinagkait kong mga katotohanan na dapat ay malaman mo..." pinahid niya ang mga luhang lumalandas sa mata ko

Kumalabog ang puso ko at umiyak ng umiyak, Nilabas ang lahat ng sama ng loob na nakapalibot sa loob ng damdamin ko.

Hanggang sa matulala nalang ako at tumigil sa kakaiyak, Masakit pa rin? Sobra. Tumigil lang ako sa kakaiyak pero yung sakit nandoon pa din, nakatatak pa rin.

May kumatok, At pumasok doon si Louis

Ngumiti siya bago umupo sa tabi ko.

"How are you feeling?" may simpatya niyang tanong

Ngumiti ako, It's been awhile ng maka-usap ko siya.

"Mahapdi pa din yung mga sugat, Pero maayos na ako." sagot ko

Bahagya siyang tumango, Malaki ang nagbago sa kaniya... Ngayon ko lang napansin na bagong gupit siya, Mukha siyang anghel na naligaw dito sa mundong ginagalawan... Oh! I missed him so much!

"Magpa-galing ka kung ganoon..." aniya habang binabalatan ang mansanas na hawak niya

Gusto ko siyang tanungin kung paano niya nalaman na nasa kamay ako ni Uriel, Pero tila may bumara sa lalamunan ko upang hindi matuloy ang sasabihin ko.

Tahimik lang akong nanood sa kaniya kung paano niya balatan ang mansanas ng walang kahirap-hirap!

"Here." I startled when our eyes met!

Sa sobrang gulat ay nanatili akong nakatitig sa kaniya!

"Are you okay?" he asks

Dahan-dahan akong tumango at kinuha ang binalatan niyang mansanas

"Ano pang gusto mong kainin? Ipagha-handa kita..." aniya

Mabilis akong umiling dahil sa sinabi niya "Huwag na. Okay na 'tong mansanas." saad ko

Unwanted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon