Kabanata 39

573 10 0
                                    

Kabanata 39

Wish

Seryoso lang  siyang nakatingin sa akin kaya natakot tuloy ako... pero nang unti-unti siyang ngumiti ay lumuwag ang loob ko

"Alam ko Zalestra, huwag paulit-ulit. Masakit." utas niya at kinurot ang pisnge ko tiyaka tumawa

"Mabait ka Kid, Kaya alam kong darating ang talagang babaeng para sa’yo na mamahalin ka ng sobra."

Ngumisi siya at hinarap ako

"Sweet mo talaga!" at humagalpak ng tawa

"Ewan ko sayo!" sagot ko at sakto naman ay ang pag-ring ng phone ko

Si Pams ang tumatawag kaya kaagad kong sinagot

"Cous!"  hindi ko na siya namalayan dahil kay Kid!

"My goodness sinagot mo din! Where the hell are you?!" dinig na dinig ko ang frustration niya

Lumingon muna ako kay Kid bago siya sinagot

"A-Ah nasa condo ni Kid..." halos mawalan ako ng hangin sa sinabi ko

"Oh my gosh! Did you?!" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya! Ang berde niya!!

"What the heck cous?! Of course not!" giit ko

Nakakunot naman ang mukha ni Kid siguro ay nagtataka kung ano ang pinag-uusapan namin ni Pams

Dinig ko naman ang paghinga ng malalim ni Pams sa kabilang linya

"Ikaw? San ka?" tanong ko pabalik

"Here at resto kung saan kayo nagkita." she answered

"Alright papahatid nalang ako kay Kid diyan." then I hang up

Natigilan ako ng makita ko ang sarili kong wallpaper! It’s Louis! Nakunan iyon noong nag-date kami, Naaalala ko pa noong aksidente kong makunan iyon.

"Zal? Is there a problem?" Kid asked

Wala sa sarili akong napailing at nag-angat ako ng tingin sa kaniya

"Kailangan ko ng umuwi Kid." I said while looking at my wrist watch

"Ihahatid na kita." aniya at sandaling inayos ang buhok niyang hanggang balikat

"No it’s okay Kiddo." tawa ko

"I insist. Let’s go." at inakbayan ako

"Kamusta kayo ni Louis?"

Para akong nawalan ng hangin sa katawan nang tanungin niya iyon.

"A-Ah we got broke up just three years a-ago—"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang mag-preno! Mabuti nalang at nakapag-seatbelt ako!

"You didn’t told me!" nakakunot na ang noo niya ngayon!  "Bakit kayo naghiwalay?" dugtong niya

Huminga ako ng malalim bago nag-explain sakaniya

"Nagkaroon ako ng amnesia three years ago in a car accident... a-at nakasama siya sa akin... that’s why itinaboy ko siya, and pagbalik ko sila na ni Graciel which is my c-cousin... well I don’t blame him nor my cousin." 

Wala siyang sinabi at nagpatuloy lang sa pagmamaneho niya ilang sandali lang ay nagsalita siya

"But they’re not close..."  bulong niya pero sapat para marinig ko

"H-Ha?" isinandal niya ang siko niya sa pintuan ng sasakyan at pinaglaruan ang kaniyang labi

"Zalestra they’re not close, alam ko dahil magbarkada kami ni Graciel noong high school alam mo iyon dahil siya ang dahilan kung bakit tayo nagkakilala! And guess what? may boyfriend na si Graciel at hindi si Louis!"

Nanlaki ang mga mata ko sa nalaman ko!

"Imposible iyang sinasabi mo Kid! Matagal ka nang umuwi galing States ‘di ba? baka nga break na sila noong boyfriend nyang sinasabi mo! And noong umuwi si Graciel nakilala niya si Louis two months ago bago ako umuwi galing ng UK!" giit ko

Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko alam kung bakit!

Humalakhak siya "Then, bakit urgent ang pag-alis niya?" tanong niyang mas lalong nagpanginig sa akin

"She told us na may aasikasuhin lang siya— But Kid sinabi niya na si Louis ang first boyfriend niya!" pilit ko dahil may namumuo nang mga luha sa mga mata ko na ‘di ko alam ang dahilan

"Ha! Really?! You’re buying her shit?" tawa niya

"What do you mean?! I don’t get it—"

"Nagpapanggap lang sila!" he shouted

Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko... Bakit nila nagawa iyon?

Gusto ba nilang maghiganti sa akin?

Para saan? Naging mabuti ako kay Graciel alam niya iyon! Paano nila...

"Are you okay? Kanina ka pa tulala diyan!" tawa ni Pams

Kanina pa kami nakauwi kaya nakaupo nalang kaming pareho ngayon sa couch

Hindi ko na natanong si Kid kanina dahil nasa harap na kami ng resto kung saan naghihintay si Pams

"Yup." tipid kong tanong

Sumimangot naman siya bago nagsalita "Ano ba talaga ang nangyari Zalestra?" she asked me

"Nothing, pagod lang ako." sabi ko at tumayo na

Umakyat akong tahimik sa kwarto at isinubsob ang mukha ko sa unan, napahikbi ako

Tama ang hinala ko... Alam kong madikit ang mga babae kay Louis, pero ibahin mo si Graciel, hindi ko alam kung bakit pumayag siya sa ganoong plano ni Louis!

Tama si Kid, Hindi sila close! Hate ni Graciel ang mga playboys!

Plano bang saktan ako ni Louis?

Puwes, Kahit kailan.... hindi naghilom ang sakit na idinulot niya sa akin... magmula sa mga babae niya kay Allysxha at Graciel.. Lalong lalo na sa fix marriage namin!

Tanggap ko na hindi na niya ako mamahalin pa!

Pero hanggang kailan ko kayang tiisin ang sakit?

Nakakainis ang katangahan ko! Sobra!

Nagising ako dahil sa ingay sa ibaba, It’s already 7 am in the morning! Tinignan ko ang hitsura ko sa salamin at nagimbal nang makitang namumugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak kagabi!

Fucking shit!

Naalala ko na naman ang nalaman ko kagabi! Aaminin ko... Mahirap akong maka-move on sa mga bagay na talagang nasaktan ako

Paulit-ulit sila sa utak ko... At paulit ulit din ang sakit....

Minsan matutulala nalang ako at maaalala ang mga nangyari na, sakit na ba ‘yon o natural na? Ewan...

"Morning!" Cole yells, pero ‘di pa rin nakakatakas ang mga mapanuri niyang mga mata

"Kain na...." sabat ni Reece

Tumango ako at naupo sa tabi ni Pams na tahimik akong pinagmamasdan.

"Enrollment na bukas para sa second sem, sabay-sabay na tayo!" utas ni Brix

"Hindi ako puwede sasabay ako kay Brent atsaka si Zalestra na rin siguro." Pam said

Hindi ako sumagot at kumain ng cereals

Nagpaplano pala silang mag-outing kanina kaya lang ay wala akong planong sumama dahil na rin sa pagod sa mga nangyayari ngayon...

Oh how I wish matapos na ang lahat ng ito.

Dahil masakit...

I wish magising nalang akong walang inaalala, pero nalaman kong ‘di naman pwede iyon ‘di ba?

I wish bumalik ang mga panahong kasama ko pa si Kid.

Nakakatawang isipin oo na siya pa rin ang iniisip ko....

Is this a sign to win him back?

————

Please Vote and Comment! ♥

Unwanted Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon