Kabanata 47
Forgive
Tanghali na nang tumayo kaming dalawa galing sa pagkakahiga, Wala kasi kaming ibang ginawa kung ‘di ang magtitigan lang at magyakapan sa nakalipas na mga oras.
I wanna stay like this, no fights, no arguments happening, no doubts, just... just love.
"What is our plan for today?" tanong ko kay Louis dahil baka nag aalala na ang pamilya ko at pinapahanap na ngayon sa mga pulis
Napameywang siya at sandaling nag isip, at nagliwanag bigla ang mukha sa naisip
"Hmm, Date?" he smirked
Inirapan ko siya at naglakad papunta sa kitchen para uminom ng tubig
"Louis, the date you are talking about can wait... I, I mean my parents are surely looking for me now dahil hindi ako nakapag paalam na sasama ako sayo dito sa Tagaytay." sabi ko pagkatapos uminom ng tubig galing sa ref
Nasa likod ko siya, nakasunod. Kaya alam kung narinig niya ako
"I know, I’m sorry. Uuwi na tayo mamaya." he whispered
Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot sa sinabi niya. Yes, It is true na hahanapin ako ng mga magulang ko pero ang iwan ang mga nabuong mga memorya dito ay talaga namang ikakasakit ng damdamin ko, but then naisip kong baunin nalang ang lahat.
Tumango ako sa sinabi niya kahit na mamimiss ko ang bahay na ito
"Then when will we come back here?" tanong ko at tiningnan siya
He just chuckled and pinched my rosy cheeks
"After we got married." he smiled
Napasinghap ako at inaaming hindi magipilan ang kilig!
Then I can’t wait!
Alas tres na nang makaalis kami sa Tagaytay kaya ginabi na kami ng uwi, Hindi na nga namin nakuhang makabali kahit pasalubong man lang dahil siguradong matatagalan kami
"Oh my! Saan kayo nanggaling?!" halos pahisteryang tanong ni mommy nang makadating kami sa bahay
She hugged me so tight and I kissed her cheeks after that.
"I’m sorry mom, h-hindi na namin nakuhang magpaalam pa. Uh, galing po kami ng Tagaytay." I said and looked at Zael na napakadilim ng tingin sa likod ko
I glanced at Louis na seryoso lang ang tingin bago tumikhim at nagsalita
"I’m sorry po Tita, We just wanted to chill kaya dinala ko siya sa Tagaytay." aniya
"Where did you stay?" tanong ni Zael sa isang malalim na boses
"I bought a house in Tagaytay so..."
Hindi na naituloy ni Louis ang sasabihin niya dahil sa pinutol siya ni Mommy
"When?! Oh my goodness... Huwag niyong sabihing..." hindi na niya naituloy ang sasabihin niya
Kumalabog ang puso ko dahil akala kong may alam siya sa nangyari sa bahay na iyon!
"....nagkabalikan kayo?" dugtong ni Mommy
I nodded and held Louis’ right hand, I smiled at him so widely.
"Oh wow! sweetheart I am so happy for the both of you!" Mommy hugged us
"Thanks, Ma. Finally!" I giggled
"Hay naku! Zael look! Mauunahan ka pa ng kapatid mo!" Mom shouted kaya nagtawanan kami
Nagkasalubong ang mga makakapal na kilay ni Zael dahil sa sinabi ni Mommy.
"Well because I am not rushing it..." sagot niya
Mom laughs "Oh really baby boy? I heard you’re chasing Calli?" She laughs more
Umigting ang panga niya dahil sa pangalang narinig!
Tumawa din ako dahil talagang naiinis na siya, natigil lang ako sa pagtawa ng pumulupot na parang ahas ang kamay ni Louis sa baywang ko! Damn it!
"First don’t ever call me 'baby boy', Second I.. am.. not.. chasing... Calli!" mariin niyang sabi
"Okay, Alright!" ‘di maalis ang ngiti ni Mommy
"Mom! why can’t...."
Unti-unting naglaho ang mga boses nang pumunta kami sa terrace, Louis followed me here.
"Who’s Calli?" Louis asked me
Naupo ako ganoon din ang ginawa niya at hinarap ako
"Calli Monterios, cousin of Cameron. You know him right?" sabi ko dahil ang pagkakaalam ko ay nagkita na sila sa isang party
Tumango siya at tumikhim
"I saw Zael in that party too, Pero saglit lang siya, dahil may hahabulin daw only to find out that he was chasing that girl!" humagalpak si Louis sa nakuwento
Nanlaki ang mga mata ko!
"Really? s-siya pa ang naghahabol?" tumawa na din ako
Kilala ko si Zael, Hindi siya naghahabol ng mga babae. Siya ang hinahabol! Kaya pala ganoon siya maka-react kanina!
Nasa hapag kami ngayon, Kumakain na ng dinner. Louis refused to stay dahil uuwi pa daw siya. I understand that may pamilya rin siyang inuuwian. Hindi naman sa akin lahat umiikot ang mundo niya. Sounds bitter? No! I’m just stating the truth.
"What happened? Bakit kayo nagkabalikan ni Louis?" Zael breaks the silence between us
Natigil ako sa pagkain ng grilled chicken at hinarap siya
"Because I am happy whenever I’m with him, What’s the problem with that?" sabi ko medyo nainis sa tanong niya
Tinigil din niya ang pagkain niya at bumaling sa akin, Nasa kusina si Mommy naghahanda ng gravy kaya hindi niya kami naririnig
"Well you’re happy, for now. Watch and he’ll hurt you again!" singhal niya
"Look at your logic Zael! Sounds familiar?" ngisi ko pero kumukulo na ako sa kaloob-looban ko
"Don’t pass it to me! Our experiences are different!" tumaas ang boses niya
Natawa ako at napailing
"How can you say that it was different? Calli cheated on you, Louis did it too, Only the diference was I forgive him, totally. But you know what? You couldn’t forgive her!" sigaw ko
Namumula ang tenga niya pati na rin ang kaniyang leeg
"Fuck it I know! Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nagawa mo siyang patawarin sa kabila ng lahat!" nagulat ako mariin niyang pagsigaw
Pero nakabawi din ako kalaunan
"I forgive because I love, then if you can not forgive that’s not love." mahinahon kong sinabi
Dumating si Mommy kaya tumayo na ako para makaalis, Bahagya siyang nagulat nang makita ang sitwasyon naming dalawa ni Zael
"Oh what happened?" tanong niya
"Uh, busog na po ako." I lied
Nagtataka man ay hinayaan na niya akong makawala
Pumasok ako sa kuwarto at doon umiyak, Hindi ko alam kung bakit sarado ang isip ni Zael sa pag-ibig, Masyado ba siyang nasaktan? Nasaktan din naman ako!
Fuck!
I hate this!
—————————
Please, Vote and Comment! ♥

BINABASA MO ANG
Unwanted
AlteleIs it possible to fall in love with each other even tho we're unwanted?